Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila walang kibo o pinipilit, ngunit mga maaagap. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, at sila ay nakahandang sumunod, at masayang magpakumbaba ng kanilang mga sarili, at bagamat sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagtitiis silang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga pagbubuyo ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo pang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid, at nagagalak sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos.
Ang mga tao na inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at sila ay nagtataglay ng pagkatao at palaging hinahangad ang katotohanan. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang mga kalagayan ay painam nang painam, at ang kanilang pagkatao ay lalong mas nagiging normal, at bagamat ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaari mang maging hangal, ang kanilang mga pagganyak ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. ... Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao sa isang positibong kalagayan at mayroong isang normal na espirituwal na buhay, kung gayon tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos mayroon silang pananampalataya, kapag sila ay nananalangin sila ay inspirado, kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila sila ay hindi nagsasawalang-kibo, at habang nangyayari ito sa kanila nagagawa nilang makita ang mga aral na hinihiling sa kanila ng Diyos na matutunan, at sila ay hindi pasibo o mahina, at bagamat mayroon silang totoong mga kahirapan, nakahanda silang sundin ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos.
mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at ng kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan, at binibigyan din Niya sila ng paninindigan, pinahihintulutan silang maintindihan ang masugid na layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, binibigyan Niya sila ng paninindigan upang maging bukas sa bawat paraan. Maging kapag ang mga tao ay sasailalaim sa pagdanak ng dugo at sakripisyo dapat silang kumilos para sa Diyos, at maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, kailangan pa rin nilang ibigin ang Diyos, at huwag magkaroon ng mga pagsisisi, at kailangang maging patotoo para sa Diyos. Ang gayong paninindigan ay ang mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at ang gawain ng Banal na Espiritu—ngunit alam mong hindi ka magmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat pagdaan ng sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon nararamdaman mo na lubhang nakilos at kinasihan at nagbibigay ka ng matinding pagpupuri at ikaw ay sumasayaw. Nadarama mo na mayroon kang nakakagulat na pagkaunawa sa kung ano ang pinagsasamahan ng iba, bagung-bago ang iyong nararamdaman sa loob, at ang iyong puso ay lubos na malinaw nang walang anumang pakiramdam ng kahungkagan—ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang tao na nangunguna, at binigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang pagliliwanag at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa simbahan upang gumawa, gagawin kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa “Pagsasagawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadadama mo na wala kang magagawa maliban sa ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa loob mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung nadadama mo ang kagaya nito, kung gayon ikaw ay inantig ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay bumaling nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na itinalaga at Iyong pinili. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng pagmamalaki, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang ipatupad ang iyong kalooban, at itatatalaga ko ang lahat ng aking mga taon, at ang isang buong habambuhay ng mga pagsisikap, sa Iyo.” Kung ikaw ay mananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang katapusang pag-ibig at tunay na pagsunod sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng gayong karanasan kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, kung gayon sila ay talagang nakahanda na italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Ibinangon Mo ako sa pamamagitan nang pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka sa ganitong paraan, madadama mo na walang magagawa maliban sa ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Sa pagsasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng isang di-mauubos na lakas sa loob mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa loob mo ay magkakaroon ng walang hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng dakilang pakiramdam na ang Diyos ay kaibig-ibig, at na Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag ikaw ay naantig ng Diyos. Lahat niyaong mga nagkaroon ng gayong karanasan ay inantig ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang pagbabago at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso ay higit na malakas, ang kanilang mga puso ay ganap na bumaling sa Diyos, wala silang pakundangan para sa kanilang sambahayan, sa mundo, sa mga gusot, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang italaga ang isang habambuhay ng mga pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong inantig ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maaari kang maging hangal, at walang magiging pagkakaiba sa loob mo, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ng pananampalataya sa iyo, para palagi mong madama na hindi mo maaaring ibigin nang sapat ang Diyos, para maging handa kang makipagtulungan, upang maging handang makipagtulungan gaano man katindi ang mga kahirapan na darating. Ang mga bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging walang kibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila, nakasasagupa pa rin ang mga tao ng totoong mga kahirapan, may mga pagkakataon na lumuluha sila, at may mga pagkakataon na mayroong mga bagay na hindi nila napagtatagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagamat hindi nila mapagtagumpayan ang mga bagay na ito, at bagamat, sa panahong iyon, sila ay mahihina at nagsisipagreklamo, nagagawa pa rin nila pagkatapos ang ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi sila maaring pigilan ng kanilang pagiging walang kibo, at hindi alintana kung ano man ang sasabihin ng mga ibang tao, at kung paano nila sila inaatake, nagagawa pa rin nilang ibigin ang Diyos. Sa panahon ng pananalangin, palagi nilang nadadama na dati silang may pagkakautang sa Diyos, at sila ay nagpapasya na mapalugod ang Diyos at tinatalikuran ang laman kapag sila ay muling nakasasagupa ng gayong mga bagay. Ipinakikita ng lakas na ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob nila....
mula sa “Ang Gawain ng Banal na Espiritu at Ang Gawain ni Satanas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkato ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may nadaragdagang pagkakaalam ng kanyang disposisyon, na ginawang tiwali ni Satanas, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging buhay ng tao.
mula sa “Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga taong may katotohanan ay yaong mga, sa kanilang tunay na karanasan, kayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hindi umuurong, at kung sino ang maaaring magkaroon ng karaniwang relasyon sa mga tao na umiibig sa Diyos, na, kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, ay ganap na tatalima sa Diyos, at kayang tumalima sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pagbubunyag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, sila ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos; kapag ikaw ay nakaranas hanggang sa puntong ito, ang angkop na epekto ay makakamit na. Ikaw ay nagtataglay ng aktwal na pagsasabuhay, at ang bawa’t kilos mo ay hinahangaan ng iba. Ang iyong anyo ay hindi kapansin-pansin nguni’t isinasabuhay mo ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, at kapag ipinapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ikaw ay ginagabayan at nililiwanagan ng Niya. Nagagawa mong sambitin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita mo, naibabahagi ang realidad, at marami kang nauunawaan tungkol sa paglilingkod sa espiritu. Ikaw ay disente at matuwid, ayaw sa awayan at marangal, may kakayahang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa iyong patotoo kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, at ikaw ay kalmado at mahinahon kahit ano pa ang pinakikitunguhan mo. Itong uri ng tao ay tunay na nakita na ang pag-ibig ng Diyos. May mga tao na bata pa, nguni’t kumikilos sila na parang nasa kalagitnaang-edad; sila ay may isip na, mayroong katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ang mga taong ito ang may patotoo, at ang mga kahayagan ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon ng isang kaunawaan tungo sa Diyos sa kanilang kalooban, kaya ang kanilang mga panlabas na disposisyon ay magiging matibay rin.
mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Kapag tayo ay nagdarasal sa Diyos, kapag tayo ay nasisiyahan sa gawain ng Banal na Espiritu, ang ating mga puso ay talagang mapayapa, masaya, at nakakaramdam ang kasiyahan. Bakit napakasaya kapag tayo ay nagdarasal sa Diyos at tinatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu? Paano kaya ito nangyayari? Ito ay isang misteryo. Sinusubukan ng gawain ng Diyos at mga salita na binibigkas ng Diyos na gisingin ang diwa sa kalooban ng mga tao, para hayaang mabuhay muli ang ating diwa para magawa nitong makinig sa tinig ng Lumikha. Kasiyahan para sa mga tao kapag ang diwa sa kalooban nila ay nakikinig sa tinig ng Lumikha. Ito ay katulad ng isang ulila na makikipagkita muli sa kanyang mga magulang: Ito ay parehong nakalulugod at nakakasaya. Nararamdaman ito ng mga tao. Sa nakalipas lahat ng mga tao ay naghangad ng kaligayan, hinahanap nila ito hanggang sa bandang huli ngunit hindi nakahanap ng anumang kasagutan. Kapag tayo na naniniwala sa Diyos ay nasisiyahan sa Diyos—ibig sabihin, kapag tayo ay nasisiyahan sa presensiya ng Diyos, nasisiyahan sa gawain ng Banal na Espiritu at lalo na kapag tayo ay nasisiyahan sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos—ang ating mga puso ay napapakawalan, ang mga ito ay napapalaya. Ito ay talagang kasiyasiya at isang bagay naranasan at natikman na ng maraming tao na naniniwala sa Diyos.
mula sa “Ang Kahalagahan ng Pagkilala sa Diyos at ang Paraan para Makilala ang Diyos” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (I)
Kung talagang taglay mo ang gawain ng Banal na Espiritu, magagawa mong maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos. Magagawa mong matamo ang positibong resultang ito. Naranasan na ito ng ilang tao, at kapag mas lalo pa nilang binabasa ang mga salita ng Diyos, mas lalo pa nilang naiisip na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa kanila. “Teka, ang lahat ng ito ay tumutukoy sa akin, mismo; sinasabi nito ang tungkol sa mga bagay na nasa kaibuturan ng aking puso.” Sila ay lubusang nakukumbinsi, hindi sila makapaghintay para mahulog sa sahig at magdasal: “O Diyos ko, ang mga salitang ito ay tungkol sa akin, sinasabi ng mga ito ang tungkol sa mga bagay na nasa kaibuturan ng aking puso, tumatama sila sa pinakamahinang bahagi.” Kahit na may kirot dito, sa kalaunan ang mga ito ay mapupuno ng kaluguran at pag-iisipan ang mga salitang ito: Paano ko mababatid ang aking sariling katiwalian? Paano nalilikha ang ganitong uri ng katiwalian? Paano maaaring pakitunguhan ang ganitong uri ng katiwalian? Anong uri ng mga katotohanan ang aking kailangan para malaman ko kung paano ito pakitunguhan? Magkakaroon kaya ng ganitong uri ng pagkarebelde at pagtutol sa hinaharap? Paano mapapatigil ang malasatanas na kalikasang ito? Sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, magsisimulang isagawa ng mga tao ang ganitong uri ng pagsusuri ng sarili. Kung palaging nararanasan at tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos tungkol sa paghatol at pagkastigo sa ganitong paraan, ang kanilang buhay ay mabilis na lalago.
mula sa “Maliligtas Lamang ang isang Tao sa Pamamagitan ng Pagsunod sa Gawain ng Diyos” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (I)
Basta’t hinahangad mong kilalanin ang iyong sarili at hanapin ang katotohanan, gagawa ang Banal na Espiritu sa iyo. Hindi mo man madama kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu, pero mas nauunawaan mo ang katotohanan at ang iyong sarili batay sa salita ng Diyos, aba, ito ang dahilan kaya lubhang kamangha-mangha ang paggawa ng Banal na Espiritu. Ni hindi ito higit sa karaniwan sa paraan ng pagpapaunawa sa iyo nito tungkol sa iyong sarili at sa katotohanan. Hindi ba ninyo nakikita na ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat? Hindi ba kamangha-mangha ang Diyos? Ganito kaganda ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa panlabas na anyo, hindi mo alam kung paano ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Kung naranasan mo na ito sa loob ng maikling panahon, hindi mo talaga naiintindihan. Gayunman, matapos mong maranasan ito sa loob ng mas mahabang panahon, makikita mong magbago ang sarili mo. Magbabago ang pananaw mo tungkol sa mga bagay-bagay. Magbabago at lalago ang kaalaman mo tungkol sa salita ng Diyos. Lalago ka at matatanggap mo ang katotohanan. Mas lalalim at lalapit sa esensiya ang kaalaman mo tungkol sa iyong katiwalian . Ang mga ito ay mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu.
mula sa “Ang Malaman ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Napakahalaga” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (II)