Anumang sabihin Ko ay nagsisimulang umiral, hindi ba gayon? Pero palagi pa rin ninyo Akong hindi pinagtitiwalaan, pinagdududahan ang Aking mga salita, at iniisip na nakikipagbiruan Ako sa inyo. Talagang katawa-tawa iyan. Ako ang Diyos Mismo! Nauunawaan ba ninyo? Ako ang Diyos Mismo! Kung wala Akong karunungan at walang kapangyarihan, basta Ko lang ba magagawa at masasabi ang gusto Ko? Pero hindi ninyo pa rin Ako pinagtitiwalaan.
Paulit-ulit Kong pinagdidiinan sa inyo, at paulit-ulit Kong nasasabi na sa inyo. Bakit ba karamihan sa inyo ay hindi pa rin naniniwala? Bakit mayroon pa rin kayong mga duda? Bakit kayo nangunguyapit nang mahigpit sa inyong sariling mga pagkaintindi? Maililigtas ka ba ng mga ito? Ginagawa Ko ang sinasabi Ko. Nasabi Ko na sa inyo nang ilang beses: Ituring ang Aking mga salita bilang totoo at huwag magduda. Pinahahalagahan ninyo ba ang Aking mga salita? Sa iyong sarili wala kang magagawa, pero hindi ka makapaniwala kung ano ang ginagawa Ko. Ano ang masasabi sa gayong tao? Sa pagiging tahasan, para bang hindi Ko kailanman nilikha kayo, na ibig sabihin, hindi ka nararapat sa lahat ng aspeto na maging taga-serbisyo para sa Akin. Lahat dapat maniwala sa Aking mga salita! Lahat dapat sumailalim sa pagsubok—hindi Ko hahayaan ang sinuman na makalusot. Siyempre, maliban ito sa yaong mga naniniwala. Tiyak na tatanggap ng pagpapala Ko ang mga taong naniniwala sa Aking mga salita, na ibibigay sa’yo ayon sa kung ano ang pinaniniwalaan mo, at matutupad sa’yo. Aking mga panganay na anak! Ngayon, sinisimulan Kong ibigay sa inyo lahat ng Aking pagpapala. Sisimulan ninyong iwaksi lahat ng kinasusuklamang gapos ng laman paunti-unti: pag-aasawa, pamilya, pagkain, pananamit, pagtulog, lahat ng likas na sakuna (hangin, araw, ulan, nangangagat ng unos, ang hapis ng ulan ng niyebe, at lahat ng iba pang kinamumuhian ninyo). Maglalakbay kayo sa dagat, sa lupa, at sa himpapawid na hindi naaakpektuhan ng limitasyon ng kalawakan, panahon, o heograpiya, buong-pusong nasisiyahan sa kanilang mga sarili sa Kanyang mapagmahal na yakap, nangangasiwa sa lahat sa ilalim ng Aking mapagmahal na kalinga.Sinong hindi magmamalaki sa mga panganay na anak na nagagawa Kong ganap? Sinong hindi magpupuri sa pangalan Ko dahil sa Aking mga panganay na anak? Bakit nais Ko ngayon na ipakita sa inyo ang napakaraming hiwaga? Bakit hindi sa nakaraan, kundi ngayon? Ito mismo ay isa ring hiwaga, alam mo ba? Bakit hindi Ko sinabi sa nakaraan na ang Tsina ay isang bansa na naisumpa Ko? At bakit hindi Ko ibinunyag yaong mga gumagawa ng serbisyo para sa Akin? Ngayon sinasabi Ko rin sa inyo ito: Ngayon, sa Aking palagay, naisasakatuparan na ang lahat—sinasabi Ko ito ayon sa aspeto ng Aking mga panganay na anak. (Dahil ngayon naghahari na sa tabi Ko ang Aking mga panganay na anak, hindi lang nabubuo, pero talagang naghaharing kasama Ko. Ngayon nasa kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu ang mga tiyak na naghaharing kasama Ko, at ibinubunyag ito ngayon, hindi kahapon, ni bukas.) Ngayon ibinubunyag Ko lahat ng Aking hiwaga sa karaniwang sangkatauhan dahil yaong mga taong nais Kong ibunyag ay naibubunyag na, at karunungan Ko ito. Napasulong na ang Aking gawain sa hakbang na ito: Iyan ay, sa panahong ito dapat Kong ipatupad ang plano ng mga utos ng pangangasiwang napagpasyahan Ko para sa sandaling ito. Kaya nga, iginagawad Ko lang ang angkop na tatak sa Aking mga panganay na anak, mga anak, ang bayan, at ang mga taga-serbisyo, dahil may awtoridad Ako at hahatol Ako at mamumuno Ako na may tungkod na bakal. Sinong nangangahas na hindi masunuring gumawa ng serbisyo para sa Akin? Sinong nangangahas na dumaing sa Alin? Sinong nangangahas na magsabing hindi Ako ang Diyos ng pagkamakatuwiran? Alam Ko, ang inyong maka-demonyong kalikasan ay matagal nang naibubunyag sa Aking harapan: Sa kaninuman na mabuti Ako, nagseselos kayo at kinamumuhian sila. Ito ang ganap na kalikasan ni Satanas! Mabuti Ako sa Aking mga anak—nangangahas ka bang sabihing hindi Ako matuwid? Lubusan Kong masisipa ka palabas. Sa kabutihang-palad gumagawa ka ng serbisyo sa Akin at hindi ngayon ang panahon; kung hindi, Ako ay masisipa ka na palabas!
Uri ni Satanas! Tigilan ang pagiging mababangis! Huwag magsalita pa! Huwag kumilos pa! Nagsisimula nang isagawa ang Aking gawain sa Aking mga piniling anak at bayan, at lumalaganap na sa lahat ng bansa, lahat ng sekta, lahat ng denominasyon, at lahat ng kalagayan ng buhay sa labas ng Tsina. Bakit ba yaong lahat na nagbibigay serbisyo sa Akin ay palaging nababarahan sa espirituwal? Bakit hindi nila kailanman maunawaan ang mga usaping espirituwal? Bakit palagi na hindi gumagawa ang Aking Espiritu sa mga taong ito? Sa pangkalahatan, Hindi maaaring basta gumugol Ako ng napakalaking pagsisikap sa yaong hindi Ko naitadha o napili. Lahat ng Aking nakalipas na pagdurusa, lahat ng Aking matiyagang pagkalinga at pagsisikap ay para sa Aking mga panganay na anak at isang maliit na bahagi ng mga anak at bayan, at higit pa riyan, ang mga ito rin ay alang-alang sa maayos na pagtatapos ng Aking gawain sa hinaharap, upang hindi mahadlangan ang Aking kalooban. Dahil Ako ang marunong na Diyos Mismo, naisasaayos Ko nang wasto bawat hakbang. Hindi Ko pinagsisikapang panatilihin ang sinumang tao (nakatuon ito sa yaong mga hindi napili o naitadhana), at hindi Ko basta na lang pinababagsak ang sinumang tao (nakatuon ito sa mga pinili at itinadhana): Ito ang Aking utos ng pangangasiwa, na walang sinumang makakabago! Sa yaong mga kinamumuhain Ko, malupit Ako; sa yaong mga minamahal Ko, binabantayan Ko sila at ipanagsasanggalang sila. Kaya naman, ginagawa Ko ang sinasabi Ko (sinong pinipili Ko, ang pinili; sinong itinadhana Ko, ang itinadhana; ang mga ito ang Aking mga kalakaran na naisaayos Ko bago ang paglikha).
Sinong makakabago ng Aking puso? Maliban sa Akin na kumikilos ayon sa mga planong ginagawa Ko gaya ng nais Ko, sinong nangangahas na kumilos nang padalus-dalos at hindi sumunod sa Aking utos? Ang mga ito ang Aking mga utos na pangangasiwa, at sinong mangangahas na alisin ang isa man sa mga ito mula sa Akin? Lahat dapat nasa Aking pag-uutos. Sinasabi ng ilang tao, na nagdurusa nang napakalaki ang taong iyan, at matapat at dalisay na nagsasaalang-alang ng Aking puso, pero bakit hindi siya hinirang? Ito rin ay Aking utos na pangangasiwa. Kung sinasabi Ko na sinuman ay tulad ng puso Ko, kung gayon ang taong iyan ay tulad ng puso Ko at isang minamahal Ko; kung sinasabi Ko na ang sinuman ay isang anak ni Satanas, kung gayon ang taong iyan ang isang kinamumuhian Ko. Huwag manuyo kahit kanino! Talaga bang mahahalata mo siya? Lahat ng mga ito ay pinagpapasyahan Ko. Palaging anak ang isang anak, at palaging Satanas si Satanas, na ibig sabihin, hindi nagbabago ang kalikasan ng tao. Malibang baguhin Ko sila, lahat ay susundan ang kanilang sariling uri at kailanama’y hindi magbabago!
