Salita ng Diyos— Paano Malalaman ang Realidad
Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos.