Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

25 Pebrero 2019

Mga Patotoo | Pamilya | Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…

Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.

Hindi nagtagal, nagkaro’n sila ng isang kaibig-ibig at malusog na anak na lalake, at nagsikap sila na mabigyan ‘yon ng komportableng buhay. Kahit mahirap at nakakapagod para kay Hong’er, isang kaligayahan para sa kanya ang magtrabaho kasama ang mahal niya para maitaguyod ang kanilang tahanan. Nung kaarawan ni Hong’er, ginamit ng asawa niya ang kalahati ng sweldo niya para maipatugtog sa radio ang love song na Rain or Shine. Nang marinig ‘yon ni Hong’er, naiyak siya; narinig niya ang pagkakaisa ng tinig ng mga puso nila sa kantang ‘yon. Ano pa bang mas gaganda sa dalawang taong nagmamahalan at habang-buhay na magsasama, at mangangalaga sa isa’t isa? Hindi niya hangad ang kayamanan, kundi ang ganitong uri ng pag-ibig at pagkakaisa lang. Sapat na sa kanya ang isang tahanang may pagkakasundo.

Mabilis na lumipas ang mga taon, at sa isang kisap-mata dalawampung taon na ang nakalipas. Malaki na ang anak nila at magkasama silang mag-asawang nagsisikap para itaguyod ang negosyo ng pamilya. Pero sa isang punto, napansin niyang nagiging bihira na ang pag-uwi ng asawa niya, at lagi ‘yong nagdadahilan na may mga tao siyang kailangang harapin. Ang dating mainit at masayang tahanan nila ay nagsimulang manlamig. Nag-alala si Hong’er. Noong naghahanda pa lang sila sa pagtatayo ng kompanya, maraming mga bagay ang kailangang gawin ng asawa niya nang mag-isa, at kahit talagang abala siya nung panahong ‘yon, lagi siyang umuuwi agad hangga’t maaari. Ngayong maayos na ang takbo ng operasyon ng kompanya at hindi na siya gaanong abala gaya noon, bakit bihira na lang siyang umuwi? Hindi mapalagay si Hong’er. Naiintindihan niya ang istilo ng mga parokyano nila. Ang lahat ng uri ng pang-aaliw gaya ng mga foot massage, sauna, karaoke, at nightclub ay naging mga hindi nababanggit na batas ng industriya, at nauso na sa maraming kalalakihan na magpunta sa mga bahay-aliwan para sa panandaliang aliw at pangangalunya. Dahil araw-araw na nag-aasikaso ng mga parokyano ang asawa niya, labas-masok sa lahat ng uri ng bahay-aliwan na sagana sa tukso, posible kayang…? Hindi, hindi maaari! Hawak-kamay silang mag-asawa na humarap sa bawat unos nung nakalipas na mahigit dalawang dekada, at bawat maliit na bagay nung panahong ‘yon ay testimonya sa kanilang pagmamahalan. Papa’no guguho ang metatag nilang pundasyon nang dahil lang sa kaunting tukso? Kompyansa siya na malalagpasan ng pag-iibigan nila ang ano mang pagsubok. ‘Yon ang pampalubag ni Hong’er sa loob niya, pero pag tinitingnan niya ang reyalidad, hindi pa rin siya mapalagay.

Pero hindi umayon ang reyalidad sa kapayapaan ng loob na hinahangad ni Hong’er. Sunud-sunod ang malakihang mga paggastos ng kanyang asawa, at mas lalong naging madalang ang pag-uwi no’n, gamit ang iba’t ibang mababaw na dahilan. Tila mga suntok kay Hong’er ang lahat ng ‘yon; mas lalong bumigat ang mga dalahin sa kanyang puso. Kahit ramdam niya, base sa kakaibang kinikilos ng kanyang asawa, na posibleng hindi ‘yon naging tapat sa kanya, ayaw niyang tanggapin o kilalanin ang katotohanang ‘yon. Hindi siya naniniwala na ang lalakeng sumumpa na magbibigay sa kanya ng habang-buhay na kaligayahan at kasabay niyang humarap sa mga unos sa loob ng dalawang dekada, ay biglang magtataksil sa kanya. Isa lang bang kasinungalingan ang sumpaang “magsasama hanggang kamatayan?”