Ibinubunyag Ko sa inyo ang Aking mga hiwaga habang umuunlad ang Aking gawain. Ngayon, sa aling hakbang napaunlad ang Aking gawain, talaga bang alam ninyo? Talaga bang susunod kayo sa pangunguna na Aking Espiritu upang gawin kung ano ang ginagawa Ko at sabihin kung ano and sinasabi Ko? Bakit Ko sinasabi na ang Tsina ang isang bansa na naisumpa Ko? Unang-una, nilikha Ko ang mga Tsino ngayon sa Aking imahe. Wala silang espiritu, at sa pasimula napasama sila ni Satanas at hindi mailigtas. Kaya nagalit Ako sa mga taong ito at sinumpa sila. Pinaka-kinamumuhian Ko ang mga taong ito, at nagagalit Ako kapag nababanggit sila dahil sila ang mga anak ng malaking pulang dragon. Mula rito makapag-iisip ang isa sa kapanahunan kung saan ang mga bayan ng mundo ay nasakop ang Tsina. Ganito pa rin ito ngayon, at itong lahat ang naisumpa Ko—ang Aking pinaka-makapangyarihang paghatol laban sa malaking pulang dragon. Bilang panghuli, gumawa Ako ng isa pang uri ng mga tao, sa loob nila itinadhana Ko ang Aking mga panganay na anak, mga anak, bayan, at yaong mga nagbibigay serbisyo para sa Akin, kaya kung ano ang ginagawa Ko ngayon malaon Ko ng isinaayos na gawin. Bakit yaong nasa kapangyarihan sa Tsina ay paulit-uli na inuusig at sinisiil kayo? Dahil ito sa hindi natutuwa ang malaking pulang dragon sa Aking sumpa at tinututulan Ako. Pero sa ilalim mismo ng ganitong uri ng pag-uusig at pagbabanta na ginagawa Kong ganap ang Aking mga panganay na anak upang magbigay ng isang malakas na ganting pagsalakay laban sa malaking pulang dragon at sa mga anak nito. Pagkatapos aayusin Ko sila. Pagkatapos ng pakikinig sa Aking mga salita, talaga bang nauunawaan ninyo ang kahalagahan ng Aking pagpayag sa inyo na maghari kasama Ko? Kapag sinasabi Ko na ang malaking pulang dragon ay lubusang naitapon sa kamatayan nitoWhen I say that the great red dragon has been utterly cast down to its death, ito rin ang panahon kung kailan ang Aking mga panganay na anak ay maghahari kasama Koit is also the time when My firstborn sons reign with Me. Ang pang-uusig ng malaking pulang dragon sa mga panganay na anak ay nagbibigay ng maraming serbisyo para sa Akin, at kapag ang Aking mga anak ay maygulang at mapapangasiwaan ang mga kalagayan sa Aking tahanan, sa gayon ang masasamang alipin, (mga taga-serbisyo) ay sisipain sa tabi. Dahil ang Aking mga panganay na anak ay makakapaghari na kasama Ko at maipatutupad na ang Aking mga layunin, Aking, isa isang, itutulak ang mga taga-serbisyo sa lawa ng apoy at asupre: Anuman ang mangyari, kailangan nilang umalis! Lubusan Kong nababatid na ang uri ni Satanas ay gusto rin magtamasa ng Aking mga pagpapala, at hindi hangad na bumalik sa ilalim ng sakop ni Satanas, pero mayroon Akong mga utos ng pangangasiwa kung saan lahat ay dapat sumunod at dapat na maisakatuparan, at walang hindi kabilang dito. Pagkatapos, sasabihin Ko sa inyo ang Aking mga utos na pangangasiwa sunod-sunod, baka magkasala kayo.
Magrekomenda nang higit pa:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus