Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

29 Abril 2019

Ano ang iglesia ng Diyos? Ano ang organisasyong pangrelihiyon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13).

“Siya ay sumigaw sa isang napakalakas na tinig at sinabi niya: Bumagsak na! Ang dakilang Babilonya ay bumagsak na! Ito ay naging isang dakong tirahan ng mga demonyo. Ito ay naging isang bilangguan ng bawat karumal-dumal na espiritu at bawat karumal-dumal na ibon na kinapopootan ng mga tao. Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bansa ay uminom ng alak ng poot ng kaniyang pakikiapid. Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa kaniya. Ang mga mangangalakal sa lupa ay yumaman sa kahalayan ng kaniyang kayamanan” (Pahayag 18:2-3).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. Ang paglilingkod na hiwalay mula sa totoong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay paglilingkod na ukol sa laman, at ukol sa mga pagkaintindi, at wala itong kakayahan na maging alinsunod sa kalooban ng Diyos. ... “Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat niyaong mga nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nagtataglay ng presensiya at disiplina ng Banal na Espiritu, at yaong mga wala sa loob ng agos ng Banal na Espiritu ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Satanas, at wala ang anumang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na nasa agos ng Banal na Espiritu ay yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos, ang mga nakikipagtulungan sa bagong gawain ng Diyos. Kung yaong mga nasa loob ng agos na ito ay walang kakayahang makipagtulungan, at walang kakayahang isagawa ang katotohanan na kinakailangan ng Diyos sa panahong ito, kung gayon sila ay parurusahan, at ang pinakamalala ay tatalikuran ng Banal na Espiritu. Yaong mga tumatanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ay mamumuhay sa loob ng agos ng Banal na Espiritu, tatanggapin ang pangangalaga at pag-iingat ng Banal na Espiritu. Yaong mga handang isagawa ang katotohanan ay nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at yaong mga hindi handa na isagawa ang katotohanan ay dinidisiplina ng Banal na Espiritu, at maaari pang maparusahan. Hindi alintana kung anong uri ng tao sila, basta’t sila ay nasa loob ng agos ng Banal na Espiritu, panánagútán ng Diyos ang lahat ng mga tumatanggap sa bagong gawain Niya para sa kapakanan ng Kanyang pangalan. Ang mga lumuluwalhati sa Kanyang pangalan at handang isagawa ang mga salita Niya ay makakatanggap ng Kanyang mga pagpapala; ang mga hindi sumusunod sa Kanya at hindi nagsasagawa ng Kanyang mga salita ay makakatanggap ng Kanyang kaparusahan. ... Hindi ganoon para sa mga taong hindi tumatanggap sa bagong gawain: Sila ay nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu, at ang disiplina at pamumuna ng Banal na Espiritu ay hindi para sa kanila. Buong araw, ang mga taong ito ay namumuhay sa loob ng laman, sila ay namumuhay sa loob ng kanilang mga isipan, at ang lahat ng ginagawa nila ay ayon sa katuruang bunga ng paghihimay at pananaliksik ng kanilang sariling mga utak. Hindi ito ang mga kinakailangan ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, at lalong hindi rin ito pakikipagtulungan sa Diyos. Yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay walang presensiya ng Diyos, at, higit sa lahat, salat sa mga pagpapala at pag-iingat ng Diyos. Ang karamihan sa kanilang mga salita at mga pagkilos ay nakaayon sa mga nakalipas na mga kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu; ang mga ito ay katuruan at hindi katotohanan. Ang gayong katuruan at alituntunin ay sapat na upang patunayan na ang nag-iisang bagay na nagtitipon sa kanila ay relihiyon; hindi sila ang mga napili, o ang mga pinag-uukulan ng gawain ng Diyos. Ang pagtitipon nilang lahat na magkakasama ay matatawag lamang na maringal na kongreso ng relihiyon, at hindi matatawag na iglesia. Ito ay isang katunayan na hindi mababago.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit sinasabi na lipas na sa panahon ang mga pagsasagawa ng mga nasa relihiyosong simbahan? Ito ay dahil ang kanilang isinasagawa ay hiwalay mula sa mga gawain ngayon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang kanilang isinasagawa ay tama, nguni’t habang lumilipas ang panahon at nagbabago ang gawain ng Diyos, ang mga pagsasagawa nila ay unti-unti na ring nilipasan ng panahon. Ito ay naiwan ng bagong gawain at ng bagong liwanag. Batay sa taal nitong saligan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay sumulong ng maraming hakbang na palalim. Nguni’t ang mga taong yaon ay nananatili pa ring nakadikit sa taal na yugto ng gawain ng Diyos, at kumakapit pa rin sa mga lumang pagsasagawa at sa lumang liwanag. ... Ang gawain ng Banal na Espiritu ay laging sumusulong, at ang lahat ng nasa agos ng Banal na Espiritu ay nararapat ding sumusulong palalim at nagbabago baytang-baytang. Hindi sila dapat tumigil sa isang yugto. Ang mga hindi lamang nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu ang mananatili sa kalagitnaan ng Kanyang orihinal na gawain, at hindi tatanggapin ang bagong gawain ng Banal na Espiritu. Tanging ang mga hindi sumusunod ang hindi makakayanang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang pagsasagawa ng tao ay hindi sumasabay sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, ang pagsasagawa ng tao ay tiyak na naputol mula sa gawain ngayon, at siguradong hindi kasundo ng gawain ngayon. Ang gayong mga taong lipas na sa panahon ay walang kakayahang tuparin ang kalooban ng Diyos, at lalong hindi maaaring maging sila yaong kahuli-hulihang mga tao na tatayo bilang patotoo sa Diyos. Ang buong gawaing pamamahala, higit pa rito, ay hindi matatapos sa kalagitnaan ng ganoong kalipunan ng mga tao. Sapagka’t yaong mga dati ay kumapit sa kautusan ni Jehova, at yaong mga nagdusa dahil sa krus, kung hindi nila matatanggap ang yugto ng gawain sa mga huling araw, kung gayon ang lahat ng kanilang ginawa ay mawawalan ng saysay, at walang kabuluhan. ... Kung ang tao ay nananatiling nakakapit sa isang yugto, kung gayon ito ay nagpapatunay na wala siyang kakayahan sa pagsabay sa gawain ng Diyos at sa bagong liwanag; hindi ito nagpapatunay na ang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi nagbago. Yaong mga nasa labas ng agos ng Banal na Espiritu ay laging nag-iisip na sila ay tama, nguni’t sa katunayan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay matagal nang tumigil, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa kanila. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang inilipat sa ibang kalipunan ng mga tao, isang kalipunan kung kanino Niya hinahangad na tapusin ang Kanyang gawain. Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, tinalikuran Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na siyang nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sapagkat ang Kristiyanismo ay basta na lamang kumikilala na mayroong isang Diyos, at sinasalungat nila ang Diyos at napopoot sa Kanya. Ipinako nila ulit si Kristo sa krus, at inilagay nila ang kanilang mga sarili sa pakikipag-alitan sa gawain ng Diyos sa huling mga araw, sa resulta na sila ay nabunyag at naibaba sa isang grupo ng mananampalataya. Yamang ang Kristiyanismo ay isang uri ng pananampalataya, kung gayon ito ay, nang walang pag-aalinlangan, may kaugnayan lamang sa pananampalataya—ito ay isang uri ng seremonya, isang uri ng denominasyon, isang uri ng relihiyon, at isang bagay na hiwalay mula sa pananampalataya sa mga tunay na sumusunod sa Diyos. Ang katuwiran kung baki inilista Ko ito sa gitna ng limang pangunahing mga relihiyon ay dahil ang Kristiyanismo ay naibaba sa kaparehong antas ng Hudaismo, Budismo, at Islam. Karamihan sa mga Kristiyano ay hindi naniniwala na mayroong isang Diyos, o na Siya ang namamahala sa lahat ng mga bagay, lalong hindi sila naniniwala sa Kanyang pag-iral. Sa halip, ginagamit lamang nila ang mga Banal na Kasulatan upang magsalita tungkol sa teolohiya, ginagamit ang teolohiya upang turuan ang mga tao na maging mabait, upang magtiis ng pagdurusa, at upang gumawa ng mabubuting bagay. Ganyang uri ng relihiyon ang Krsitiyanismo: Pinagtutuunan lamang nito ng pansin ang mga teoryang panteolohiya, wala itong lubos na kaugnayan sa gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao, ito ay ang relihiyon nilang mga sumusunod sa Diyos na hindi kinikilala ng Diyos.

mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—Nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang gawain. Ang pinagmulan ng Panginoong Jesus ang nagsasabi na ito ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba kay Jehova, ngunit basta na lamang nagdadaan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehova, na nagpapahintulot sa kanila na manatili at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit ang itinuturing ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. Kung gagamitin ninyo ang mga salitang ito sa kasalukuyan, ang mga ito ay kapwa may bisa pa rin at kapwa mahalaga pa rin. Bagamat ang mga tao sa araw na ito ay nakaranas ng gawain ng Diyos na kaiba kaysa sa naranasan ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkap ng kanilang kalikasan ay magkapareho. ... Maliban sa dalawang libong taon na ang nakaraan, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa pisikal na templo, ngunit sa araw na ito, tinutupad ng mga tao ang kanilang personal na gawain sa mga hindi totoong mga templo.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?