Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

08 Agosto 2020

Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo?

 


Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina.Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?

07 Agosto 2020

Ang Kuwento ni Haring David: Bakit si Haring David ay Isang Tao na Ayon sa Puso ng Diyos

Ni Shuxun, Italya

Sa tuwing nababanggit si Haring David, ang aking isip ay sumasalamin sa imahe noong siya ay nasa kanyang pagbibinata at, sa pamamagitan ng pag-asa sa lakas ni Jehova, gumamit siya ng tirador upang patayin ang higanteng si Goliath gamit ang isang bato.

05 Agosto 2020

Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).

30 Hulyo 2020

Talaga Bang Matatanggap Natin ang Nagbalik na Panginoon

Sermon ng Ebanghelyo: Talaga Bang Matatanggap Natin ang Nagbalik na Panginoon sa Pamamagitan ng Paghihintay sa Kanya na Ilantad ang Kanyang Sarili?


Ni Tian Yuan

Tala ng Editor: Sa kabanata 22 ng Pahayag, ang Panginoong Jesus ay prinopesiya ng ilang beses, “Ako’y madaling pumaparito.” Ito ay tiyak na ang bawat isa sa mga kapatid na tunay na nananampalataya sa Diyos ay inaasam na matanggap ang pagbalik ng Panginoong Jesus at makasalo sa Kanya sa piging ng pistang kasalan. Kaya, ano ang kailangan nating gawin upang maging handa sa pagtanggap sa pagbalik ng Panginoon? Basahin ang sumusunod upang matuklasan ang sagot.

23 Hulyo 2020

Alam mo ba kung ano ang Ugat ng Kapanglawan ng mga Simbahan?

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

-Amos 8:11

Mga Saloobin na Talata sa Linggong ito…

Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin kung bakit ang ating Espirituwal ay uhaw at gutom, at namumuhay sa estado ng pagka-negatibo at panghihina, at kung bakit ang simbahan ay naging mapanglaw. Ito ay dahil sa hindi natin hinahanap ang mga salita at gawain ng Diyos, lalong hindi tayo nakikinig sa Kanyang mga salita. Bilang resulta, nawalan tayo ng mga probisyon ng mga salita ng Diyos at dumaranas ng taggutom. Tulad lang ng pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, nang ang templo ay naging mapanglaw.. Ito ay dahil ang Diyos ay umalis mula sa templo at ang Panginoong Jesus ay nagpahayag ng mga salita at inilunsad ang gawain ng pagtubos sa labas ng templo.

21 Hulyo 2020

Sino ang may-akda ng Bibliya? Ano ang relasyon sa pagitan ng Bibliya at ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

19 Hulyo 2020

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao.

17 Hulyo 2020

Ang katangian ba ng Panginoong Jesus ay Tanging Pagka-maawain at mapagmahal lamang?


Sa tuwing pag-uusapan natin ang Panginoong Jesus, iniisip nating lahat ang Kanyang masaganang pag-ibig para sa atin; personal Siyang pumunta sa mundo upang tubusin ang sangkatauhan at isang inosenteng Tao na ipinako sa krus, at ang aktong ito ay ganap na inihahayag ang Kanyang pag-ibig sa buong sangkatauhan. Sinasabi ng Biblia, “Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan” (Lucas 1:78–79). Bawat Kristiyano na tumatanggap sa kaligtasan ng Panginoon ay tinatamasa ang masaganang biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin at nararanasan natin ang kapayapaan at kaligayahang ibinibigay Niya sa atin. Kaya naman maraming tao ang naniniwala na ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay habambuhay na mapagmahal at maawain.

16 Hulyo 2020

Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus?


Patungkol sa pagbalik ng Panginoon, nakasulat sa Mateo 24:36: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus? Talagang parang mahirap isipin ‘yan!

Sagot:

Maaaring nagtatanong ang ilan sa mga kapatid: Sinasabi mo na ang Panginoon ay nagbalik na, ngunit papaano n’yo ito nalalaman sa inyong mga sarili? Sa anong batayan mo nalaman na Siya Mismo ang Diyos? Mga kapatid, kung gusto nating malaman kung ang Diyos ay dumating na o hindi, kailangan natin sa isang banda na umasa sa patotoo ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda ay kailangang ibatay ito sa gawaing ginawa ng Diyos. Alam nating lahat na bago ginampanan ng Panginoong Jesus ng Kanyang ministeryo, walang sinumang nakaalam na Siya ang Mesias na darating. Ngunit noong nagsimula ang Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya para alam ng tao ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus.

13 Mayo 2020

Bakit ginagawa Bakit naparito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain?


Bakit ginagawa  Bakit naparito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian: 

“At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka’t hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18–20).

27 Hulyo 2019

Pagkakatawang-tao ng Diyos-Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?


        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

22 Hulyo 2019

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

13 Hunyo 2019

Ilang tao ng relihiyon ang babalik sa Diyos sa mga panahon ng kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago.

31 Mayo 2019

Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos.

22 Mayo 2019

25. Ano ang gawain ng buhay na walang hanggan? Paano nakikilala ang gawain ng Banal na Espiritu?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos.

29 Abril 2019

Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang organisasyong pangrelihiyon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13).

“Siya ay sumigaw sa isang napakalakas na tinig at sinabi niya: Bumagsak na! Ang dakilang Babilonya ay bumagsak na! Ito ay naging isang dakong tirahan ng mga demonyo.

23 Abril 2019

Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sagot:

Iniisip ng karamihang tao sa relihiyosong mundo: Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at sinabi bago Siya mamatay “Naganap na,” pinatunayan nito na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala nang gawain. Kaya, nang marinig na gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, maraming tao ang lubos na itinanggi ito. Inisip nilang isa itong imposibleng bagay. Kapag dumating sa bagay na iyon, ano ang katotohanan ng bagay na ito? Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, sinagisag ba nito o hindi na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay ganap na “natapos”? Ang ibig sabihin ba ng Diyos sa pagsasabi ng “Naganap na” na natapos na ang lahat ng gawain ng Panginoon na pagtubos sa sangkatauhan, o nangangahulugan ito na natapos na lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan?

14 Abril 2019

Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi

VII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na ang Inihahatid Lamang ng Cristo ng mga Huling Araw ang Daan tungo sa Buhay na Walang Hanggan


1. Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).


“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).


“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.

09 Abril 2019

Anong mga tao ang inililigtas ng Diyos? Anong mga tao ang Kanyang inaalis?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay muli, na nakikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita.

06 Abril 2019

Paano nakapag-akay at nakapaglaan ang Diyos sa sangkatauhan hanggang sa ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?