Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

30 Marso 2019

Tagalog Gospel Songs|Liliwanagan at Paliliwanagin ng Diyos Yaong Mga Naghahanap ng Katotohanan



I
Kung papansinin mo ang lahat ng nasa paligid,
bawat kaisipa't nasa dadalisayin mo,
kung papayapain mo 'yong espiritu,
anumang mangyari, salita ng Diyos ang magpapalakas sa iyo,
at makikita mo ang lunas.
Salita ng Diyos magpapalakas sa 'yo, parang salamin ito.
Tingnan mo't makikita tatahaking landas.
Ito ang daan para makita ang lunas, gagaling ka sa sakit mo.
Gayon ka-makapangyarihan ang Diyos. Tiyak malalaman mo.
II
Kung kabanalan ang hinahanap mo ng tunay,
t'yak liliwanagan ka N'ya,
ipapakita mga espirit'wal na hiwaga,
bibigyan ka ng landas na lalakaran,
nang 'di maglaon ay mawala dati mong katiwalian,
at gumulang ka nang sapat para magamit ng Diyos.
Salita ng Diyos magpapalakas sa 'yo, parang salamin ito.
Tingnan mo't makikita tatahaking landas.
Ito ang daan para makita ang lunas, gagaling ka sa sakit mo.
Gayon ka-makapangyarihan ang Diyos. Tiyak malalaman mo.
III
Ang gawain ng ebanghelyo di-nahahadlangan,
layunin ng Diyos matutupad, plano Niya'y matatapos agad.
Kaharian ng Diyos darating sa lupa,
papasok ka sa l'walhati kasama Niya!
Salita ng Diyos magpapalakas sa 'yo, parang salamin ito.
Tingnan mo't makikita tatahaking landas.
Ito ang daan para makita ang lunas; gagaling ka sa sakit mo.
Gayon ka-makapangyarihan ang Diyos. T'yak malalaman mo.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?