Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos ay Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Nobyembre 2019

Awit ng Pagsamba | Ginigising ng Pagmamahal ng Diyos ang Aking Kaluluwa



Tagalog Praise Songs | Ginigising ng Pagmamahal ng Diyos ang Aking Kaluluwa

I
Pinasama na ako ni Satanas.
Likas na akong mayabang at mapagmalaki.
Nalason ni Satanas ang isipan ko.
Gusto ko mang mahalin ang Diyos, nagkukulang ako,
oh, nagkukulang ako.
Nakikilala ko ang sarili ko
dahil sa paghatol ng mga salita ng Diyos.

29 Oktubre 2019

Mga Patotoo sa Kaligtasan| Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos

Mga Patotoo sa Kaligtasan | Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos


Qingxin Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng kanilang tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan.

25 Oktubre 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain.

05 Hulyo 2019

Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos


Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa pagdanas ng kapinuhan, sa panahon ng kapinuhan nagagawa ng tao na tunay na purihin ang Diyos at nagagawang makita kung gaano karami ang kulang sa kanila. Habang lalong tumitindi ang iyong kapinuhan, lalo mas nagagawa mong talikuran ang laman; habang lalong tumitindi ang kanilang kapinuhan, lalong mas nadaragdagan ang pag-ibig ng mga tao para sa Diyos. Ito ang dapat ninyong maunawaan.

28 Abril 2019

Tagalog Christian Worship Song 2019 | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"


Tagalog Christian Worship Song 2019 | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"


I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos, kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya. 
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?

21 Abril 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig



Tagalog Christian SongsAng Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig


 I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.
II
Sa puso Niya'y nais Niyang maligtas
ang mga pinakamahalaga sa Kanya;
walang mas mahalaga pa sa kanila.
Nagdusa Siya, tiniis Niya ang pagtataksil at pasakit.

06 Abril 2019

Paano nakapag-akay at nakapaglaan ang Diyos sa sangkatauhan hanggang sa ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan.

31 Marso 2019

Pag-bigkas ng Diyos|Ano ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol


Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa ukol sa maraming mga kalagayan na kalalagyan ng mga tao kapag ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Lalo na, yaong mga nakikipagtulungan upang paglingkuran ang Diyos ay kailangang magkaroon ng isang mas mabuting pagkaunawa sa maraming mga kalagayan na dulot ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming mga karanasan at maraming mga pamamaraan ng pagpasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may kinikilingan. Kung hindi nauunawaan ang maraming mga sitwasyon sa realidad, hindi mo nagagawang matamo ang pagbabago sa iyong disposisyon.

24 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs Sino ang Nakaayon sa Diyos



Tagalog Gospel SongsSino ang Nakaayon sa Diyos


 I
Naipahayag na ng Diyos 'di mabilang na mga salita,
Kanyang kalooba't disposisyon,
gayunman 'di kaya ng mga tao
na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.
Ang iniisip n'yo lang ay pagpapala't gantimpala,
hindi kung paano makaayon sa Diyos
o 'di maging Kanyang kaaway.
Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,
napakarami N'yang naibigay na sa inyo,
pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?