Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karunungan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

29 Nobyembre 2019

Mga Trailer ng Pelikulang Ebanghelyo | Anak, Umuwi Ka Na!



Panalangin sa Diyos | Anak, Umuwi Ka Na! 


Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game.

22 Oktubre 2019

Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Hindi nauunawaan ng maraming tao kung bakit, yamang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos kapag dumating Siya para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tatawaging ang Panginoong Jesus?

11 Mayo 2019

Tagalog Christian Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries



Tagalog Christian Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries


Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.
I
Di na kailangang maghanap at mangapa,
dahil ang persona Mo'y hayag,
Ikaw ang hiwagang ibinunyag,
Ikaw Mismo ang Diyos na buhay,
harap-harapan sa amin,
ang makita ang Iyong persona ay makita
ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na daigdig.

06 Mayo 2019

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon.

19 Abril 2019

Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo


Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subali’t hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung nagbibigay-pansin ka lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos.

27 Pebrero 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 87

Dapat madaliin ang bilis at gawin ang nais Kong gawin. Ito ang Aking sabik na layunin para sa inyo. Puwede kaya na sa panahong ito hindi ninyo pa rin nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita? Puwede kaya na hindi ninyo pa rin nalalaman ang Aking layunin? Nakapagsalita na Ako nang higit at higit pang malinaw, at nagsalita nang higit at higit pa, pero hindi pa ba ninyo nagagawa ang pagsisikap na subukang alamin ang kahulugan ng Aking mga salita? Satanas, huwag guni-gunihin na mawawasak mo ang Aking plano! Yaong mga gumagawa ng serbisyo para kay Satanas, iyan ay, ang supling ni Satanas (tumutukoy ito sa yaong mga naaangkin ni Satanas. Kaya tiyak na may buhay ni Satanas yaong mga naaangkin ni Satanas, kung kaya sinasabi na supling ni Satanas), nagmamakaawa sa paanan Ko, nananangis at nagngangalit ang mga ngipin, pero hindi Ko gagawin ang gayong kahangal na bagay! Mapapatawad Ko ba si Satanas? Madadala Ko ba ang pagliligtas kay Satanas? Imposible ito! Ginagawa Ko ang sinasabi Ko at hindi Ko kailanman pinagsisihan ito!

Anumang sabihin Ko ay nagsisimulang umiral, hindi ba gayon? Pero palagi pa rin ninyo Akong hindi pinagtitiwalaan, pinagdududahan ang Aking mga salita, at iniisip na nakikipagbiruan Ako sa inyo. Talagang katawa-tawa iyan. Ako ang Diyos Mismo!

04 Pebrero 2019

Kidlat ng Silanganan | Mga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit



Kidlat ng SilangananMga Movie Clip | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit



Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "Kailangan ninyo itong mapagtanto, at hindi dapat pasimplehin nang husto ang mga bagay-bagay. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng anumang karaniwang gawain. Ang hiwaga nito ay hindi naiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi nakakamit ng gayon. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga iyon. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadudungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang gawain na lubhang napakalaki, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Mula sa mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay napakapayak?. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?