Pag aaral ng bibliya | Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?
Ni Yang Shuo, Tsina
Matapos ang agahan, naglakad ang mag-asawang Zhong Cheng at Chen Hua sa daan sa gilid ng burol. Tumingala si Chen Hua sa mga puting ulap sa langit at pabuntong-hiningang sinabing, “Ilang taon na tayong naglalakad sa mga burol na ito at tumitingin sa langit, pero kailanman ay hindi natin nakita ang Panginoong Jesus sa kahit anong ulap. Nasa mga huling araw na tayo, lumalala na ang mga sakuna, at hindi pa rin natin nasasalubong ang Panginoon. Nag-aalala ako!”