“Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian”
(mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).“Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos”
(“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).“Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos”
(“Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).“Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga misteryo” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan—sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal”
(“Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).Kapag nagtatrabaho ang Diyos upang hatulan at linisin ang tiwaling sangkatauhan sa mga huling araw, gumagamit Siya ng maraming aspeto ng mga katotohanan upang hatulan at ilantad ang mala-satanas na kalikasan ng tao na sumusuway at lumalaban sa Diyos, at ipakita sa tao ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na walang kinukunsinting pagkakasala. Sa pamamagitan ng paghatol ng salita ng Diyos, nakakaya ng tao na makita nang malinaw ang katotohanan ng malalim na pagtitiwali sa kanila ni Satanas, at tunay na kilalanin ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi kumukunsinti ng pagkakasala, nagkakaroon ng paggalang para sa Diyos. Kaya tumatakas sila sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng kasalanan, at kamtin ang kalinisan at pagliligtas ng Diyos. Kapag binabasa namin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman namin na hinahatulan at inilalantad tayo ng Diyos nang harap-harapan, at nararamdaman nating lahat na ang salita ng Diyos, tulad ng tabak na may dalawang talim, ay hinahatulan at inilalantad ang ating mapaglabag at lumalaban-sa-Diyos na mala-satanas na kalikasan. Malinaw nating nakikita ang katotohanan na tayo ay ginawang tiwali nang napakalalim ni Satanas, na ang ating kalikasan ay mayabang mapanlinlang, makasarili at kasuklam-suklam. Bagama’t naniniwala tayo sa Diyos hindi natin maaaring maparangalan ang Diyos, at wala tayong pusong natatakot sa Diyos. Tayo ay madalas na nagsisinungaling at dinadaya ang Diyos, dinadaya ang ibang mga tao. Naniniwala tayo sa Diyos ngunit sinasamba at sinusunod natin ang tao. Sa sandaling magkaroon tayo ng katayuan, ipinapasikat pa natin ang ating mga sarili at pinupuri natin ang ating mga sarili, upang pakinggan at sundin tayo ng mga tao. Maaari pa tayong humiwalay sa Diyos at harapin Siya, nagtatatag ng mga malayang kaharian. Kapag nakakaranas tayo ng mga sakunang likas o gawa ng tao, nagrereklamo pa tayo tungkol sa Diyos at nilalabanan ang Diyos. Kapag hindi tumutugma ang bagong gawain ng Diyos sa ating mga paniwala, kikilos pa tayo na tulad ng mga Hudyong Fariseo noon, gumagawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos at hinahatulan Siya ayon sa gusto natin. Kung gumugol tayo nang kaunti, gumawa ng ilang gawain o nagdurusa nang kaunti para sa Diyos, kikilos tayo nang paimportante at ipinagyayabang ang ating katandaan, humihiling ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos. Sa sandaling hindi mabigyang-kasiyahan ang ating mga ninanais, kikilos tayo nang negatibo at babagal o aalis sa ating trabaho, atbp. Nakikita natin na ang pagtiwali sa atin ni Satanas ay napakalalim! Hindi natin kailanman isinabuhay ang imahe ng mga tao! Tayo ay talagang pinakalarawan ni Satanas! Habang hinaharap ang katotohanan ng pagtiwali sa atin ni Satanas, lahat tayo ay taos-pusong nahihiya at labis na nagsisisi, at pinahalagahan natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi madudungisan at ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi masasaktan. Wala tayong magagawa kundi ang lumagapak sa harapan ng Diyos, pinagsisisihan ang ating mga masasamang gawain, kinasusuklaman ang ating mala-satanas na kalikasan, at nagsisisi sa Diyos. Sumasang-ayon tayong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, gampanan ang ating tungkulin bilang mga nilikhang nilalang, at sundin ang lahat ng plinano at isinaayos ng Diyos. Ito ang resulta ng paghatol ng salita ng Diyos sa Kanyang mga napiling tao!
Alam nating lahat matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos na hindi lamang ginagamit ng Diyos ang Kanyang salita upang hatulan at ilantad tayo. Inaasinta rin Niya ang ating mga aktuwal na kalagayan, nagtatakda ng iba-ibang kapaligiran, mga tao at bagay upang subukan at ibunyag tayo, tunay tayong pinupungos at pinakikitunguhan, dinidisiplina tayo. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos ng Diyos, nakikita natin na ang ating kalikasan ay masyadong mayabang, masyadong matigas ang ulo. Kung hindi natin matatanggap ang ganoong paghatol at pagkastigo, hindi makakamit ng ating disposisyon ang pagbabago. Halimbawa, kung minsan ay hindi natin isinasagawa ang katotohanan habang tinutupad natin ang ating tungkulin. Sa pamamagitan ng ating mayabang na kalikasan, ginagawa natin ang anumang gusto natin, pinararangalan ang ating mga sarili, pinupuri ang ating mga sarili upang pahangain ang mga tao, na nagpapaitim sa ating mga espiritu sa loob at hindi madama ang presensiya ng Diyos, at ang ating mga puso ay nasasaktan at napapapino. Sa oras na ito, babatikusin tayo sa loob ng salita ng Diyos. Kung minsan magtatakda ang Diyos ng mga tao at bagay upang pakitunguhan at pungusin tayo, upang tayo ay bumalik sa harapan ng Diyos upang magwari at kilalanin ang ating mga sarili, at makilala nang hindi namamalayan ang ating mayabang na ambisyon na pagnanais na kontrolin at ariin ang mga tao. Kapag nakikita natin na ang ating kalikasan ay yaong sa arkanghel, hindi mapigilan ng ating mga puso na manginig sa takot. Nararamdaman natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi maaaring saktan, at yuyuko sa harapan ng Diyos upang magdasal at magsisi sa Kanya. Sa sandaling ito, aaliwin tayo, hihikayatin tayo ng mga salita ng Diyos, at ipapaintindi sa atin ang lahat ng sakit at pagsisikap ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kaya hindi tayo maaaring maging sunud-sunuran at mahina, magkaroon ng kumpiyansa na hanapin ang katotohanan, at hangarin ang pagbabago ng disposisyon. Matapos maranasan ang aktuwal na pakikitungo, pagpupungos, pagdidisiplina at pagtutuwid ng Diyos nang maraming beses nakakamit ng ating mayabang na disposisyon ang pagbabago, tayo ay nagiging mas mababang-loob sa pagtupad sa ating tungkulin at hindi walang galang gaya ng dati, at magagawa natin ang pagkukusang magbukas at kilalanin ang ating sariling katiwalian, sinasadyang parangalan ang Diyos, sumaksi sa Diyos, at maramdaman na ang pamumuhay nang ganito ay naglalagay sa ating puso sa katiwasayan at kasiyasiya. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay tunay na napaka-praktikal! Sa pamamagitan ng aktuwal na pagkakaranas sa ganoong paghatol at pagkastigo mula sa Diyos kaya mayroon na tayo ngayong tunay na kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at alam kung anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos at anong uri ng tao ang kinasusuklaman ng Diyos, anong uri ng tao ang ililigtas niya at anong uri ng tao ang kanyang aalisin, anong uri ng tao ang kanyang bibiyayaan at anong uri ng tao ang kanyang isusumpa, at nalaman din natin na tunay na sinisiyasat ng Diyos ang lahat at nangingibabaw sa lahat. Ang Diyos ay nasa tabi natin, tunay na gumagabay sa atin, nagliligtas sa atin, na nagpapaintindi sa atin na ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay ang Kanyang paghatol at pagkastigo sa atin na tiwaling sangkatauhan. Ito ay pagsisiyasat, ito ay paglilinis. Nang may takot sa Diyos sa ating mga puso at mga pagbabago sa ating tiwaling disposisyon, magagawa nating hanapin ang katotohanan kapag nahaharap tayo sa mga bagay, isagawa ang katotohanan, at sundin ang Diyos, dahan-dahang isinasabuhay ang wangis ng tunay na tao. Ang pagbabagong nakamit natin sa ngayon ay ganap na resulta ng pagkakaranas sa gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Ito ay ang napakalawak na pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin.
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan