Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

17 Oktubre 2019

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Diyos Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

 Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Diyos Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?


ng pinakamalaking pag-asam nating mga naniniwala sa Panginoon ay ang makapasok sa kaharian ng langit, kaya madalas nating iniisip kung gaano ba kaganda roon. Siyempre, kompyansa rin tayo tungkol sa ating pagpasok sa langit, dahil sinasabi sa Biblia: “Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan” (Colosas 1:14).

08 Mayo 2019

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian



1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

3. Ang pera, materyal na mga bagay, at ang lahat ng ari-arian sa sambahayan ng Diyos ay ang mga handog na dapat na ibinibigay ng tao. Ang mga handog na ito ay maaaring ikalugod ng walang iba kundi ng pari at ng Diyos, dahil ang mga handog ng tao ay para sa ikalulugod ng Diyos, ibinabahagi lamang ng Diyos ang mga handog na ito sa pari, at walang sinuman ang kwalipikado o may karapatan na tamasahin ang anumang bahagi ng mga iyon. Ang lahat ng mga handog ng tao (kabilang ang pera at mga bagay na pwedeng tamasahin na materyal) ay ibinigay sa Diyos, hindi sa tao. At kaya, ang mga bagay na ito ay hindi dapat tamasahin ng tao; kung tatamasahin ito ng mga tao, sa gayon ninanakaw niya ang mga handog.

21 Marso 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ikaw Ba’y Nabuhay?


Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?