Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo.