Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

06 Agosto 2020

Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?


Ni Youxin

Tulad ng alam nating lahat, ang iglesia ng Philadelphia na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag ay isang iglesia na na-rapture bago ang mga malalaking sakuna. Sa kasalukuyan, ang mga sakuna ay nasa lahat ng dako, at tanging sa pamamagitan ng pagtuklas sa iglesia ng Philadelphia tayo maaaring ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos bago dumating ang mga malalaking sakuna. Alam mo ba kung sa anong mga katangian nakikilala ang iglesia ng Philadelphia? At paano natin mahahanap ang iglesiang ito? Ating talakayin at tuklasin ang isyung ito sa ibaba.

13 Hulyo 2020

Ibang Klase ng Pagmamahal


Ibang Klase ng Pagmamahal

Ni Chengxin, Brazil

Isang di-sinasadyang pagkakataon noong 2011 ang nagtulot sa akin na makapunta sa Brazil mula sa China. Noong kadarating ko pa lang, nalula ako sa mga sariwa at bagong karanasan at nag-usyoso ako nang husto, at nagkaroon ako ng magandang pakiramdam tungkol sa hinaharap. Ngunit pagkaraan ng ilang panahon, ang sariwa at bagong pakiramdam na ito ay napalitan kaagad ng kalungkutan at sakit dahil nasa isang malayong bansang dayuhan ako. Araw-araw ay umuuwi akong mag-isa at kumakaing mag-isa noon, nakatitig sa mga dingding sa paligid ko araw-araw na walang makausap na sinuman. Lungkot na lungkot ako, at madalas akong umiyak nang lihim.

29 Hunyo 2020

Kasama Nang Muli ng Diyos



Ni Qiu Zhen, Tsina

Isang araw, tinawag ako ng nakababatang kapatid kong babae para sabihing nakabalik siya mula sa hilaga at may mahalaga siyang bagay na gustong sabihin sa akin. Hiningi niyang puntahan ko siya kaagad. May pakiramdam ako na baka may masamang nangyari, kaya agad akong nagtungo sa bahay niya. Nang makarating ako sa lugar niya at makitang nagbabasa siya ng isang libro, saka lang nawala ang pagkabalisa ko. Nakita ako ng kapatid kong pumasok, agad siyang tumayo at masayang sinabi, “Qui Zhen! Sa pagkakataong ito sa hilaga may narinig akong magandang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na!”

23 Hunyo 2020

Ang Kaharian ng Langit ay Aktwal na Nasa Lupa Na


Ni Chen Bo, Tsina

Ang pinakamalaking inaasam nating mga nananampalataya ay ang makapasok sa kaharian ng langit, at matamasa ang walang-hanggang kaligayahang bigay ng Panginoon sa tao. Sa tuwing naririnig ko ang pastor na sinasabi sa kanyang sermon na ang lugar na ihahanda ng Panginoon para sa atin sa hinaharap ay nasa kalangitan sa itaas, na mayroong mga bukid ng ginto at mga pader na gawa sa jade, maraming nagkalat na hiyas na kumikinang, makakatikim tayo ng prutas mula sa puno ng buhay,

16 Abril 2020

Paano Tayo Mara-Rapture Bago ang mga Sakuna Kapag ang mga Sakuna ay Tumama?


Sermon Tungkol sa Kaligtasan | Paano Tayo Mara-Rapture Bago ang mga Sakuna Kapag ang mga Sakuna ay Tumama?


Ang Wuhan coronavirus, salot ng mga balang sa East Africa, bushfires ng Australia, at ilang iba pang mga sakuna ay nagsipag-usbong ng sabay-sabay—ang mga sakuna ay lumala at mas masahol pa, at ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay nangatupad na. Ngunit bakit hindi pa tayo na-rapture bago ang mga sakuna? Ano ang maaari nating gawin upang ma-rapture?

