Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

16 Abril 2018

Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)

            



Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)



Si Lin Bo'en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo'en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo'en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?


Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

                



Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

   



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga kilos at mga gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon ang lahat ng mga kilos at mga gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos. Ang tao ang sagisag ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang mga tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng naturang karakter ng mga tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ngunit ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos na ginagawa Niya sa kanila ay kumikilos lamang at lumalawak sa kung ano na ang umiiral sa loob. Maging sa mga propeta o ang mga taong ginamit ng Diyos mula sa mga nakaraang panahon, walang sinuman ang maaaring direktang kumatawan sa Kanya."

13 Abril 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

             




Kidlat ng Silanganan | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan


Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.
dalhin ang tao sa mas totoo,

10 Abril 2018

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)

                 




Kidlat ng Silanganan | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)




Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

09 Abril 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)

             





Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi)






Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain."


Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan







Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?