Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post

29 Disyembre 2019

Tagalog Gospel Video | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days (Tagalog Dubbed)


Tagalog Gospel Video | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na"


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos.

17 Oktubre 2019

Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Diyos Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

 Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon | Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Diyos Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?


ng pinakamalaking pag-asam nating mga naniniwala sa Panginoon ay ang makapasok sa kaharian ng langit, kaya madalas nating iniisip kung gaano ba kaganda roon. Siyempre, kompyansa rin tayo tungkol sa ating pagpasok sa langit, dahil sinasabi sa Biblia: “Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan” (Colosas 1:14).

13 Oktubre 2019

Tagalog Christian Songs | Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao




Tagalog Christian Songs | Ginagawa ng Diyos na Nagkakatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawaing Pagliligtas ng Tao


Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao
ang pinakadakila sa lahat.
Gawain ng Diyos na nagkakatawang-tao,
pinakamalalim sa lahat.

13 Marso 2019

Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid?

06 Marso 2019

Tanong 10: Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon ang naniniwala sa pinaniniwalaan mo: ‘Basta’t magsumikap lang ako at magpasan ng krus para sa Panginoon, magpakita ng ilang magagandang pag-uugali at magpatotoo nang maayos, magiging karapat-dapat akong maghintay sa pagbalik ng Panginoon at madala sa kaharian ng langit.’ Lubos na makatwiran ito para sa mga tao, pero kalooban ba iyan ng Diyos? Pinatutunayan ba iyan ng Kanyang mga salita? Kung hindi, tiyak na ang ideyang ito ng tao ay nagmumula sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Kung gugunitain noong madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga banal na kasulatan sa mga sinagoga, mukhang mahigpit nilang sinusunod ang mga utos, patakaran, at kautusan, at sa tingin ng iba ay napakarelihiyoso nila at marangal ang kanilang pag-uugali. Pero bakit hibang nilang nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus at ipinako pa Siya sa krus? Nagpapatunay iyan na maaaring magsumikap ang mga tao para sa Panginoon at kumilos nang maayos sa publiko pero hindi ibig sabihin ay sinusunod at minamahal nila ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagpapakita ng kabanalan ay hindi kumakatawan sa pusong pumupuri at nagpipitagan sa Diyos. Maaaring madalas ipaliwanag ng mga tao ang Biblia sa iba, pero hindi ibig sabihin ay naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon o nasusunod ang paraan ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang lahat ng nilolob ng isang tao—Siya lang ang makakakita sa niloloob ng kanilang puso. Ang pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus ay lubos na naglalantad sa mga diwa ng mga ipokritong Fariseo. Ang kakayahan ng mga Fariseo na gumawa at mangaral, magdusa at magsakripisyo ay talagang para sa sarili nilang katayuan at kabuhayan. Ipinaliwanag nila ang mga banal na kasulatan para lang purihin ang kanilang sarili, patatagin ang kanilang sarili, at sambahin at tingalain sila ng iba. Talagang hindi nila pinupuri o pinatototohanan ang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid, at inilalantad ng Kanyang gawain ang lahat. Kaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, lubos Niyang inihayag ang likas na pagka-anticristo ng mga Fariseo na pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Katunayan, malinaw sa ating mga nananalig sa Panginoon na matapos manalig ang isang tao sa Kanya, kahit masigasig nilang talikuran ang iba pang mga bagay at gumugol sila para sa Panginoon, gumawa nang husto, at magpakita ng ilang mabubuting pag-uugali, kahit habang gumagawa sila ay madalas silang magkasala at lumaban sa Diyos, at ginagawang kaaway ang Diyos. May ilang nagrereklamo sa Kanya kapag may dumarating na kalamidad, kapag may pag-uusig at paghihirap, at maaari pa nga nilang tanggihan at talikuran ang Diyos. Kahit kayang gumawa at mangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, katulad sila lalo na ng mga Fariseo, itinatanyag ang kanilang sarili para sambahin sila ng iba, nililinlang at kinokontrol ang mga piling tao ng Diyos, at itinatatag ang sarili nilang maliliit na kaharian. Sa pagharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hibang nilang tinutuligsa at nilalabanan ito, at kahit malinaw nilang alam na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, matigas pa rin ang kanilang ulo sa pagsuway sa Diyos. Ipinapakita nito na hangga’t likas na makasalanan ang mga tao, at hangga’t may masamang disposisyon sila na hindi pa nalulunasan, maaari nilang labanan at talikuran ang Diyos kahit kailan, kahit saan. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ibig sabihin ay talagang masusunod at masusundan nila ang Kanyang paraan. Gaano man karami ang nauunawaan ng isang tao ang Biblia, hindi iyon kapareho ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos. Gaano man magdusa at magsakripisyo ang isang tao kapag naglilingkod sila sa Diyos, hindi ibig sabihin ay isinasagawa nila ang kalooban ng Diyos.

13 Pebrero 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | 2. Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

08 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tularan ang Panginoong Jesus



Kidlat ng SilangananIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tularan ang Panginoong Jesus


I
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.
Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos
at tatalikuran n'yo ang laman,
pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin
para mapaglingkuran n'yo S'ya.

29 Enero 2019

Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Sagot: Sabi ng Panginoong Jesus, “Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7-8). Maraming relihiyosong taong naniniwala na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya. Naniniwala sila na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos; ang proseso ng pagtanggap ng mga tao sa Panginoong Jesus at pangungumpisal at pagsisisi sa harap ng Panginoon ay na dumating ang Banal na Espiritu, sinabi sa mga tao ng mundo na pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan, alang-alang sa katuwiran, sa paghatol, at pinagkumpisal at pinagsisi ang mga tao sa Panginoon. Ito ang paghatol ng Diyos. Sa tingin ng mga tao, ang pananaw na ito ay lubhang naaayon sa kanilang mga haka-haka, pero kailangan nating malinawan na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang ibinigay lang Niya sa sangkatauhan ay isang paraan para makapagsisi. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

19 Disyembre 2018

Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Pelikulang Kristiano | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?"


Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya.

12 Disyembre 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pang-unawa ng kalooban ng Diyos at ang pagkilala sa kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng hindi masukat na tulong sa pagpasok ng tao sa buhay. Umaasa ako na hindi ninyo isasawalang-bahala ito o makikita ito bilang isang laro; dahil ang pagkilala sa Diyos ay isang napakahalagang batayan at pundasyon para sa pananampalataya ng tao sa Diyos at ang paghahanap ng tao sa katotohanan at kaligtasan at isang bagay na hindi dapat ipagpamigay lamang.

23 Nobyembre 2018

Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


Tagalog Christian Songs-Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


I
Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

05 Nobyembre 2018

Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Salita ng Buhay | "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Matapos ang gawa ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong....

31 Oktubre 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)


Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya.

05 Oktubre 2018


Tagalog Christian SongsAng Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.

26 Enero 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari



Kidlat ng Silanganan | Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,
Prinsipe ng Kapayapaan,
S'ya'y naghahari bilang Hari ng lahat!


I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo'y umawit,
pagka't sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo'y inaliw N'ya,
Tinubos N'ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa'y pinamalas, ng Diyos ang bisig N'yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita'ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.


II
Makapangyarihang Diyos!
Mula sa trono Mo,
ang pitong espiritu'y sinugo sa mga iglesia sa lahat ng dako,
sa mga iglesia sa lahat ng dako nang mabunyag mga hiwaga Mo.
Ikaw sa Iyong mal'walhating trono,
maghari sa 'Yong kahariang tinayo ng matatag
sa kat'wiran at katarungan,
at ang mga bansa'y yuyukod sa Iyong harapan, sa Iyong harapan.
Makapangyarihang Diyos pinalaya pamigkis ng mga hari,
ang pinto ng mga lungsod sa harap Mo'y di na muling magsasara.
Ang liwanag Mong dumating
maluwalhating ilaw ng Iyong kadakilaa'y magniningning.

III
Lupang binalot ng dilim, taong kinain ng lagim.
Ah... Nagpakita Ka at ilaw Mo'y kami liwanagan.
Diyos, nagpakita Ka, kami'y liwanagan.
Luwalhati Mo sa ami'y nahahayag.
Lahat ng mga bansa'y paroon sa ilaw Mo,
mga Hari nila patungo sa liwanag Mo.
Tumitingin ka sa paligid Mong,
sa 'Yo nangagtipon mga anak Mong lalaki.
Sila'y nagmula sa malayong lugar,
babaeng anak taglay ng bisig Mo.
Makapangyarihang Diyos!
Kami ay binigkis ng dakilang pag-ibig Mo.
Ikaw ang umakay sa amin patungo sa Kaharian.
Salita Mong sakdal na tumagos sa 'ming lubos.
Makapangyarihang Diyos, pasasalamat at papuri sa 'Yo.
Salamat at papuri Sa 'Yo .
Sama-samang may payapa't wagas at tapat na puso,
tingalain Ka at maging saksi, itaas Ka't awitan ng papuri.
Buuin ating mga sarili sa pagkakaisa,
upang maging kasiya-siya at kaaya-aya kami sa Iyo.
Nang kami'y maging kasiya-siya sa Iyo, upang magamit Mo.
Kalooban mo nawa ang matupad at maghari dito sa lupa.
mula sa Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?