Hindi na hinayaan ng katotohanan na lokohin pa ni Hong’er ang sarili niya; sinimulan niyang sundan ang asawa niya. Isang araw, sinundan niya ‘yon sa isang mayamang komunidad at natuklasan niyang nagpatayo ro’n ang asawa niya ng bahay para sa ibang babae. Nabigla siya nung sandaling nakita niya yung babae na may kargang maliit na bata. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Maraming beses niya nang naisip na posibleng labas-masok sa mga hotel ang asawa niya kasama ang iba’t ibang babae, na wala silang ano mang personal na relasyon, pero hindi niya lubos-maisip na bubuo ang asawa niya ng ibang pamilya at magkakaanak sa ibang babae. Nung sandaling ‘yon, nadurog ang huling piraso ng kaginhawaan ni Hong’er, gumuho sa harap ng malupit na katotohanan. Sa isang iglap, ang sumpaan nila, at bawat bahagi ng mahigit dalawang dekadang pagsasama nila ay gumuho at bumagsak sa kawalan. Kailan pa siya naging walang puso? Nakalimutan niya na ba yung pangako niyang habang-buhay na kaligayahan? Nakalimutan niya na ba yung damdaming pinahayag niya sa kantang “Rain or Shine”? Nakalimutan niya na bang binitawan ni Hong’er ang lahat para sa kanya, at lahat ng mga pinagdaanan nila nang magkasama? Pa’no siya nakalimot? Bakit niya ‘yon ginawa kay Hong’er? Pa’no nangyaring hindi nakayanan ng dalawampung taon ng pagmamahalan ang tukso ng ibang tao? Nabuo ang galit at lungkot kay Hong’er nung sandaling ‘yon. Nanginginig ang puso niya at kusang tumulo ang luha sa mukha niya. Malakas siyang sumigaw, “Sigurado kang gusto mo kaming ipagpalit ng anak mo para sa babaeng ‘yan?” Hinangad niyang makakita ng pagsisisi sa mukha ng asawa niya, na aminin nitong mali siya, na sabihin nitong nasa puso pa rin nito ang pamilya nila, pero nanahimik ang asawa niya sa kabila ng pagtatanong at mga luha niya. Nang makita ‘yon ni Hong’er, tuluyan na siyang umiyak. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtaksilan ng asawa niya. Sinampal niya ‘yon nang malakas, hindi niya napigil ang galit sa puso niya.

Hindi maalala ni Hong’er nang iwan niya yung lugar---pakiramdam niya hinigop ang lahat ng lakas niya. Nakatayo siya sa pangpang habang lumalalim ang dapit-hapon, wala siyang kasama kundi ang nawawalang liwanag at ang huling bakas ng papalubog na araw. Sunud-sunod na alon ng sakit ang bumulwak sa puso niya. Nakikita niya sa isip niya ang bawat eksena ng ilang dekada nilang pagsasama. Binalewala niya ang pagtutol ng pamilya niya at sinadyang lumayo makasama lang ang kanyang asawa. Nagsikap siyang magtrabaho kasama ‘yon at hindi nabawasan ang pagmamahal niya dahil sa limitasyong pinansyal nila. Magkasama nilang naabot ang puntong ito sa kabila ng lahat ng pait at tamis, ng hangin at ulan. Bumuti ang buhay nila at lumaki ang anak nila, pero kaya pala ng asawa niyang itapon ang masaya nitong pamilya para bumuo ng panibago kasama ang ibang babae. Kinamuhian ni Hong’er ang pagbabago niya, at kinamuhian niya ang kawalan niya ng puso. Pero kapag naiisip niyang basta na lang mawawala ang masayang pamilyang pinaghirapan niya, hindi niya ‘yon makayang bitawan at gagawin niya ang lahat maibalik lang ‘yon sa dati. Basta bumalik lang ang asawa niya, makakaya ni Hong’er na patawarin ‘yon sa mga pagkakamali niya dahil sa kanya nakasalalay ang lahat ng kaligayahan ni Hong’er.

Pag-uwi ni Hong’er, nagsimula siyang magplano para iligtas ang buhay may-asawa niya. Sabi ng isang kaibigan: “Kapag lumalabas ang isang lalake para maghanap-buhay, marami siyang nasasagap na hindi magandang bagay. Pag-uwi niya, kailangan niya ang init ng isang tahanan; ‘yon ang magpapasaya sa kanya. Gaya ng sabi nila, “Ang daan tungo sa puso ng lalake ay ang kanyang tiyan.” Alam ni Hong’er na mahilig sa dumplings ang asawa niya, kaya araw-araw, maingat siyang gumagawa ng iba’t ibang klaseng dumplings at nag-isip siya ng ibang paraan para patagong magtanong tungkol do’n. Ginamit niya ang anak nila para makagawa ng mga dahilan para umuwi siya, pero ano mang pang-uudyok ang gawin ni Hong’er, maligamgam ang asawa niya sa kanya. Naisip ni Hong’er na baka ayaw na no’n sa kanya dahil nagkaka-edad na siya, kaya naglaan ng maraming oras si Hong’er sa pagme-makeup para magmukhang mas bata. Nag-isip siya ng maraming paraan para muling mabihag ang puso ng asawa niya, pero walang saysay ang lahat. Mahirap at nakakapagod ang panahong ‘yon para sa kanya, at wala siyang magawa. Araw-araw, hinuhugas niya ang luha sa mukha niya at hindi siya makatulog sa gabi. Hindi niya alam kung ga’no karaming bagay ang ginawa niya maayos lang ang nasira nilang tahanan. Wala na siyang magawa kundi ang maghintay sa kabila ng sakit, maghintay sa pagbabalik ng kanyang asawa.

Tatlong taong naghintay nang gano’n si Hong’er, at nung mga araw na ‘yon mahigit isang beses niyang tinanong ang sarili niya: “Pa’no nawala nang gano’n lang ang damdaming nabuo nang higit sa dalawampung taon? Bakit hindi ako magkaro’n ng masaya, kumpletong pamilya mula sa kung ano’ng binuo ko?” Paulit-ulit niya ‘yong tinanong, pero walang makapagbigay sa kanya ng sagot. Araw-araw siyang naghintay, pero walang dumating. Walang dudang isa na ‘yong “hatol ng kamatayan” para sa pagsasama nilang mag-asawa. Sugatan ang puso, wala nang lakas si Hong’er para matiis pa ang gano’ng dagok. Sapat na ang dinanas niya at wala na siyang tapang o lakas pa para magpatuloy. Inubos niya ang apatnapung diazepam sa isang lagok …

Nang magising siya kinabukasan, nasa ospital siya at nakita niyang nando’n din ang asawa at ang anak niya. Walang tigil na dumaloy ang mapapait na luha sa mukha niya---umiyak siya hanggang sa mahilo, durog ang kanyang puso. Kakatwa ang pagkabuo ng pamilya niya sa ganitong sitwasyon, pero wala siyang magawa tungkol do’n. Tumingin siya sa langit at bumuntong-hininga: “Sino’ng makakapagsabi sa ‘kin kung bakit kayang lagpasan ng isang mag-asawa ang mga paghihirap sa buhay, pero hindi ang kayamanan? Pa’no naging marupok ang pagmamahalang nabuo ng dalawang dekada?”

