Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paggalang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paggalang. Ipakita ang lahat ng mga post

13 Abril 2019

Tagalog Christian Music Video 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


Tagalog Christian Music Video 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, 
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.

24 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs Sino ang Nakaayon sa Diyos



Tagalog Gospel SongsSino ang Nakaayon sa Diyos


 I
Naipahayag na ng Diyos 'di mabilang na mga salita,
Kanyang kalooba't disposisyon,
gayunman 'di kaya ng mga tao
na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.
Ang iniisip n'yo lang ay pagpapala't gantimpala,
hindi kung paano makaayon sa Diyos
o 'di maging Kanyang kaaway.
Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,
napakarami N'yang naibigay na sa inyo,
pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

09 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Kabanata 83

Hindi ninyo alam na Ako ang makapangyarihang Diyos; hindi ninyo alam na ang lahat ng mga usapin at mga bagay ay nasa ilalim ng Aking pagkontrol! Ano ang ibig sabihin ng ang lahat ng bagay ay nilikha at kinumpleto Ko? Ang mga pagpapala o kasawiampalad ng bawa’t tao ay nakasalalay sa Aking pagtupad, sa Aking mga pagkilos. Ano ang magagawa ng tao? Ano ang matutupad ng tao sa pamamagitan ng pag-iisip? Sa huling yugtong ito, sa imoral na kapanahunang ito, sa madilim na mundong ito na masyadong pinásámâ ni Satanas, ano ang ilang ninanais Ko? Kung ito man ay ngayon, kahapon, o sa hindi malayong hinaharap, Ako ang tumutukoy ng mga buhay ng bawa’t isa. Kung sila man ay tatanggap ng mga pagpapala o magdurusa ng kasawiampalad, at kung sila man ay minamahal o kinasusuklaman Ko ay tiyak na natukoy sa isang kumpas Ko.

10 Enero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

ang tiwaling tao ay walang kakayanang kumatawan sa diyos

Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napapasailalim sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging pasamâ nang pasamâ. Masasabi ng isa na ang tao ay patuloy na namumuhay taglay ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang sariling-pagkamatuwid, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isa na siguradong hindi nakakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi nagiging direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, pinupungusan, dinidisiplina, kinakastigo, o pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa ka na nangungusap ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel!

28 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


Kidlat ng Silanganan | Best Christian Music Video 2018 "Ang Mga Salita ng Diyos ay ang Paraan na Dapat Panatilihin ng Tao"


I
Sa lahat ng bawat edad,
kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa,
Siya'y laging nagbibigay ng ilang mga salita sa sangkatauhan,
Siya'y nagsasabi ng ilang mga katotohanan.
Ang mga katotohanang ito ay nagsisilbing paraan na
dapat sundin ng tao,
ang paraan na dapat panatilihin ng tao.

14 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos , ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao,

13 Oktubre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...

01 Disyembre 2017

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

iglesia, kaligtasan, paggalang, panalangin, patotoo


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain


Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi
  Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. 

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?