Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Abraham. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Abraham. Ipakita ang lahat ng mga post

13 Marso 2019

Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?