Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

23 Disyembre 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan"



Kristiyanismo | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" 


Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan.

11 Disyembre 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord(Tagalog Dubbed)


Pagbabalik ni Jesus | "Paggising"  | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord

Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik.

02 Disyembre 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw



Panalangin sa Diyos | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw


Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.

29 Nobyembre 2019

Mga Trailer ng Pelikulang Ebanghelyo | Anak, Umuwi Ka Na!



Panalangin sa Diyos | Anak, Umuwi Ka Na! 


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game.

23 Nobyembre 2019

Kristiyanismo | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"



Kristiyanismo | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?"


Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.

Rekomendasyon:

20 Nobyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas



Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas


Zhao Gang

Sobrang lamig noong nakaraang Nobyembre sa Hilagang-silangang Tsina, wala sa mga niyebeng bumagsak sa lupa ang natunaw, at maraming mga tao na naglakad sa labas ang sobrang nilamig na inipit nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kili-kili at maingat na naglakad, ang mga katawan ay nakayuko. Noong isang araw nang maagang-maaga, ang mga hangin ay umiihip mula sa Hilagang-kanluran, nang ako, ang aking bayaw at ang kanyang asawa at ang halos isang dosenang mga kapatid ay nakaupo sa aking tahanan sa mainit na kang (isang naiinit na laryong kama).

30 Oktubre 2019

Mga Trailer ng Pelikulang Ebanghelyo | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Mga Trailer ng Pelikulang Ebanghelyo | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho.

29 Oktubre 2019

Mga Patotoo sa Kaligtasan| Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos

Mga Patotoo sa Kaligtasan | Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos


Qingxin Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, hindi ko naunawaan ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng kanilang tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan.

25 Oktubre 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain.

20 Oktubre 2019

Christian Maiikling Dula "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God



Christian Maiikling Dula "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero.

01 Setyembre 2019

Pelikulang Kristiano | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Pelikulang Kristiano | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha....Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili."
Manood ng higit pa: Salita ng Diyos

12 Agosto 2019

Mga Pagsasalaysay| "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Mga Pagsasalaysay | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me

Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin.

22 Abril 2019

Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos


Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan. Ang dating kapanahunan ay nakalipas na; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat na magawa. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, ang Diyos ay gaganap ng bagong gawain nang lalo pang mas mabilis.Samakatuwid, kung walang pagtalima sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sundan ang mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin, ni itinuturing Niya ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi-nababago.

31 Marso 2019

Pag-bigkas ng Diyos|Ano ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol


Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa ukol sa maraming mga kalagayan na kalalagyan ng mga tao kapag ginagampanan ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Lalo na, yaong mga nakikipagtulungan upang paglingkuran ang Diyos ay kailangang magkaroon ng isang mas mabuting pagkaunawa sa maraming mga kalagayan na dulot ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming mga karanasan at maraming mga pamamaraan ng pagpasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may kinikilingan. Kung hindi nauunawaan ang maraming mga sitwasyon sa realidad, hindi mo nagagawang matamo ang pagbabago sa iyong disposisyon.

25 Enero 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Qiuhe Japan


Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba't ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba't ibang ritwal.



Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?