Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

31 Marso 2019

Pag-bigkas ng Diyos|Ano ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol


Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa ukol sa maraming mga kalagayan na kalalagyan ng mga tao kapag ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Lalo na, yaong mga nakikipagtulungan upang paglingkuran ang Diyos ay kailangang magkaroon ng isang mas mabuting pagkaunawa sa maraming mga kalagayan na dulot ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming mga karanasan at maraming mga pamamaraan ng pagpasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may kinikilingan. Kung hindi nauunawaan ang maraming mga sitwasyon sa realidad, hindi mo nagagawang matamo ang pagbabago sa iyong disposisyon. Kung naunawaan mo ang maraming mga kalagayan, kung gayon magagawa mong maunawaan ang iba’t-ibang mga kapahayagan ng gawain ng Banal na Espiritu, at makikita nang buong linaw at makikilala ang marami sa gawain ng masasamang espiritu. Kailangan mong ihayag ang maraming mga pagkaintindi ng mga tao at tumbukin ang pinakapuso ng usapin; kailangan mo ring banggitin ang maraming mga paglihis sa pagsasagawa ng mga tao o ang mga suliranin sa paniniwala sa Diyos upang makilala nila ang mga ito. Kahit papaano, hindi mo dapat maidulot sa kanila ang pakiramdam na negatibo o walang kibo. Gayunpaman, kailangan mong maunawaan ang maraming mga kahirapan na talagang umiiral para sa mga tao, hindi mo kailangang maging di-makatuwiran o “tangkaing turuang kumanta ang isang baboy”; yaon ay isang kamangmangang asal. Para lutasin ang maraming mga kahirapan ng mga tao, kailangan mong maunawaan ang mga dinamiko ng gawain ng Banal na Espiritu, kailangan mong maunawaan kung paano ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa iba’t-ibang mga tao, kailangan mong maitindihan ang mga kahirapan ng mga tao, ang mga pagkukulang ng mga tao, makita nang malinaw ang pangunahing mga usapin ng suliranin, at makarating sa pinagmulan ng suliranin, nang walang mga paglihis o mga pagkakamali. Ang ganitong uri lamang ng tao ang karapat-dapat na makipagtulungan para paglingkuran ang Diyos.


Kung nagagawa mong maunawaan ang mga pangunahing usapin at nakikita nang malinaw ang maraming mga bagay ay nakasalalay sa iyong sariling mga karanasan. Ang paraan ng iyong pagkaranas ay nakakaapekto sa kung paano mo pangungunahan ang iba. Kung nauunawaan mo ang mga letra at mga doktrina, kung gayon ay aakayin mo ang iba na maunawaan ang mga letra at mga doktrina. Ang paraan ng kung paano mo nararanasan ang realidad ng mga salita ng Diyos ay ang paraan na iyong aakayin ang iba na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Kung nagagawa mong maunawaan ang maraming mga katotohanan at nakikita nang malinaw ang maraming mga bagay sa mga salita ng Diyos, kung gayon nagagawa mong akayin ang iba upang maunawaan ang maraming mga katotohanan, at yaong mga inaakay mo ay magkakaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa mga pangitain. Kung nagtutuon ka ng pansin sa pag-unawa sa hindi pangkaraniwang mga damdamin, kung gayon yaong mga pinangungunahan mo ay magtutuon din sa mga di-pangkaraniwang damdamin. Kung babalewalain mo ang paggawa at bibigyang-diin ang pagsasalita, kung gayon yaong mga pinangungunahan mo ay magtutuon din sa pagsasalita, nang walang anumang pagsasagawa, nang walang anumang mga pagbabago sa kanilang mga disposisyon, at sila ay magiging masigasig lamang sa panlabas, nang hindi isinasagawa ang anumang mga katotohanan. Tinutustusang lahat ng mga tao ang iba sa pamamagitan ng kung ano ang taglay nila sa kanilang mga sarili. Tinutukoy ng uri ng tao ang landas kung saan niya inaakay ang iba, at tinutukoy ng uri ng tao ang uri ng mga tao na kanyang pinangungunahan. Upang maging tunay na akma para sa paggamit ng Diyos, hindi lamang ninyo kailangan na magtaglay ng paghahangad, ngunit kailangan din ninyo ng maraming pagliliwanag mula sa Diyos, paggabay mula sa mga salita ng Diyos, pakikitungo mula sa Diyos, at ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Sa saligang ito, dapat kayong magtuon ng pansin sa inyong mga pagsusuri, mga saloobin, pagbubulay-bulay, mga konklusyon, mga pagtanggap at mga pag-aalis sa mga normal na panahon. Ang mga ito ay mga landas lahat para sa inyong pagpasok sa realidad at ang lahat ng mga ito ay di-maiiwasan—ito ang paraan na ginagampanan ng Diyos ang gawain. Kung dapat kang pumasok sa pamamaraang ito kung saan ginagampanan ng Diyos ang gawain, kung gayon tataglayin mo ang pagkakataon na gawing perpekto ng Diyos sa araw-araw. At kahit kailan, hindi alintana maging ito man ay isang malupit na kapaligiran o isang mainam na kapaligiran, sinusubok ka man o tinutukso, gumagawa ka man o hindi, ipinamumuhay mo man ang buhay bilang isang indibidwal o sa pangkalahatan, palagi kang makahahanap ng mga pagkakataon na gawing perpekto ng Diyos, nang hindi nagmimintis sa kahit isa sa mga ito. Magagawa mong matuklasan ang lahat ng mga ito, at sa ganitong paraan ay masusumpungan mo na ang lihim ng pagdanas sa mga salita ng Diyos.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?