Hindi nagtagal, nagbahagi kay Hong’er ang biyenang babae ng anak niya ng ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw at sinabi nitong ang Diyos lang ang makakapagligtas at makakatanggal sa lahat ng paghihirap ni Hong’er. Dahil ‘yon sa nilikha ng Diyos ang tao; sa simula, nabuhay ang sangkatauhan sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos at namuhay sila nang masaya, ngunit napalayo sila sa Diyos dahil pinasama sila ni Satanas. Nagsimula silang itanggi ang pag-iral ng Diyos at mamuhay sa loob ng pamiminsala ni Satanas; lumaki nang lumaki ang sakit at pagkadismaya nila. Nagkatawang-tao ang Diyos Mismo para ipahayag ang katotohanan at iligtas ang sangkatauhan upang maagaw ‘yon sa kapit ni Satanas. Kapag humarap ang isa sa Diyos, binasa ang Kanyang mga salita at naunawaan ang katotohanan sa pamamagitan no’n, do’n lang nila makikita ang ugat ng kasamaan sa lipunan, makakalayo sa kapahamakan ni Satanas, at mamuhay sa ilalim ng ingat at proteksyon ng Diyos. Binasa ng balae ni Hong’er ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng biglaang pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang ‘ama.’ Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik noon pa man” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos marinig ang mga salitang ito na hindi niya pa narinig noon, labis na napukaw si Hong’er, na para bang may mainit na along dumaloy sa puso niya at pinapainit ang katawan at puso niya. Nung mga huling taong ‘yon, walang nakaunawa sa malalim na kalungkutan sa puso niya, at wala siyang mabahaginan ng bigat ng nararamdaman niya. Lalo na, walang makaunawa o makaaliw sa kanya. Pinalipas niya ang hindi mabilang na malulungkot na gabi, tahimik at mag-isang umiyak hanggang magbukang-liwayway. Sumunod na parang anino ang sugat na hindi niya makalimutan o matanggal. Akala niya wala na siyang magagawa kundi ang magpatuloy nang gano’n, malungkot at nasasaktan, hanggang sa dulo ng buhay niya. Pero nung araw na ‘yon, kumatok ang siping ‘yon sa pinto ng puso niya. Napagtanto niyang pag nasasaktan siya, nagtitiis ng hirap, at umiiyak, alam ‘yon ng Diyos at lagi Siyang nasa tabi ni Hong’er, naghihintay na makabangon siya. Nang marinig niya ang mga salita ng Diyos, hindi napigil ni Hong’er ang pagtulo ng luha niya; ramdam niyang kasama niya ang Diyos at hindi talaga siya nag-iisa. Kahit wala pa siyang naririnig o alam tungkol sa Diyos noon, palagi lang nasa tabi niya ang Diyos. Hindi lang siya niligtas ng Diyos at sinagip ang buhay niya nang magpasya siyang mamatay, pero nang mawalan siya ng pag-asa sa buhay, hinayaan ng Diyos na marinig ni Hong’er ang Kanyang tinig sa pamamagitan ng balae niya. Ginamit ng Diyos ang mga salita Niya para pukawin at bigyang init ang puso ni Hong’er, na nagbalik ng pag-asa at pagkakataong mapabuti ang buhay niyang puno ng sakit at desperasyon. Nung sandaling ‘yon, nadama ni Hong’er ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos at naginhawahan ang sugatan niyang puso. May masasandalan na siya.

