Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post

29 Disyembre 2019

Tagalog Gospel Video | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days (Tagalog Dubbed)


Tagalog Gospel Video | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na"


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos.

20 Disyembre 2019

Pagkilala sa Diyos | Ang Layunin ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Salita ng Diyos | Ang Layunin ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.

18 Agosto 2019

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

06 Agosto 2019

Tagalog Christian Movie-Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | "Ang Biblia at Diyos"



Tagalog Christian Movie-Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | "Ang Biblia at Diyos"

Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos."

14 Mayo 2019

Tagalog Christian Songs | "Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan"


Tagalog Christian Songs | "Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan"


I
Piliin ang inyong sariling landas,
huwag tanggihan ang katotohanan
o lapastanganin ang Banal na Espiritu.
Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas.
Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang pagkondena
para sa mga walang kakayahang tanggapin ang katotohanan.

06 Abril 2019

Paano nakapag-akay at nakapaglaan ang Diyos sa sangkatauhan hanggang sa ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan.

01 Abril 2019

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 5 - Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng mga Salita ng Diyos at mga Salita na Umaayon Sa Katotohanan


Alam mo ba ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos na katotohanan mismo, at ang mga salita ng mga espiritwal na tao na umaayon lamang sa katotohanan? Sisiyasatin ng maikling video na ito para sa iyo ang katanungang ito.

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

30 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs|Liliwanagan at Paliliwanagin ng Diyos Yaong Mga Naghahanap ng Katotohanan



I
Kung papansinin mo ang lahat ng nasa paligid,
bawat kaisipa't nasa dadalisayin mo,
kung papayapain mo 'yong espiritu,
anumang mangyari, salita ng Diyos ang magpapalakas sa iyo,
at makikita mo ang lunas.
Salita ng Diyos magpapalakas sa 'yo, parang salamin ito.
Tingnan mo't makikita tatahaking landas.
Ito ang daan para makita ang lunas, gagaling ka sa sakit mo.
Gayon ka-makapangyarihan ang Diyos. Tiyak malalaman mo.

13 Marso 2019

Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)



Mga Movie Clip | Kidlat ng Silanganan | Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)


Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit, noong nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw para dumating at gawin ang Kanyang gawain na paghatol, itinuring Siya ng ilang tao na para bang Siya’y karaniwang tao lang at tumangging tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

11 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (2)

Ang inyong gawain at pagpasok ay masyadong mahina; hindi pinahahalagahan ng tao ang gawain at higit pa ngang pabáyâ sa pagpasok. Hindi itinuturing ng tao ang mga ito bilang mga aral na dapat nilang pasukin; kaya, sa kanilang karanasang espirituwal, halos lahat nang nakikita ng tao ay mga ilusyong di-kapani-paniwala. Hindi gaanong malaki ang hinihingi sa inyo pagdating sa inyong karanasan sa gawain, pero, bilang isang gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na gumawa para sa Diyos upang di-magtatagal kayo ay maging kaayon ng puso ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan, yaong mga gumawa ay natawag na mga manggagawa o mga apostol, na tumutukoy sa isang maliit na bilang ng mga taong ginamit ng Diyos. Gayunpaman, ang gawaing sinasabi Ko ngayon ay hindi lamang tumutukoy sa mga manggagawa o mga apostol; patungkol ito sa lahat niyaong mga gagawing perpekto ng Diyos. Marahil marami ang walang gaanong interes dito, pero, para sa kapakanan ng pagpasok, pinakamainam na talakayin ang katotohanang ito.

05 Marso 2019

Kidlat ng Silanganan | Movie Clips | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP


Kidlat ng Silanganan | Movie Clips |  Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP



Kapag hindi nagtagumpay ang CCP sa tangka nitong pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos sa pamamagitan ng malupit nilang pagpapahirap at pag- brainwash at pangungumbinsi, ginagamit nila ang mga miyembro ng pamilya bilang pain para subukan sila. Sa harap ng ganitong hamak na mga panloloko, paano naninindigan at nananatiling matwid ang mga Kristiyano, sa pagbubulaan sa mga ito?