20 Marso 2020

Paano Malalampasan ang Paghihiwalay


Buhay Kristiyano |  Paano Malalampasan ang Paghihiwalay

Ni Shuyi, South Korea
Isang umaga noong umpisa ng tag-init, isang mabining halimuyak ang kumalat sa hangin at pumasok sa bawat sulok ang sinag ng araw. Suot ang isang bulaklaking malambot na bestida, masayang umupo si Qinyi sa istasyon ng tren, hinihintay ang pagdating ng kasunod na tren.

21 Pebrero 2020

Mensaherong Kalapati


Ebanghelyo ngayong araw | Mensaherong Kalapati


Ni Su Jie, Tsina

Isang araw noong 1999 matapos ang isang pagpupulong, nilapitan ako ng pastor at sinabing, “Su Jie, narito ang isang sulat para sa iyo.” Pagkakitang pagkakita ko noon, alam kong nanggaling iyon sa isang iglesiang itinatag ko sa Shandong. Kinuha ko ang sulat at habang pauwi, napaisip ako habang naglalakad, “Napakakapal ng sulat na ito, maaari kayang dahil nakaranas sila ng kaunting kahirapan?”

25 Enero 2020

Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?



Pag aaral ng bibliya | Masasalubong Ba ng Isang Tao ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pagtingin sa Langit?

Ni Yang Shuo, Tsina
Matapos ang agahan, naglakad ang mag-asawang Zhong Cheng at Chen Hua sa daan sa gilid ng burol. Tumingala si Chen Hua sa mga puting ulap sa langit at pabuntong-hiningang sinabing, “Ilang taon na tayong naglalakad sa mga burol na ito at tumitingin sa langit, pero kailanman ay hindi natin nakita ang Panginoong Jesus sa kahit anong ulap. Nasa mga huling araw na tayo, lumalala na ang mga sakuna, at hindi pa rin natin nasasalubong ang Panginoon. Nag-aalala ako!”

13 Enero 2020

Ang mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Kinakailangang mga Matapat na Tao

Katapatan sa Salita at Gawa | Ang mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Kinakailangang mga Matapat na Tao

Cheng Mingjie    Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng 

Shaanxi

Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy.

02 Disyembre 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw



Panalangin sa Diyos | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw


Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.

20 Nobyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas



Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas


Zhao Gang

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama).

29 Oktubre 2019

Mga Patotoo sa Kaligtasan| Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos

Mga Patotoo sa Kaligtasan | Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos


Qingxin Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng kanilang tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan.

25 Oktubre 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain.

01 Oktubre 2019

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Propesiya, panginoon, Panginoong Jesus, buhay, panalangin,

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw


Gawa ni Guoshi

Mga kapatid:

Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay "ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin." Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi.

20 Hunyo 2019

Hiwaga ng Ikalawang Pagparito ni Jesus |Paano Babalik si Hesukristo?

Matapos mabuhay muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, lahat ng mga Kristiyanong tapat na nanampalataya sa Kanya ay nag-umpisang abangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Partikular na tayong mga ipinanganak sa mga huling araw ay mas lalong inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating kung kailan Niya tayo itataas sa kaharian sa langit. Habang kumakapit tayo sa pag-asang ito, alam ba natin ang paraan kung paano magpapakita sa atin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon? Ang tanong na ito ay may kinalaman sa mahalagang bagay na magagawa ba nating salubungin ang pagdating ng Panginoon o hindi, kaya kinakailangang talakayin natin ito ng seryoso.

25 Pebrero 2019

Mga Patotoo | Pamilya | Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…


Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.

18 Pebrero 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Ni Wang Zihan, Lalawigan ng Shanxi

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!

05 Pebrero 2019

Sa Lipunan | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito. Naniwala akong kahit na hindi ko mababago ang katotohanan na ako ay ipinanganak sa kahirapan, maaari ko pa ring baguhin ang sarili kong kapalaran sa pamamagitan ng pagsusumikap. Bilang resulta, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas upang makipagbuno sa aking “kapalaran,” at makamtan ang isang kapirasong langit na matatawag kong akin.

Isang Kabiguan sa Aking Pag-aaral

Tulad ng mga sali’t-saling lahi ng hindi mabilang na mga mag-aaral, ang aking pagpupunyaging makapag-aral at makarating sa kolehiyo ang unang hakbang sa pagbabago ng aking kapalaran. Upang maabot ito, nag-aral ako nang husto. Kapag nasa klase ako nakikinig nang husto, kapag nasa labas ng klase habang naglalaro ang ibang mga mag-aaral, nag-aaral pa rin ako, madalas ay subsob ako sa aking mga libro sa kalaliman ng gabi.


Dahil sa subsob ako sa pag-aaral, palaging nabibilang sa pinakamatataas ang aking mga marka. Sa bawat pagkakataon na hinahangaan ako ng aking mga guro at mga kamag-aral lumalakas ang aking paniniwala na “Kailangan akong umasa sa aking sariling dalawang kamay upang mag-ukit ng lugar sa mundo para sa aking sarili.” Ngunit ang mga kaparaanan ng mundo ay pabagu-bago. Habang nagsusumikap ako upang maabot ang mga magagandang layunin na ito, biglang nagkasakit ang aking ama. Matapos siyang suriin ay nalamang siya ay may Cirrhosis, at nasa kalagitnaang yugto na ito. Dahil dito ay nagkaroon ng mga pamamaga sa kanyang katawan, at hindi lamang sa hindi siya nakapagtatrabaho, napagastos rin siya nang malaki sa mga pagpunta sa manggagamot. Sa sandaling panahon ang lahat ng gawaing bahay, pati ang mga gawain sa bukid sa mahigit isang ektaryang lupain, ay napunta sa aking ina, at kasabay nito ay nagkaroon rin siya ng hinekolohiyal na karamdaman. Isang araw ay sinabi sa aking ng aking ama, na may mukhang puno ng pighati: “Anak, sa ngayon ang buong pamilya natin ay sa iyong ina lamang umaasa para sa suporta. Napakabigat ng kanyang dinadala. Napakalaki ng gastos ng pagpapaaral sa apat na bata sa isang taon. Wala talaga tayong ibang paraan upang lahat kayo ay mapag-aral namin. Ikaw ang pinakamatanda, kaya dapat ay isipin mo ang iyong mga kapatid. Bakit hindi ka tumigil para mabigyan ng pagkakataon ang iyong mga kapatid?” Pagkarinig ko sa mga salitang iyon ng aking ama, nakadama ako ng napakatinding kirot sa aking puso: Palagi akong nangangarap na makapag-aral nang mabuti at maging isang bantog na tao, ngunit kung susunod ako sa kahilingan ng aking ama na isuko ang aking pag-aaral, di ba’t ang lahat ng aking mga pagkakataon at pag-asa ay bigla na lamang lubusang maglalaho? Napuno ng luha ang aking mga mata, at nakaramdam ako ng matinding kalungkutan sa aking puso. Alam kong pinag-isipan na ito ng aking ama bago niya sabihin sa akin, at sa pagtingin ko sa aking may sakit na ina, hindi ko kayang ipaubaya sa kanya ang bigat ng pasanin. Kaharap ang pinahirap pang pinansyal na sitwasyon ng aming pamilya, wala akong pagpipilian kung hindi ang makipagkompromiso sa kasalukuyang sitwasyon at labanan ang mga luha kasabay ng pagsunod ko sa mga kahilingan ng aking ama.

03 Pebrero 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Tanggalin ang Maskara, at Magsimula ng Panibagong Buhay

Chen Dan Hunan Province
Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato:

25 Enero 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Qiuhe Japan


Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba't ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba't ibang ritwal.



Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?