Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post

14 Disyembre 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord(Tagalog Dubbed)


Salita ng Diyos | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord


Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik.

29 Nobyembre 2019

Mga Trailer ng Pelikulang Ebanghelyo | Anak, Umuwi Ka Na!



Panalangin sa Diyos | Anak, Umuwi Ka Na! 


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game.

18 Nobyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movie | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin.

27 Oktubre 2019

Tagalog praise and worship Songs |"Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala"


Tagalog praise and worship Songs |"Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala"


I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong 'di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.
Nais ng Diyos ang mga yaong
ma'aring tumanggap ng bagong liwanag,
at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.

II
Bakit kailangan mong maging isang malinis na birhen?
Kayang hanapin ng malinis
na birhen ang gawain ng Espiritu Santo;
kaya niyang tanggapin ang mga bagong bagay,
at isuko ang lumang mga paniniwala,
at sundin ang gawain ng Diyos ngayon, 
sundin ang gawain ng Diyos ngayon.
Itong mga taong tumatanggap sa pinakabagong gawain ngayon,
ay inordinahan ng Diyos sa harap ng mundo,
at ang mga pinaka-mapalad.
Dinig n'yo ang tinig ng Diyos at pagmasdan ang hitsura Niya.
Kaya, sa lahat ng oras at henerasyon sa buong langit at lupa,
walang mas mapalad kaysa sa inyo ang grupong ito ng mga tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

21 Setyembre 2019

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos

pananampalataya, salita ng Diyos, Kaligtasan,

Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananalig sa Makapangyarihang Diyos


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. 

31 Agosto 2019

Pelikulang Kristiano | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Pelikulang Kristiano | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”

Manood ng higit pa:Salita ng Diyos

25 Hunyo 2019

Mga Pelikula tungkol sa Buhay sa Iglesia "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Tagalog Christian Movies 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan. Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya.

13 Hunyo 2019

Ilang tao ng relihiyon ang babalik sa Diyos sa mga panahon ng kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago.

06 Hunyo 2019

Tagalog Gospel Songs|Ang Huling Yugto ng Paglupig ay Sadyang para Iligtas ang mga Tao




I
Huling yugto ng paglupig,
iligtas ang sangkatauhan,
ihayag ang kanilang katapusan,
sa paghatol ay ibunyag ang kanilang kasamaan.
Kaya't tulungan silang magsisi't magbangon,
itaguyod buhay at tamang landas.

27 Mayo 2019

Salita ng Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan


Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo. Yamang naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maniwala sa Kanyang mga salita; kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming mga taon subalit hindi mo nalalaman ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu, ikaw ba ay isang mananampalataya talaga? Upang matamo ang buhay ng isang normal na tao at isang maayos na buhay ng tao kasama ng Diyos, kailangan mo munang paniwalaan ang Kanyang mga salita. Kung hindi mo pa natatapos ang unang hakbang ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga tao, wala kang taglay na saligan.

26 Mayo 2019

Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto


Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano.

23 Abril 2019

Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sagot:

Iniisip ng karamihang tao sa relihiyosong mundo: Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at sinabi bago Siya mamatay “Naganap na,” pinatunayan nito na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala nang gawain. Kaya, nang marinig na gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, maraming tao ang lubos na itinanggi ito. Inisip nilang isa itong imposibleng bagay. Kapag dumating sa bagay na iyon, ano ang katotohanan ng bagay na ito? Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, sinagisag ba nito o hindi na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay ganap na “natapos”? Ang ibig sabihin ba ng Diyos sa pagsasabi ng “Naganap na” na natapos na ang lahat ng gawain ng Panginoon na pagtubos sa sangkatauhan, o nangangahulugan ito na natapos na lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan?

22 Abril 2019

Tagalog Christian Movie | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movie | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)


Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos


Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis.Samakatuwid, kung walang pagtalima sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago.

19 Abril 2019

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon.

15 Abril 2019

Best Christian Family Movie "Saan Ang Aking Tahanan" Clip 1 - Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit


Best Christian Family Movie "Saan Ang Aking Tahanan" Clip 1 - Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit


Bakit may paghihirap sa buhay ng tao? Marami ang nakipagbuno sa tanong na ito ngunit hindi kailanman nakatagpo ng kasagutan. Nakatagpo si Wenya at ang kanyang pamilya ng isang hindi inaasahang pagbabago sa mga pangyayari, na ganap na naranasan ang malalaking pagbabago sa mga relasyon ng tao. Sa huli, natagpuan nila ang ugat ng pagdurusa sa mga buhay ng tao sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan kung paano iwawaksi ang kanilang sakit na naranasan at kung paano makakamtan ang tunay na kasiyahan. Ang kahanga-hangang maiksing palabas na, “Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit” mula sa isang Kristiyanong pelikula na Nasaan ang Aking Tahanan, ang tutulong sa inyo na malaman ang kasagutan.
Manood ng higit pa:Tagalog Christian Songs

09 Abril 2019

Anong mga tao ang inililigtas ng Diyos? Anong mga tao ang Kanyang inaalis?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay muli, na nakikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita.

08 Abril 2019

New tagalog dubbed movies | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"



New tagalog dubbed movies | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"


Madalas na ipinangangaral ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon sa mga mananampalataya na mawawala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus at ginawa silang karapat-dapat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at kapag may isang naligtas, ligtas na rin sila habangbuhay.  Dahil dito, maraming mananampalataya ang naniniwala na kapag nagbalik ang Panginoon, agad tayong madadala at makakapasok sa kaharian ng langit.

02 Abril 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Paano Makapasok sa Isang Normal na Kalagayan

Mas handang tanggapin ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo silang maliliwanagan at mas lalo silang nagugutom at nauuhaw na hangarin ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sila lamang mga nakakatanggap ng mga salita ng Diyos ang nakakayang magkaroon ng higit na malalalim at mayayamang karanasan; sila lamang yaong ang mga buhay ay lalong namumukadkad. Bawat isang naghahangad ng buhay ay dapat ituring ito na parang kanilang gawain, at dapat magkaroon ng damdamin na hindi sila mabubuhay kung wala ang Diyos, na walang kahit isang tagumpay kung wala ang Diyos, at ang lahat ay kahungkagan kung wala ang Diyos.

26 Marso 2019

Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat makaalam ng Aking kalooban. Gumagawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?