Ang inyong gawain at pagpasok ay masyadong mahina; hindi pinahahalagahan ng tao ang gawain at higit pa ngang pabáyâ sa pagpasok. Hindi itinuturing ng tao ang mga ito bilang mga aral na dapat nilang pasukin; kaya, sa kanilang karanasang espirituwal, halos lahat nang nakikita ng tao ay mga ilusyong di-kapani-paniwala. Hindi gaanong malaki ang hinihingi sa inyo pagdating sa inyong karanasan sa gawain, pero, bilang isang gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na gumawa para sa Diyos upang di-magtatagal kayo ay maging kaayon ng puso ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan, yaong mga gumawa ay natawag na mga manggagawa o mga apostol, na tumutukoy sa isang maliit na bilang ng mga taong ginamit ng Diyos. Gayunpaman, ang gawaing sinasabi Ko ngayon ay hindi lamang tumutukoy sa mga manggagawa o mga apostol; patungkol ito sa lahat niyaong mga gagawing perpekto ng Diyos. Marahil marami ang walang gaanong interes dito, pero, para sa kapakanan ng pagpasok, pinakamainam na talakayin ang katotohanang ito.
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kasiyahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kasiyahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
I Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao sa isang mahigpit na pamantayan. Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon, di N...