28 Pebrero 2019

Tagalog Christian Movies | Mga Movie Clip | Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor


Tagalog Christian MoviesMga Movie Clip |  Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor



Inanyayahan ng CCP ang isang pastor ng Three-Self Church para subukang i-brainwash at kumbinsihin ang isang Kristiyano. Nagpasimula ang Kristiyano at ang pastor ng isang magandang debate bilang tugon sa mga haka-hakang sinabi ng Three-Self pastor. Paano lalabanan ng Kristiyanong ito ang pastor? Bakit mabibigo ang pagtatangkang ito ng CCP na mag-brainwashi at mangumbinsi?

    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw.

24 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (4) Ang Pagsunod sa Namumunong Rehimen ay Hindi Katulad ng Pagsunod sa Diyos



Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (4) Ang Pagsunod sa Namumunong Rehimen ay Hindi Katulad ng Pagsunod sa Diyos


Para malinlang at matukso ang isang Kristiyano na talikuran ang Diyos, tinawag ng CCP ang isang pastor ng Three-Self church para i-brainwash siya, at nagpasimula ang Kristiyanong ito at ang pastor ng isang magandang debate tungkol sa mga salita ni Pablo: "Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios" (Rom 13:1). Ano ang pagkaintindi nila sa mga salitang ito?

23 Pebrero 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

“Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian”

(mula sa Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

12 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip |  Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP


Para mapilit ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos at isuko ang kanilang pananampalataya, hindi lang sila inakit ng CCP ng kabantugan at katungkulan, kundi tinuruan pa sila ng ateismo, materyalismo, ebolusyonismo, at kaalaman sa siyensya. Kaya paano tumugon ang mga Kristiyano sa brainwashing at pangungumbinsi ng CCP? Bakit nila patuloy na sinundan ang landas ng pananalig at pagsunod sa Diyos?

02 Pebrero 2019

Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay



Cristianong Kanta | Kidlat ng Silanganan | Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay


I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.

01 Pebrero 2019

Tanong 1: Hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit napakatindi ng pagtutol do’n ng CCP? Bakit galit din ‘yong tinutuligsa ng mga pinuno ng relihiyon? Hindi sa hindi pa inusig ng CCP ang mga pastor at elder. Pero pagdating sa Kidlat ng Silanganan, bakit pwedeng pareho ang opinyon at saloobin ng CCP at ng mga pastor at elder na naglilingkod sa Diyos? Ano ba talaga ang dahilan no’n?

Sagot: Sabi sa Biblia: “… ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Sabi rin ng Panginoong Jesus: “Ang lahing ito ay isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung gano’n, gaano pala kadilim at kasama ang mundong ito? Sa Kapanahunan ng Biyaya, alang-alang sa pagtubos sa sangkatauhan, ang Panginoong Jesus sa katawang-tao ay ipinako sa krus ng mga relihiyoso at pinuno noong panahong ‘yon. Sa mga huling araw, ang pagpapahayag ng katotohanan at paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay tinuligsa ng mga relihiyoso at CCP at tinanggihan sa panahong ito. Tinutupad no’n ang salita ng Panginoong Jesus na: “Gaya ng kidlat na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng langit; gayon din sa pagdating ng Anak ng Tao. Ngunit kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

26 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan.

24 Enero 2019

The bible tagalog movies | Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?



The bible tagalog moviesMakakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

10 Enero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

ang tiwaling tao ay walang kakayanang kumatawan sa diyos

Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napapasailalim sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging pasamâ nang pasamâ. Masasabi ng isa na ang tao ay patuloy na namumuhay taglay ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang sariling-pagkamatuwid, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isa na siguradong hindi nakakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi nagiging direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, pinupungusan, dinidisiplina, kinakastigo, o pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa ka na nangungusap ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?