Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post

08 Mayo 2019

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian



1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

3. Ang pera, materyal na mga bagay, at ang lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay ang mga handog na dapat na ibinibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay maaaring ikalugod ng walang iba kundi ng pari at ng Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa ikalulugod ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa pari, at walang sinuman ang kwalipikado o may karapatan na tamasahin ang anumang bahagi ng mga iyon. Ang lahat ng mga handog ng tao (kabilang ang pera at mga bagay na pwedeng tamasahin na materyal) ay ibinigay sa Diyos, hindi sa tao. At kaya, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ito ng mga tao, sa gayon ninanakaw niya ang mga handog.

11 Abril 2019

Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasang-ayunang isagawa ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kanya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pang sinusunod ang mga salita ng Diyos, lalong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan.

26 Marso 2019

Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao


Ang lahat ng mga tao ay kailangang makaunawa sa layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito nagiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, kung gayon hindi ba walang-kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat makaalam ng Aking kalooban. Gumagawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito.

18 Disyembre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo—Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa_compressed

Mga Pagbigkas ni Cristo—Pagbigkas ng Diyos—Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


    Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating.

13 Disyembre 2018

Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos_compressed

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay!

03 Disyembre 2018

Paano Malalaman ang Realidad

Paano Malaman ang Realidad_compressed


Salita ng Diyos— Paano Malalaman ang Realidad


Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas nakakaya nilang sabihin kung ang salita ng iba ay tunay; mas nalalaman ng mga tao ang realidad, mas kakaunti ang kanilang mga pagkaintindi; mas nararanasan ng mga tao ang realidad, mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at mas madali para sa kanila na talikuran ang kanilang tiwali at makasatanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas nakikilala nila ang Diyos, at mas kinamumuhian nila ang laman at minamahal ang katotohanan; at mas mayroong realidad ang mga tao, mas napapalápít sila sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos.

02 Disyembre 2018

Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.

Sagot: Magandang makita na pinagtibay ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay upang hatulan at linisin ang mga tao. Kaso nga lang hindi parin kayo malinaw sa paraan ng pagdating ng Panginoon. Iniisip ng karamihan ng mga mananampalataya na ang muling pagpapakita ng Panginoon sa sangkatauhan ay sa pamamagitan ng espiritual na katawan ni Jesus na puma-langit matapos ang muling pagkabuhay, at ang Diyos ay posibleng hindi na magkatawang-tao muli bilang Anak ng tao. Kung gayon sa papaanong paraan magpapakitang muli sa sangkatauhan ang nagbabalik na Panginoon upang gawin ang Kanyang paghatol? Sa espiritual na katawan o Diyos na nagkatawang-tao? Naging napakaimportanteng katanungan ito sa mga naniniwala sa Diyos. Ang ating patotoo sa Diyos sa pagkakatawang-tao sa mga huling araw upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol ay isang bagay na mayroong malinaw na propesiya sa Biblia. Sabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22). “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

18 Nobyembre 2018

Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?




Sagot:

Iniisip ng tao na kung kalahati ng buhay niya ay naniniwala na siya sa Panginoon, gumagawang mabuti para sa Panginoon, at mapagmatyag na naghihintay sa Kanyang ikalawang pagdating, kapag dumating muli ang Panginoon Siya ay magbibigay sa kanila ng pagbubunyag. Ito ang paniwala at imahinasyon ng tao at hindi ito tugma sa katunayan ng gawain ng Diyos. Nilakbay ng mga Fariseong Judio ang lupa at dagat sa pagpapalaganap ng landas ng Diyos. Binigyan ba sila ng Panginoong Jesus ng anumang pagbubunyag nang dumating Siya? Sa mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus, sino sa kanila ang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa nabigyan sila ng pagbubunyag? Wala ni isa sa kanila! Maaari kang makipagtalo na natanggap ni Pedro ang pagbubunyag ng Diyos at nakilala na ang Panginoong Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, pero pagkatapos iyan ng matagal-tagal na pagsunod ni Pedro sa Panginoong Jesus at narinig Siyang nangaral ng mahaba-habang panahon at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa Kanya sa kanyang puso.

16 Nobyembre 2018

Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan



Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan.

09 Nobyembre 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan.

02 Nobyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan



Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan


Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

27 Setyembre 2018

Hindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?


Kidlat ng SilangananHindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?

Ano ang pinakaangkop na paraan ng paghahanap sa kasalukuyang landas? Anong uri ng pigura dapat mong makita ang iyong sarili gaya ng sa iyong paghahanap? Dapat mong malaman kung paano haharapin ang lahat ng bagay na sumasapit sa iyo ngayon, maging ito man ay mga pagsubok o pagdurusa, malulupit na pagkastigo o mga sumpa—dapat kang magbigay ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng ito. Bakit Ko sinasabi ang ganito? Sapagkat pagkatapos ng lahat, ang sumasapit sa iyo ngayon ay maiikling pagsubok na sunod-sunod.

25 Setyembre 2018

Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga

Sunset,Branch

Kidlat ng SilangananAno Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga

Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.

24 Setyembre 2018

Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

Sa katunayan, sila ay hindi nabigo, at sila ay nagbabantay na sa nagáwâ na sa loob ng huling anim-na-libong taon magpahanggang ngayon, sapagka’t hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng kanilang mga ninuno ang “bunga”mula sa punò ng kaalaman ng mabuti at masámâ na ipinakita ng diyablo, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang mabuti ay nabibilang sa Akin, samantalang ang masámâ ay nabibilang sa diyablo na nanlilinlang sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni winawasak Ko sila nang walang-awa o isinasailalim sila sa walang-awang pagkastigo, sapagka’t ang masama ay hindi orihinal na nabibilang sa sangkatauhan.

23 Setyembre 2018

Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng Silanganan|Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan

Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy?

21 Setyembre 2018

Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananPaano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan.

20 Setyembre 2018

Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas


Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, kaligtasan


Kidlat ng Silanganan|Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis.

18 Setyembre 2018

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Kidlat ng Silanganan|Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan.

16 Setyembre 2018

Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla.

15 Setyembre 2018

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo


Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos

Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?