Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-asa. Ipakita ang lahat ng mga post

23 Nobyembre 2018

Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


Tagalog Christian Songs-Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


I
Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

09 Nobyembre 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan.

21 Oktubre 2018

Tagalog Christian Music Video | Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao


Tagalog Christian Music Video | Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao


I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.

13 Oktubre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...

01 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Ganap na Inilalagay ng Diyos ang Kanyang Pag-asa sa Tao"

  

I
Mula sa simula hanggang ngayon,
tanging tao lamang ang maaaring makipag-usap sa Diyos.
Iyon ay, tanging tao ang maaaring makipag-usap sa Diyos,
sa lahat ng nabubuhay na bagay at kung ano ang nilikha Niya.
Tao ay may mga tainga upang makarinig,
at mga mata upang makakita;
may mga kaisipan, at wika,
pati na ang kanyang malayang kalooban.
Ang tao ay may lahat ng mga kakayahan na kinakailangan
upang marinig ang Diyos na nagsasalita
at nauunawaan ang kalooban ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon ng Diyos,
at tanggapin ang komisyon na mula sa Diyos,
at sa gayon ay inilalagay ng Diyos
ang lahat ng pag-asa Niya sa tao.

25 Disyembre 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Kidlat ng SilangananAng Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)

 

Panimula


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa.

09 Disyembre 2017

Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos


Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos


Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

Tao'y haharap sa gabing malamig
sa 'di-matakasang libis ng lilim ng kamatayan.
Diyos ang tanging kaligtasan at pag-asa,
pag-iral ng tao'y nakasalalay sa Kanya.
Hindi 'to gawa ng tao, ni tao'y likha ng kalikasan.
Kung 'di Diyos ang nagbibigay-buhay sa bawa't kaluluwa sa buong sangnilikha.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

Ang nagáwâ ng Diyos 'di kayang gawin ng kahit sino.
Umaasa S'yang mabayaran ng tao ng mabuting gawa,
ng mabubuting mga gawa.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig,
kahit walang nakikinig sa Kanya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

27 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa,kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.”

26 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-asa,magsisi
Kidlat-ng-Silanganan-magsisi



Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat


Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagliligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang makibaka at magmadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masamang nilalang, inilayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masamang nilalang, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kainosentehan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang nilalang ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot sa kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na siyang gawan ng altar, sambahin siya, hindi ka mahiwalay na para bang kanyang anino, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang palagay kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masamang nilalang, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang nilalang ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama siya, kumukontra ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakalimutan mo na ang masamang nilalang ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masamang nilalang ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masamang nilalang bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?