Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

11 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa iyong paniniwala sa Diyos, paano mo Siya makikilala? Dapat mong makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita at mga gawain ng Diyos sa ngayon, nang walang paglihis o kamalian, at bago ang lahat ng iyan, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos. Ito ang pundasyon tungkol sa pagkilala sa Diyos. Lahat ng mga iba’t-ibang kamalian na walang dalisay na pagtanggap sa mga salita ng Diyos ay pawang mga relihiyosong pagkaintindi, ang mga ito’y pagtanggap na lihis at mali. Ang pinakadakilang kakayahan ng mga pinuno ng relihiyon ay ang pagkuha sa mga salita ng Diyos na tinanggap noong nakaraan at ang pagkukumpara ng mga ito sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung sa iyong paglilingkod sa Diyos ngayon, kumapit ka sa mga bagay na niliwanagan ng Banal na Espiritu noong nakaraan, kung gayon ang iyong paglilingkod ay magdudulot ng pagkaantala, at ang iyong pagsasagawa ay malilipasan ng panahon at pawang relihiyosong seremonya lamang....

Walang pananabik sa nakaraan ang Diyos sa nasambit o nagawa Niya noong una; kung ito’y lipas na, ito’y aalisin na Niya. Tiyak na magagawa mong bitawan na ang iyong mga pagkakaintindi? Kung ikaw ay mangunguyapit sa mga salita ng Diyos noong una, katunayan ba ito na alam mo na ang gawain ng Diyos? Kung hindi mo pa tinatanggap ang liwanag ng Banal na Espiritu sa ngayon, at sa halip ay mangunguyapit sa liwanag ng nakaraan, mapatutunayan ba nito na ikaw ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos? Hindi mo pa rin ba mabitawan ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi? Kung iyan ang lagay mo, ikaw ay magiging isang kumakalaban sa Diyos."


Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?