Tagalog Christian Movie | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"
Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin.
Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…