Matapos ‘yon, nagsimulang pumunta sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Hong’er, magbasa ng mga salita ng Diyos, magbahagi ng katotohanan, at umawit ng mga himno bilang pagpupuri sa Diyos kasama ang kanyang mga kapatid. Nakita niyang mababait silang lahat at tinatrato ang iba nang may sinseridad. Nagawa nilang magtapat tungkol sa kasamaang ibinunyag nila, at suriin ang kasamaan ayon sa mga salita ng Diyos at hangarin na maging tapat na tao na gusto ng Diyos. Walang nangungutya ng iba, sa halip tinutulungan nila ang isa’t isa at binibigyan ang bawat isa ng kabuhayan. Bawat mukha ay may nagniningning na ngiti. Nahawa si Hong’er sa tapat at masiyahing kapaligiran at nagkamit siya ng isang uri ng kapahingahan at kalayaan sa loob ng malaking pamilyang ‘yon na hindi niya pa nararanasan noon. Nakaramdam siya ng init na matagal niyang hindi dinanas at ang pakiramdam ng pag-uwi. Nabawasan ang pagkabalisa niya araw-araw, at unti-unting lumitaw ang ngiti sa kanyang mukha. Sa mga salita ng Diyos niya natagpuan ang mga sagot sa mga bagay na matagal na gumulo sa kanya at nalaman niya ang ugat ng sarili niyang paghihirap. Nakita niya ang sumusunod sa mga salita ng Diyos: “Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawa’t pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawa’t paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana” (“Gawain at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Lahat kayo ay pamilyar sa salitang ‘pagkakanulo’ dahil karamihan sa mga tao ay nakagawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang iba dati, tulad ng isang asawang lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang asawang babae, isang asawang babae na ipinagkakanulo ang kanyang asawang lalaki, isang anak na lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang ama, isang anak na babae na ipinagkakanulo ang kanyang ina, isang alipin na ipinagkakanulo ang kanyang amo, mga kaibigan na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga kamag-anak na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga nagbebenta na ipinagkakanulo ang mga mamimili, at iba pa. Ang lahat ng mga halimbawang ito ay naglalaman ng diwa ng pagkakanulo” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang kalikasan ng tao ay ang kanilang buhay, ito ay isang prinsipyo na inaasahan nila upang makaligtas, at hindi nila maaaring baguhin ito. Katulad ng kalikasan ng pagkakanulo-kung maaari kang gumawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang isang kamag-anak o kaibigan, ito ay nagpapatunay na ito ay bahagi ng iyong buhay at ipinanganak kang may ganitong kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naintindihan ni Hong’er na lahat ng paghihirap ng tao ay nagmumula sa kasamaan ni Satanas, at lahat ng mga tao ay nabubuhay sa loob ng isang malaking kawa, babad sa kasamaan. Binobomba tayo ng masasamang mensahe ni Satanas gaya ng: “Panatilihing malakas ang tahanan, at saka ka magsaya”; “Maiksi ang buhay. Magpakasaya na habang pwede pa”; “Samantalahin ang araw at magpakasaya, dahil maiksi ang buhay”; “Siyam sa sampung tao ang nagloko, ang pang-sampu sa kanila ay isa lang hangal.” Nangangahulugan itong ang isang lalakeng may ibang babae at nangangalunya ay ayos lang at isa ‘yong marka ng katayuan. Bukod do’n, nagkalat na ang mga bahay-aliwan, mula sa malalaking kalsada hanggang sa mga eskinita, kaya madali na lang sa mga tao ang magpakasasa sa masasamang pita ng laman. Masasama sila at tiwali, puno ng kabuktutan kaya wala silang pagkakahawig sa tao. Pag hindi naiintindihan ng tao ang katotohanan, hindi nila nakikilala ang mabuti sa masama, kagandahan sa kapangitan, o ano mang kakayahang makita ang kaibahan sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay. Baluktot ang pananaw nila sa mga bagay at tinatanggap nila ang masasamang bagay bilang tama at marangal. Tinatalikuran nila ang pangako nila at pinagtataksilan ang kanilang asawa para lang sa kanilang mahalay na pagnanasa, nawawalan sila ng kabaitan, rason, moralidad, at dignidad na dapat taglayin ng mga tao. Namumuhay sila sa ilalim ng pananakop ni Satanas at nagpapakasasa sa laman, naghahanap ng kasiyahan, at pinapawi ang kanilang sariling masasamang pagnanasa. Pinag-isipan ni Hong’er ang tungkol sa masamang lipunang ito. Karaniwan na lang ang mga lalakeng nagtataksil sa asawa at mga babaeng nagtataksil sa asawa; sa ilalim ng korosyon ng masasamang uso, ang mga taong walang katotohanan ay walang panglaban sa mga ganitong bagay. Napapailalim sila sa epekto ng masamang pag-iisip na ito sa kabila ng kanilang sarili, at binabalewala nila ang mga responsibilidad, moralidad at hustisya, at ang kanilang konsensya matupad lang ang kanilang pagnanasa. Itinatabi nila ang kanilang kabiyak, nagdudulot ng matinding pinsalang emosyonal sa kanilang pamilya, maging panghabang-buhay na pagdurusa. Nakita ni Hong’er na biktima rin ang asawa niya ng masasama at satanikong kalakarang ito. Inalala ni Hong’er kung pa’no naging maalaga at mapagmahal ang asawa niya noon sa kanya, at hindi sila naghangad ng material na kayamanan---tanging pag-ibig at pagmamahal, at kaligayahan at pagkakasundo. Pero nang yumaman sila nagsimula na rin ang madalas na pag-aasikaso ng asawa niya sa mga parokyado at paglabas-masok sa mga bahay-aliwan. Hindi niya natiis ang pang-aakit ng masasamang kalakaran at nagkaro’n siya ng masamang pamumuhay. Nangalunya siya at namuhay ayon sa kanyang pagnanasa, iniisip lang ang sarili niyang kahalayan. Hindi niya inisip ang damdamin ni Hong’er, pati na ang pamilya nila. Nagdulot ‘yon ng pagkawasak ng kanilang tahanan at kanilang pagkakahiwalay. Ang pag-ibig na binahagi nila nang mahigit dalawampung taon ay naging marupok sa harap ng masasamang kalakarang ‘yon; hindi ‘yon nakatagal sa dagok. Hindi ba’t resulta ‘yong lahat ng pagpapasama ni Satanas sa tao?

