Chen Dan Hunan Province
Sa pagtatapos ng nakaraang taon, dahil hindi ko naumpisahan ang gawain ng ebanghelyo sa aking lugar, inilipat ng pamilya ng Diyos ang isang kapatid mula sa ibang lugar para pangasiwaan ang aking gawain. Bago nito, hindi ako nasabihan, kung hindi, nalaman ko lang sa pamamagitan ng isang kapatid na kasama ko sa gawain. Masyado akong nagalit. Naghinala ako na hindi ako sinabihan ng taong nangangasiwa dahil sa takot na hindi ko gustong iwanan ang aking katungkulan at ipaglalaban ko ito. Bilang resulta, nagkaroon ako ng hindi magandang opinyon sa kapatid na nangangasiwa. Hindi kalaunan, nagkita kami ng naturang kapatid at tinanong kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa aking pagkakapalit—noong una ninais ko na sabihin ang nasa aking isip, ngunit nag-alala ako na magkakaroon siya ng masamang impresyon sa akin at isipin na ako ay naghahangad sa katungkulan. Kaya sa halip, sa malumay na pananalitang kaya ko, sinabi ko, “Hindi ito problema, hindi ako nakagawa ng maayos na gawain kaya makatwiran lamang na ako ay mapalitan. Wala akong anumang partikular na iniisip tungkol dito, kung anumang tungkulin ang ibigay sa akin ng pamilya ng Diyos na gagampanan ko ay malugod akong susunod.” Sa ganitong paraan, itinago ko ang tunay kong nararamdaman habang ipinapakita ang ilusyong bersyon ng aking sarili sa naturang kapatid. Pagkatapos, ipinadala ako ng pamilya ng Diyos na maging manggagawa. Sa unang pagtitipon naming mga magkakatrabaho, nagtapat ang aming bagong lipat na pinuno tungkol sa kanyang kalagayan. Isang partikular na talatang ginamit niya, “nawala lahat ang katungkulan at reputasyon” ang tumama sa akin na parang isang toneladang mga bato: