Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

23 Abril 2019

Tanong 12: Karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon ay naniniwala na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na “Naganap na” ay patunay na lubos nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos. Subalit pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon sa katawang-tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos para lubusang iligtas ang mga tao. Kaya paano ba talaga dapat maunawaan ng isang tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Hindi pa malinaw sa amin ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag naman ito sa amin.

Sagot:

Iniisip ng karamihang tao sa relihiyosong mundo: Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus at sinabi bago Siya mamatay “Naganap na,” pinatunayan nito na ganap nang natapos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at wala nang gawain. Kaya, nang marinig na gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw, maraming tao ang lubos na itinanggi ito. Inisip nilang isa itong imposibleng bagay. Kapag dumating sa bagay na iyon, ano ang katotohanan ng bagay na ito? Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, sinagisag ba nito o hindi na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay ganap na “natapos”? Ang ibig sabihin ba ng Diyos sa pagsasabi ng “Naganap na” na natapos na ang lahat ng gawain ng Panginoon na pagtubos sa sangkatauhan, o nangangahulugan ito na natapos na lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan? Isipin natin: Kung ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus na nasa krus sa pagsasabi ng “Naganap na” ay lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay tapos na, makakapagpropesiya pa rin ba ang Diyos sa atin ng gawain ng pagliligtas? Tiyak na hindi! Sa puntong ito ang bawat kapatid ay dapat na sumang-ayon. At laganap ito, lahat ng propesiya sa Aklat ng Pahayag ay tungkol sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, gaya ng Pahayag kabanata 1 bersikulo 1 hanggang 3, na nagsasabing: “Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan: Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya. Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.” Sa Aklat ng Pahayag, ibinunyag ni JesuCristo kay Juan ang mga bagay na malapit nang maganap at hinayaan siyang itala ang mga bagay na ito upang maniwala tayo. Partikular ding itinala ng Pahayag kabanata 14 bersikulo 6 at 7 ang mga bagay na gagawin ng Diyos sa mga huling araw: “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” At nang nasa lupa Siya, nagpropesiya rin Mismo ang Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Mula sa mga propesiyang ito, alam natin na sa mga huling araw mayroon pa ring gawain ng pagliligtas ang Diyos na gagawin; iyon ay, sa mga huling araw, gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol, at gagabayan tayo ng Espiritu ng katotohanan patungo sa lahat ng katotohanan. Kaya maaari nating pagtibayin: Ang gawain ng Panginoong Jesus na ipinako sa krus ay hindi ang wakas ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ang Panginoong Jesus sa krus na nagsasabing “Naganap na” ay nangangahulugan lamang na tinupad ng Kanyang pagkapako sa krus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan; hindi ito nangahulugan na lahat ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos ay tapos na.

Alam nating lahat, magmula nang pasamain ni Satanas ang sangkatauhan, ginagawa ng Diyos ang gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ililigtas Niya ang tao mula sa kaharian ni Satanas at hahayaan ang tao na makabalik sa kanyang orihinal na kabanalan. Lubos Niyang tatalunin si Satanas, pagpapasyahan ang kapalaran ni Satanas. Kapag ganap na nahango ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, nahango mula sa pagkaalipin ng kasalanan, nilinis ng Diyos, ganap na matatapos ang gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang Diyos at ang tao ay magkasamang magpapahinga.

Tutuparin ng Diyos ang gawaing ito sa mga yugto ayon sa mga pangangailangan sa pag-unlad ng sangkatauhan, gumagawa sa mga hakbang at ayon sa Kanyang plano, tiyak na walang taros o kawalang pag-aalinlangan. Ibinubukod ng Diyos ang mga kapanahunan at panahon sa pagtatapos ng Kanyang buong gawain ng pamamahala ng pagliligtas sa sangkatauhan. Una, ipinahayag ng Diyos ang batas sa pamamagitan ni Moises, inaatasan ang tao na sundin ang kautusan, upang alam ng tao kung paano mabuhay sa lupa, kasabay na ipinapakita sa tao kung ano ang kasalanan. Pagkatapos, ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, binuksan ng Diyos ang Kapanahunan ng Biyaya at nagkatawang-tao upang gawin ang gawain nang personal, pinagagaling ang maysakit at pinalalayas ang mga demonyo, binibigyan ang tao ng walang hanggan na biyaya, at sa huli ay ipinako sa krus para sa tao, na ang Kanyang banal na katawang-tao bilang isang pag-aalay para sa kasalanan, upang tubusin ang tao mula sa kasalanan. Kailangan lang ng tao na maniwala sa Panginoon, ikumpisal ang kasalanan sa Panginoon, upang mapatawad sa kanyang kasalanan. Gayunman, bagama’t tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan, umiiral pa rin ang ating makasalanang kalikasan; patuloy tayong nabubuhay nang paulit-ulit na mga buhay ng pagkakasala sa araw, pagkukumpisal sa gabi, na walang paraan upang tanggalin ang mga bigkis ng kasalanan, kagaya ng sinabi ni Pablo: “sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala” (Roma 7:18). Kung kahit si Pablo ay kagaya nito, ano ang magagawa natin ngayon? Bukod dito, sinasabi ng Biblia: “Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” Heb 12:14). Kung ito ang kaso, sino sa atin ang makakakita sa Panginoon? Alam nating lahat, nakasulat ito sa Biblia: “Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon” (1Pe 1:5). “Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Heb 9:28). Mula sa mga bersikulong ito makikita natin: sinabi ni Pedro na may nalalabing pagliligtas na ibubunyag sa mga huling araw, at malinaw ring nauunawaan ng mga Hebreo na magpapakita si Cristo sa pangalawang pagkakataon upang iligtas tayo, na binibigyang-daan tayo na maging sapat na banal upang makita ang mukha ng Panginoon. Ipinapakita nito na ang mga salita ng Panginoong Jesus “Naganap na” ay nangahulugan lamang na ang Kanyang gawain ng pagkakapako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan ay tapos na, hindi na ang lahat ng gawain ng Diyos ng pagliligtas ay tapos na. Kaya nakikita natin, hindi pa naisakatuparan ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa lahat ng sangkatauhan. Kailangan pa rin natin ang Diyos na dumating upang gawin ang isang yugto ng gawain na lubos na paglilinis at pagbabago sa atin; kung hindi, hindi tayo karapat-dapat na makita ang mukha ng Panginoon.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang lahat ng sangkatauhan, at pinayagan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natapos. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natapos. Tinubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nilupig ang sangkatauhan, pabayaang mag-isang magbago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, ‘Kahit na dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Ang sinisinta Kong Anak ay si Jesus at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na natapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang kapiraso nito’” (“Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto …” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kaya, paano tayo ganap na hihinto sa pagkakasala, ganap na alisin ang ating makasalanang kalikasan, at maging pinabanal upang makita natin ang mukha ng Diyos? Ngayon ang mga salita ng buhay na ipinahayag ng Diyos sa Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao ay ipinakita sa atin ang landas sa pagtanggap ng ganap na kaligtasan: “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni't ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaring makakita at kahit ang patay ay maaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni't, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nagpapahayag ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka't ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka't ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni't ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni't ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Kung walang nagawa maliban sa pagpapalayas ng mga demonyo sa loob ng tao at pagtutubos sa kanya, iyon ay pag-agaw lamang sa kanya mula sa mga kamay ni Satanas at pagbabalik sa kanya sa Diyos. Subali't, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni't ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at nagkakanulo sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni't ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin, pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ngunit hindi pinatawad ang tiwaling disposisyon ng tao. Sa kalooban ng tao ang disposisyon na pinasama ni Satanas at ang makasalanang kalikasan ay umiiral pa rin. Kaya, batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, gumagawa ang Diyos ng mas mataas, mas masinsinang yugto ng gawain, na gawain ng paglilinis sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita. Ganap na palalayasin ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ang ating tiwaling disposisyon, na gagawin tayong ganap na nakamit ng Diyos. Tatapusin nito lahat ng gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan at tatapusin ang buong plano ng pamamahala ng Diyos. Sa panahong ito lahat ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos ay matatapos. Kagaya ng sinasabi sa Pahayag: “At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay. At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay” (Pahayag 21:5-6). Tingnan ninyo, kapag ganap na inalis ang tiwaling disposisyon ng tao upang magbunga ng isang bagong tao, tunay na nagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ng Diyos. Gagamit ang yugtong ito ng gawain sa huling kapanahunan ng mga salita upang humatol, kumastigo, ganap na alisin ang makasalanang kalikasan ng tao. Sa pamamagitan lang ng yugtong ito ng gawain makakamit ng tao ang kabanalan at hindi na magkakasala, kaya magiging karapat-dapat upang makita ang mukha ng Diyos at tatamasahin ang kaligayahan kasama ang Diyos. Kaya, ang pagtanggap sa gawain ng paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw ang tanging landas upang makamit natin ang ganap na kaligtasan.

      mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay

Ngayon may ilang mga tao na pinupunto na ang huling bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa krus ay, “Naganap na.” At saka sinasabi nila: “Ang handog-kasalanan ng Panginoong Jesus alang-alang sa sangkatauhan noong Siya ay nasa krus ang tumapos sa gawain ng pagliligtas ng Diyos. Tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan dahil tayo ay naniniwala sa Panginoong Jesus. Tayo ay nagkamit rin ng pag aring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at kaya tayo ay maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Tayo ay kailangan lamang maghintay sa pagdala ng Panginoon.” O sasabihin nila: “Lahat ng bagay ay handa na, kailangan lang natin ang pagdala.” Maaari ba itong patunayan? Hindi, ito ay hindi maaari. Maaari lamang nating patunayan na ang ating mga kasalanan ay pinatawad, tama? Ang ating mga kasalanan ay pinatawad, ngunit paano natin ito patutunayan? Hindi mahalaga kung anong uri ng kasalanan ang ginawa mo, kailangan mo lamang manalangin at aminin ang iyong kasalanan at mararamdaman mo ang kagalakan, kapayapaan, at ang iyong espiritu ay mapapalaya mula sa pagka-alipin ng kasalanan. Nakakaramdam ang isang tao ng paglaya kapag wala siyang kasalanan! Totoo iyon, kaya maaari nating sabihin na ang handog-kasalanan ay lubos na tunay at ito ay isang bagay na lahat ng mga naniniwala sa Panginoong Jesus ay maaaring maranasan at kumpirmahin. Ngunit ito ay hindi nangangahulugang tiyak na sinasabing: “Ang paniniwala kay Jesus ay magdadala ng pagliligtas mula sa Diyos at kumpletong paghiwalay mula sa kasalanan. Kung naniniwala ka kay Jesus, ikaw ay kokomendahin ng Diyos at papasok sa kaharian ng langit.” Hindi ito sinabi ng Panginoong Jesus, at walang ebidensiya para dito. Bakit walang ebidensiya? Ang ating mga kasalanan ay pinatawad na, ngunit maaari ba na ang ating satanikong disposisyon, ang makasalanang kalikasan, ay patawarin? Hindi. Sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus: Sa sandaling ang inyong mga kasalanan ay pinatawad kayo ay maaaring pumasok sa kaharian ng langit”? (Hindi.) Sinabi ba kailanman ng Panginoong Jesus: “Kailangan mo lamang maniwala sa Akin at magkakaroon ng lugar para sa iyo sa kaharian ng langit”? Hindi kailanman sinabi ng Diyos iyon. Ano ang sinasabi sa Biblia? “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Kaya ano ang tinutukoy ng “gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit”? Nangangahulugan ito na kailangan mong sundin ang mga utos ng Diyos, sundan ang daan ng Diyos, isagawa ang daan ng katotohanan, at ang daan ng katotohanan ay ang salita ng Diyos. Ang isang tao ay dapat gawin ang anumang hinihingi ng Diyos na gawin niya at dapat manatiling mahigpit na tapat sa mga tagubilin ng Diyos, at saka lamang ang tao na iyon ay maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Ngunit ilang mga tao ang nakakatugon sa mga hinihingi ng Diyos? Wala ni isa. Kaya masasabi natin na ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isang yugto ng gawain ng pagtubos. Prinopesiya sa Biblia na kapag ang Panginoon ay bumalik, magkakaroon ng yugto ng gawain ng paghatol at pagkastigo upang dalisayin silang lahat na dumating sa harapan ng Diyos. Sa ibang salita, ang Diyos ay magsasagawa ng isang yugto ng gawaing pagdalisay bago Niya wakasan ang kapanahunan sa mga huling araw. At lahat ng prinopesiya ng Panginoong Jesus tungkol sa paghihiwalay ng trigo mula sa mga pangsirang damo, ang mga tupa mula sa mga kambing, ang mga matatalinong dalaga mula sa mga mangmang na dalaga—at gayundin sila na naglilingkod sa Diyos mula sa kanila na hindi at mga mabubuting lingkod mula sa mga masasamang lingkod—lahat ng ito ay magkakatotoo. Ayon sa propesiya ng Panginoong Jesus, sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay magsasagawa ng yugto ng gawaing paghahatol sa mga tao, pagdadalisay sa mga tao, ang gawain ng paghihiwalay sa lahat ayon sa kanilang mga sariling uri, tulad ng hinulaang malinaw sa Biblia. Tulad ng sinasabi sa Biblia: “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17), at binabanggit din nito ang pagliligtas ng mga huling araw, at paanong ang Panginoon ay darating para sa kanila na magtatagumpay, at paanong ang Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw upang magnakaw ng mga kayamanan. Ang lahat ng mga propesiyang ito ay tumutukoy sa gawaing gagawin sa panahon ng pagbalik ng Panginoon. Ito ay nagpapatunay na mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa oras ng pagbalik ng Panginoon upang wakasan ang kapanahunan, magkakaroon ng tatlong yugto ng gawain. Ito ay totoo, at itong tatlong mga yugto ng gawain ay prinopesiya sa Biblia, sa Aklat ng Pahayag. Ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagliligtas—ito ay tiyak na hindi gawain ng pagtatanggal ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagdalisay. Hindi kailanman nagkaroon ng naniniwala kay Jesus na ang kaniyang makasalanang kalikasan ay lubos na natanggal, wala ni isa na hindi nagkasalang muli pagkatapos na patawarin, wala ni isa ang nagkamit ng isang lubos na pagbabago ng kanilang disposisyon, wala ni isa ang totoong kilala ang Diyos. Ito ang mga katotohanan ng bagay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang sangkatauhan ay naniwala sa Diyos sa loob ng 2,000 na mga taon, ngunit limang pangunahing mga suliranin ang nanatiling hindi nalutas: Una, ang satanikong kalikasan ng sangkatauhan sa paggawa ng kasalanan ay hindi nalutas; pangalawa, ang isyu ng sangkatauhan na naghahayag ng satanikong disposiyon ay nanatiling hindi nalutas; pangatlo, ang isyu ng pagbabagong-anyo ng bawat disposisyon ng buhay ng tao ay hindi nalutas; pang-apat, ang suliranin ng kung paano dapat kilalanin ng sangkatauhan ang Diyos at sundin ang Diyos ay hindi lubusang nalutas; panlima, ang tanong na paano maaaring matamo ng sangkatauhan ang kabanalan ay hindi rin lubusang nalutas. Ang limang pangunahing mga suliranin na ito ay nanatiling hindi nalutas, nagpapatunay na ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isang yugto ng gawain ng pagtubos—at hindi ang huling yugto ng gawaing pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay nagbubukas ng daan, nagtatatag ng mga pundasyon, para sa gawain ng pagliligtas ng mga huling araw.

mula sa Ang Paliwanag mula sa Itaas

Ano ba talaga ang ibig sabihin ng maligtas? Ang mga tao sa relihiyon ay naniniwala na dahil ang mga huling salita ng Panginoong Jesus sa krus ay “Naganap na,” hangga’t ikaw ay may pananalig sa Panginoong Jesus at ang iyong mga kasalanan ay napatawad na, ang ibig sabihin nito ay ligtas ka na. Mali ang pagkakaintindi ng mga tao sa relihiyon sa kung ano ang sinabi ng Diyos dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos. Ano ang tinukoy ng Panginoong Jesus nang sinabi Niyang “Naganap na”? Tinutukoy Niya ang pagsasakatuparan ng gawain ng pagtubos ng Diyos, at siguradong hindi nito tinutukoy ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos. Samakatuwid, ito’y isang katotohanan na pinakamadali sa mga yaong hindi nakakakilala sa gawain ng Diyos na magkamali ng pag-intindi sa kung ano ang Kanyang sinabi, at pinakamadali sa kanilang husgahan ang gawain ng Diyos. Kaya pagkatapos ng lahat, ano ang kaligtasan? Ang pagpapatawad ba sa kasalanan ay tunay na kaligtasan? Hindi, ito ay nagtatakda lamang ng batayan para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ito ay nagtatatag ng pundasyon. Sa reyalidad, ang gawain ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao ay ang gawain sa mga huling araw. Ang gawain sa mga huling araw ay itinakda sa batayan ng kasalanang handog sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ay dahil lamang mayroong kasalanang handog na ang mga kasalanan ng tao ay pinatawad at ang sangkatauhan ay kwalipikado para lumapit sa harapan ng Diyos para tanggapin ang Kanyang gawain. Ito ay tanging sa paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, ang mga pagsubok at kapinuhan, na ang tao ay tunay na naligtas at napalaya mula sa impluwensya ni Satanas at mula sa kontrol ng kanyang malasatanas na kalikasan. Tanging ang gawain sa mga huling araw ang may kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao na natiwali ni Satanas, at magagawang mailigtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas, at makakarating sa layuning ganap na maibalik ang tao sa Diyos. Samakatuwid, kung ang paniniwala sa Diyos ay hindi pagdanas ng tao sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, siya ay tunay na hindi makakarating sa kaligtasan. … Ang Diyos ay banal at matuwid. Matapos mapatawad ang mga kasalanan ng tao, ang ugat ng pagkakasala ng tao, iyon ay, ang kanyang malasatanas ng kalikasan ay hindi pa naalis. Kung ang tao, gaya ng dati ay patuloy na tinututulan ang Diyos, at ipinagkakanulo ang Diyos, hindi ba ito insulto laban sa disposisyon ng Diyos? Kapag nagtaas ang Diyos ng sangkatauhan sa Kanyang kaharian na kaya pa rin Siyang tanggihan at ipagkanulo, ano ang ipinapaliwanag nito? Hindi ba ipinapahiwatig nito na nilinlang ng Diyos ang Kanyang sarili? Itong tiwaling sangkatauhan ay kaya pa ring tutulan ang Diyos at kaya pa ring muling ipako sa krus si Cristo. Kung ang naturang sangkatauhan ay ang sangkatauhang na ligtas na, walang ibang paraan para ipaliwanag ang kabanalan at pagkamakatuwid ng Diyos, wala itong katuturan. Paano pahihintulutan ng kaharian ng Diyos ang pagkakaroon ng sangkatauhang tumututol sa Diyos. Iyon ay imposible dahil ang disposisyon ng Diyos ay hindi kinukunsinti ang pagkakasala ng tao. Samakatuwid, kung sinasabi mong: “Ang taong natanggap ang kasalanang handog ay naligtas na, at maaari siyang makapasok sa kaharian ng Diyos,” hindi gagana ang mga naturang salita.

mula sa “Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pangangaral ng Ebanghelyo” sa Maliligtas Lamang ang Isang Tao Kapag Nanalig Siya sa Makapangyarihang Diyos

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?