Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Walang Hanggang Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Walang Hanggang Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

12 Mayo 2019

Tagalog Christian Songs | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos



Tagalog Christian SongsLahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos


I
Libu-libong taon ang lumipas,
natatamasa pa rin ng tao ang liwanag
at ang hanging kaloob ng Diyos.
Hinihinga pa rin ng mga tao
ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.
Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos,
ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.
Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay,
lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.
Araw at gabi'y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.
Tulad ng dati, ang apat na panahon, ay halinhinan.

24 Enero 2019

The bible tagalog movies | Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?



The bible tagalog moviesMakakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?