Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

18 Oktubre 2019

Pagkaunawa sa Buhay | Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan



Pagkaunawa sa Buhay Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila.

19 Disyembre 2018

Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

03 Disyembre 2018

Paano Malalaman ang Realidad

Paano Malaman ang Realidad_compressed


Salita ng Diyos— Paano Malalaman ang Realidad


Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos.

18 Nobyembre 2018

Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?




Sagot:

Iniisip ng tao na kung kalahati ng buhay niya ay naniniwala na siya sa Panginoon, gumagawang mabuti para sa Panginoon, at mapagmatyag na naghihintay sa Kanyang ikalawang pagdating, kapag dumating muli ang Panginoon Siya ay magbibigay sa kanila ng pagbubunyag. Ito ang paniwala at imahinasyon ng tao at hindi ito tugma sa katunayan ng gawain ng Diyos. Nilakbay ng mga Fariseong Judio ang lupa at dagat sa pagpapalaganap ng landas ng Diyos. Binigyan ba sila ng Panginoong Jesus ng anumang pagbubunyag nang dumating Siya? Sa mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus, sino sa kanila ang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa nabigyan sila ng pagbubunyag? Wala ni isa sa kanila! Maaari kang makipagtalo na natanggap ni Pedro ang pagbubunyag ng Diyos at nakilala na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, pero pagkatapos iyan ng matagal-tagal na pagsunod ni Pedro sa Panginoong Jesus at narinig Siyang nangaral ng mahaba-habang panahon at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya sa kanyang puso.

14 Nobyembre 2018


Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)


I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.

10 Nobyembre 2018


Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos

Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos?

01 Nobyembre 2018

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon , sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.

17 Oktubre 2018

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon , at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin.Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu?

16 Oktubre 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.

07 Oktubre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos.

04 Oktubre 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"


I
Nais n'yo bang malaman
kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus?
Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila?
Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias,
naniniwala lamang sa Kanyang pagdating,
di-hanap ang katotohanan ng buhay.
Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon,
landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman.

30 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"


Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"


Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu.

29 Disyembre 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)



Kidlat ng SilangananClip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)


Panimula


Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo ?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?