Napagtanto ni Hong’er na malalim ang pagkakapinsala sa kanya ni Satanas, lagi siyang naghahanap ng pag-ibig at pagkakaisa ng mag-asawa, pagtanda nang magkasama, at “pagsasama hanggang kamatayan.” Akala niya ang pagkakaro’n ng gano’ng buhay may-asawa ang tanging kaligayahan sa buhay. Matapos lumayo ang asawa niya, sinubukan niya ang lahat para masagip ang pagmamahalan nilang nasira, at nang hindi matupad ang gusto niya, namuhay siya sa kalungkutan at hindi niya ro’n maiahon ang sarili, naisip niya ring magpakamatay. Hindi ba ang lahat ng ‘yon ay mga maling kaisipan at pananaw kung saan ibinabad ni Satanas ang sangkatauhan para mapaglaruan at mapinsala si Hong’er? Tanging sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos lang naintindihan ni Hong’er na makasarili ang lahat ng tao at ginagawa nila ang lahat para sa sarili nilang kapakinabangan at ayon sa sarili nilang prinsipyo. Walang tunay na pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao; hindi umiiral ang romantikong pag-ibig. Pero ginagamit ni Satanas ang lahat ng hindi totoong konsepto para pasamain at akitin ang mga tao para igalang nila ang kasamaan at hangarin ang romantikong pag-ibig higit sa lahat, lubos na namumuhay sa ilusyon nito. Mas lalong silang nagiging masama at malala, at mas lalong napapalayo sa Diyos. Doon tunay na naranasan ni Hong’er na pag wala ang katotohanan, hindi makikilala ng tao ang mabuti at masama, kagandahan at kapangitan, at hindi makikilala ang mga positibong bagay. Paglalaruan at ipapahamak lang sila ni Satanas, at lulunukin nito nang buo. Salamat sa pagliligtas ng Diyos, nakita ni Hong’er ang katotohanan sa pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan at nadiskubre niya ang ugat ng paghihirap. Pinagliwanag ng mga salita ng Diyos ang puso niya; mas nakadama siya ng ginhawa.

Binasa ni Hong’er ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari kang makalakad sa maliwanag, tamang daan sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos lamang maaari mong malaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maisasabuhay mo ang tunay na buhay, taglayin ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos makakamit mo ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo lamang ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at pag-kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang maaaring makapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay napagpasiyahan na ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging Diyos ang huling responsable para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na di-maaaring matamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagmamay-ari ng isang kakanyahan ng Diyos na tulad nito, walang tao o bagay ang may kakayanan na iligtas at gabayan ka. Ito ang kahalagahan ng kakanyahan ng Diyos sa tao” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Naintindihan ni Hong’er mula sa mga salita ng Diyos na ang Diyos lang ang makakaligtas sa tao mula sa kasamaan ni Satanas, at magkakamit lang ng pang-unawa ang mga tao sa mga taktika at paraan ni Satanas sa pagpapasama sa sangkatuahan sa pamamagitan ng pag-intindi sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. ‘Yon lang ang paraan para magkamit ng kaalaman sa panlilinlang ni Satanas, makatakas sa kapahamakan no’n, at mamuhay nang malaya. Bumuntong-hininga siya, idinaing na sa loob ng maraming taon, pinagharian siya ng mga maling ideya at ang paghahangad ng kaligayahan sa pamamagitan ng pag-aasawa ay isa lang ilusyon. Naisip niya ang katotohanang ang asawa niya ay isa ring taong pinasama ni Satanas, at lahat ng hinangad niya at negatibo, masasamang bagay. Kaya paghihirap at pinsala lang ang naibigay niya kay Hong’er; hindi siya makakapagbigay ng kahit anong kaligayahan. Ang pag-ibig lang ng Diyos para sa tao ang hindi maramot, at ang Diyos lang ang buong pusong naghahangad na maligtas ang mga tao sa paghahari ni Satanas. Pinahayag ng Diyos ang lahat ng uri ng katotohanan at inaayos Niya ang lahat ng uri ng kapaligiran para madalisay at mabago ang sangkatauhan, at para ‘yon magabayan ang tao sa pagtakas sa kasamaan ni Satanas at mabigyan sila ng masayang buhay. Pero para sa masamang sangkatauhan, sa sandaling magalaw ng isang bagay ang personal nilang interes, magtataksil sila; ang Diyos lang ang nasa tabi ng tao sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar, at makakatulong para malagpasan nila ang bawat kagipitan. Ang Diyos lang ang tunay na maaasahan, at ang tahanan ng Diyos lang ang tunay na kanlungan ng kaluluwa ng isang tao. Noon, walang pagkaunawa si Hong’er sa masasamang kalakaran na galing kay Satanas at namuhay lang siya sa galit para sa kanyang asawa, walang ano mang kaligayahan at kagalakan. Araw-araw siyang miserable, iginapos at sinaktan ni Satanas---hindi maipaliwanag ang sakit. Ngayong alam niya na ang ugat ng paghihirap niya, hindi niya na kinamumuhian ang kanyang asawa. Parang malaking pasanin ang nawala sa balikat niya, at nakaramdam siya ng kapayapaan, kaluwagan, at kalayaan sa kanyang kaluluwa na hindi niya pa naranasan noon! Tunay ngang nagkamit siya ng talino sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at mga bagay sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan at malaya na siya sa wakas sa pagpapahirap ng pagdurusa at sa pananakit ni Satanas.

Ngayong meron na siyang kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi na malungkot si Hong’er gaya ng dati. Tuluyan niya nang pinakalawan at tinanggap ang pagtataksil ng asawa niya. Nagpaalam na siya sa wakas sa mga araw ng kalungkutan at lahat ng nakakakilala sa kanya ay nagsabing nagbago na siya, na naging mas masaya na siya at mas malinaw na ang isip niya. Puno siya ng pasasalamat sa Diyos dahil nakamit niya ang lahat ng pagbabagong ‘yon sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos.

Maraming taon ang lumipas. Laging nagbabasa si Hong’er ng mga salita ng Diyos, namumuhay para sa iglEbanghelyoesia, nakikipagbahaginan ng mga salita ng Diyos sa kanyang mga kapatid, at binibigay ang lahat para matupad ang tungkulin niya bilang isa sa mga nilikha. Puno ng katuparan ang mga araw niya. Naintindihan niya na ang ilang mga katotohanan at malinaw niya nang nakikita na ang buhay ng tao sa mundo ay hindi lang para sa kanyang asawa o mga anak, kundi para tuparin ang tamang tungkulin ng isang nilikha, at sa gano’ng pamumuhay lang makakapagbigay ang tao ng kagalakan sa Diyos. Nahanap niya na sa wakas ang tamang landas sa buhay, at ‘yon ay ang sumunod sa Diyos, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, dumanas ng gawain ng Diyos, at maghangad ng pag-unawa at magkamit ng katotohanan. ‘Yon ay ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at maging isang taong sumusunod at sumasamba sa Diyos. Ang lahat ng ito lang ang pinakamakahulugan at masayang uri ng buhay. Hangarin ni Hong’er na tahakin ang ganitong uri ng landas sa buhay sa ilalim ng paggabay at pamumuno ng Diyos, para magkamit ng katotohanan at buhay, para lubos na palayain ang kanyang sarili sa pananakit ni Satanas, at mamuhay nang may kahulugan---para ipamuhay ang reyalidad ng katotohanan at magbigay kaluwalhatian sa Diyos!

Magrekomenda nang higit pa:

Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?