Ni Shuxun, Italya
Sa tuwing nababanggit si Haring David, ang aking isip ay sumasalamin sa imahe noong siya ay nasa kanyang pagbibinata at, sa pamamagitan ng pag-asa sa lakas ni Jehova, gumamit siya ng tirador upang patayin ang higanteng si Goliath gamit ang isang bato. Pagkaraan, nagpunta siya sa digmaan, nanalo ng maraming mga laban at gumawa ng maraming pagkabayani. Naitala din ito sa Bibliya, gayunpaman, noong si David ay naging hari ng Israel, pinapatay niya si Uria at pagkatapos ay kinuha ang kanyang asawa na si Bathsheba. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay dumating kay David at, sa pamamagitan ng propetang si Natan, ang Diyos ay nagsalita sa kanya, na sinasabi, “Ngayon nga’y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka’t iyong niwalan ng kabuluhan Ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa” (2 Samuel 12:10). Si Haring David ay nagkasala, at pinarusahan siya ng Diyos. Kaya bakit pagkatapos noon ay nalulugod ang Diyos kay David at sinabi na si David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso? Nakaramdam ako ng pagkalito ukol dito. Upang malaman ito, maraming beses akong naghanap at nanalangin sa Diyos, at nahanap ko ang maraming mga talata sa Bibliya. Sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahagian sa aking mga kapatid, sa wakas natagpuan ko ang sagot.
Tunay na Nagsisi si Haring David sa Diyos
Sa pamamagitan lamang ng pakikipagbahagian sa aking mga kapatid na naiintindihan ko na iyon, nang sinabi ng Diyos na si Haring David ay isang tao na ayon sa Kanyang sariling puso, ibig niyang sabihin na ang kakanyahan ni David ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Bagaman nakagawa si David ng isang mapusok na paglabag, nagawa niyang tunay na magsisi. Naitala sa Bibliya na, nang magkasala si Haring David, nanalangin siya sa Diyos, na sinasabi, “Bumalik ka, Oh Jehova, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas Mo ako alangalang sa Iyong kagandahang-loob. … gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha” (Awit 6:4, 6). Dahil sa kanyang kasalanan, naramdaman ni Haring David ang labis na kalungkutan, at araw-araw ay nagsisisi siya at nagkumpisal, nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos, at ipinagdasal niya na maging maawain ang Diyos. Ang kanyang mga salita na binigkas sa panalangin, “gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha,” isinama ang lawak ng kanyang pagsisisi at kung gaano niya kinasusuklaman ang kanyang sarili.
Ito rin ay naitala sa Bibliya: “Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni’t siya’y hindi naiinitan. Kaya’t sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan. Sa gayo’y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari. At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni’t hindi siya ginalaw ng hari” (1 Mga Hari 1:1–4). Sa kanyang mga huling taon, si Haring David ay hindi makatulog ng maayos, kaya’t inayos ng kanyang mga lingkod ang isang hindi kapani-paniwalang magandang dalaga upang makatulong na magpainit sa kanyang higaan, ngunit hindi siya hinawakan ni Haring David. Mula rito, makikita natin na, matapos matanto ni David ang kanyang sariling pagsalangsang, siya ay lubos na nagsisi at ganap na nagbago, upang hindi na niya muling gawin ang kaparehong kasalanan. Si David ay hindi ordinaryong Israelita; siya ang Hari ng Israel, nagmamay-ari ng parehong katayuan at kapangyarihan. Sa buong kabuuan ng kanyang buhay, gayunpaman, nagawa niya lamang iyong isang kilos na ang ipinagbabawal na sekswal na relasyon, at siya bilang kung sino siya, sa kanyang posisyon, marahil ay napakahirap para sa kanya na hindi makagawa ng higit pang mga pagkakasala kaysa lamang sa isang ito. Ipinakikita nito na si Haring David ay may pusong may takot sa Diyos. Matapos siya ay maparusahan ng Diyos, hindi na niya muling ipinangahas na tratuhin ang salita ng Diyos ng may pang-aalipusta o gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa disposisyon ng Diyos, mas lalo pa na gustuhin niyang magdala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Makikita natin mula sa saloobin ni Haring David patungkol sa kanyang pagsalangsang at ang antas ng kanyang pagsisisi na ang kanyang ipinagbabawal na pakikipagtalik kay Bathsheba ay isang panandaliang paglabag. Ang kanyang kakanyahan, gayunpaman, ay tungkol sa isang mabuting tao at, mula noong una hanggang sa kasalukuyan, masasabi na walang hari na kailanman ay lumampas kay David.
Mula sa mga karanasan ni Haring David, nagkaroon ako ng tunay na pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Magpapahayag man ang Diyos ng poot o awa at kagandahang-loob, ang asal, pag-uugali at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pahayag ng disposisyon ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”). Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw at tunay. Nang kunin ni David ang asawa ni Uria at magkaroon ng ipinagbabawal na pakikipagtalik sa kanya, ang parusa ng Diyos ay dumating sa kanya, at ipinakikita nito sa atin na ang Diyos ay matuwid, banal at di-mapagpaparaya sa kasalanan; nang si David ay tunay na nagsisi sa kanyang mga gawa, ang Diyos ay nahabag sa kanya at nagpakita sa kanya ng pagka-maawain, at ang Diyos ay patuloy na ginabayan siya at sumasa-kanya.
Sa paghahambing ng aking sarili kay Haring David, napahiya ako. Nagawa lamang ni Haring David ang isang pagkaka-mali at pagkatapos ay nakapagsisisi sa gayong nakakabagbag-damdaming paraan. Bukod dito, hindi na siya muling gumawa ng kaparehong pagkakamali hangga’t nabubuhay siya. Naisip ko ang aking sarili, gayunpaman, at kung paano ako naniniwala sa Panginoon nang maraming taon at namuhay ako sa isang palagiang estado ng pagkakasala: Hindi ko tinalikuran ang mga bagay, ginugol ko ang aking sarili at nag-pagod at nagtrabaho ng mabuti para sa aking pag-ibig sa Panginoon o upang masiyahan ang Panginoon, ngunit sa halip ay ginawa ko ang lahat upang makakuha ng mga pagpapala at makapasok sa langit—lahat ay aking pakikipag-kasundo sa Diyos. Kapag nagtatrabaho ako at nangaral, madalas kong sinasabi kung gaano akong naghirap, gaano ako ka-abala at kung ano-ano ang nagawa ko, lahat upang ang aking mga katrabaho at ang aking mga kapatid ay igagalang ako at tingalain ako, ngunit walang lugar para sa Diyos sa kanilang puso. Tuwing tinatalakay ko ang gawaing pang-iglesia sa aking mga katrabaho, lagi kong nais na tanggapin nila ang aking mga pananaw at, kung hindi nila gagawin, nagiging mainit ang aking ulo at makikipagtalo sa kanila. Minsan, upang mapanatili ang aking prestihiyo at posisyon, nagsasabi ako ng mga kasinungalingan at niloloko ang ibang tao. Minsan, nang makita ko ang aking mga katrabaho na nagbibigay ng mas mahusay na mga sermon kaysa sa akin, at ang lahat ng mga kapatid ay nais makinig na makinig sa kanila, nakararamdam ako ng inggit sa aking puso, ang hinanakit ay ilalantad ang pangit na ulo nito, at manghuhusga pa ako, magpapahiya at subukang ibukod ang mga ito. Ilan lamang ang mga ito na halimbawa ng aking pag-uugali sa panahon ng aking paniniwala sa Panginoon. Matapos makagawa ng pagkakasala, nagdarasal ako sa Panginoon at nais na magsisi, at kung minsan ay kinapopootan ko pa ang aking sarili at umiiyak ng mapait na luha. Ngunit sa tuwing nakatatagpo ako ng katulad na sitwasyon muli, hindi ko mapigilan ang aking sarili na magkasala ulit at maghimagsik laban sa Diyos; Nabuhay ako sa loob ng isang mabisyo na siklo ng pagkakasala at pagtatapat na hindi ko matakasan. Ngayon, napagtanto ko na ang aking pagsisisi ay mga salita lamang, at hindi ito katulad ng pagsisisi ni Haring David. Sapagkat si David ay may paggalang at may takot sa Diyos, nagawa niyang tunay na mapoot sa kanyang sarili mula sa kailaliman ng kanyang puso, at ginamit niya ang kanyang buhay na katotohanan upang patunayan ang kanyang pagsisisi. Tila kung, kung hindi ako nagtataglay ng isang puso na taimtim na hinahangad ang Diyos, kung gayon hindi ko magagawang tunay na magsisi sa Kanya at sa gayon nga’y napakahirap para sa akin na makuha ang Kanyang papuri. Ang tunay na pagsisisi ni Haring David ay tiyak na isang bagay na dapat kong tularan.
Ang Buong-Buhay na Hinahangad ni Haring David ay Bumuo ng Templo para sa Diyos
Ang mga salitang binigkas ni Haring David sa mga tao ay nakatala sa Bibliya: “Ang gawain ay malaki; sapagka’t ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi para kay Jehova na Dios. Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana. Bukod din naman dito, sapagka’t aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay” (1 Paralipomeno 29:1–3). Pinuri ni David si Jehova sa harap ng bayan, na sinasabing, “Purihin ka, Oh Jehova, na Dios ng Israel na aking Ama, magpakailan kailan man” (1 Paralipomeno 29:10). Nariyan din ang awit na isinulat ni David, na nagsasabing: “Sapagka’t napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin” (Awit 69:9).
Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Diyos sa lupa ay ginawa upang magawa na madala ang tao sa harap Niya at sambahin Siya. Si Haring David ay ang pinaka-nakaunawa sa puso ng Diyos at na higit na umaalala sa Kanyang kalooban. Ang buong-buhay na pagnanais ni Haring David ay ang pagtatayo ng isang templo para kay Jehova, upang ang mga tao ay makalapit sa harap ng Diyos at sambahin Siya, at hindi na makagawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsamba kay Satanas o mga idolo. Si Haring David ay may puso na parehong may takot at pagmamahal sa Diyos; inaalala niya ang kalooban ng Diyos, at nagawa niyang ituring bilang kagyat ang anumang itinuring ng Diyos bilang kagyat at nag-iisip tulad ng iniisip ng Diyos. Nagawa rin niyang magbayad ng totoong halaga at tapat sa Diyos. Mula sa mga Banal na Kasulatan, makikita natin na inilagay ni Haring David ang buong puso at lakas sa paghahanda ng lahat ng kailangan para sa pagtatayo ng templo, at inaalok niya ang lahat ng kayamanan na naipon niya. Bagaman hindi kailanman naitayo ni Haring David ang templong ito sa kanyang sariling buong-buhay, hinikayat niya ang kanyang anak na si Solomon na magpatuloy at makamit ang kanyang pangarap na hindi natanto habang siya ay nabubuhay, at ang templo ay naitayo sa wakas.
Paano hindi malulugod ang Diyos kay Haring David, isang tao na labis na nagmamalasakit sa kalooban ng Diyos at may isang lugar para sa Diyos sa kanyang puso? Kunin ang isang napaka-makatwirang bata na nakikita ang kanyang mga magulang na nagtatrabaho nang husto, bilang halimbawa. Sa kanyang puso iniisip niya: “Ano ang magagawa ko para sa aking mga magulang upang mapagaan ang kanilang pasanin?” Nang may ganitong isipin sa kanyang ulo, nagsisimula siyang gawin ang lahat ng hanggang sa abot ng kanyang makakayang gawin. At kapag nakita ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na lalaki ay nakapagpapakita ng pag-unawa at pagsasaalang-alang para sa kanila, at ginagawa niya ang inisyatiba upang balikatin ang ilan sa kanilang pasanin, tiyak na masisiyahan sila. Sa katulad na paraan, inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging mapagmalasakit sa Kanyang kalooban, magsagawa ng Kanyang mga komisyon at italaga ang ating lahat para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Si Haring David ay tulad ng isang tao na ganito.
Salamat sa Diyos! Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa aking mga kapatid, natagpuan ko ang ilang mga landas sa pagsasanay. Tahimik akong gumawa ng isang resolusyon: “Tiyak na tutularan ko si Haring David at maging isang taong may takot sa Diyos, at hindi sasadyaing gumawa ng anumang kasalanan o gumawa ng anumang bagay na lumalaban o humihiya sa Diyos; kapag ang aking mga aksyon ay hindi ayon sa puso ng Diyos, dapat kong bigyang pansin ang aking sariling mga pagkakasala, tunay na lumapit sa Diyos at magsisi, at ipagtapat ang aking mga kasalanan sa Diyos. Dapat din akong tumuon sa paghahanap ng landas ng pagsisisi at pagbabago, at gamitin ang aking buhay na katotohanan upang luwalhatiin ang Diyos at magpatotoo sa Diyos. Bukod dito, kailangan kong magkaroon ng tamang layunin na ipursige ang aking pananalig sa Diyos, dahil dito dapat kong ituwid ang aking sariling mga motibo, maging may malasakit sa kalooban ng Diyos at maipangaral ang ebanghelyo ng Diyos, upang mas maraming tao ang madadala sa harap ng Diyos.” Bukod dito, sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahagian, nalaman ko na ang Diyos ay tumitimbang at sinusuri ang isang tao depende kung ang kanilang kakanyahan ay tulad ng sa isang mabuting tao, kung tunay na naramdaman ba talaga nila ang pagsisisi at tunay na nagsisisi tuwing nakagagawa sila ng isang pagsalangsang, at maging isang taong may malasakit sa Diyos at maaaring mahalin ang Diyos. Tayo, gayunman, nakikita lamang natin ang mga panlabas na pag-uugali at pagpapahayag ng mga tao, at hindi natin nakikita ang kanilang kakanyahan. Ibinabase natin ang ating mga pagsusuri at paghuhusga ng mga tao sa ating sariling mga maling akala at mga haka-haka, at ang aking sariling pananaw sa mga bagay ay naging napakahibang! Ang sinumang kinalulugdan ng Diyos at kung sinuman ang Kanyang kinasusuklaman, ang kalooban ng Diyos ay nasa likuran nito. Sa tuwing makatagpo ako muli ng ganitong uri ng isyu sa hinaharap, dapat magkaroon ako ng pusong may takot sa Diyos, dapat hanapin ko ang kalooban ng Diyos ng higit, maunawaan kung ano ang hinihiling sa atin ng Diyos at dapat hinahangad kong matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos sa buo kong lakas! Salamat sa pagliliwanag at gabay ng Diyos!
—————————————
Ang haligi ng pag aaral ng bibliya ay magbibigay ng mga sagot sa lahat ng uri ng mga katanungan sa Bibliya, na makatutulong sa iyo na madaling mabasa ang Bibliya upang ang iyong espiritwal na buhay ay mabilis na lumago.