Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

22 Oktubre 2019

Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Hindi nauunawaan ng maraming tao kung bakit, yamang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos kapag dumating Siya para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tatawaging ang Panginoong Jesus? Sa katunayan, ang Diyos ay may bagong pangalan sa tuwing may ginagawa Siyang isang yugto ng Kanyang gawain. Ang bagong pangalang ito ay tinataglay ng Diyos Mismo ayon sa kaangkupan sa gawain—hindi ito isang bagay na itinatawag sa Kanya ng mga tao ayon sa gusto nila. Ang pangalan na tinataglay ng Diyos sa bawat yugto ng gawain ay may batayan sa Biblia. Ang pangalan ng nagbalik na Panginoong Jesus ng mga huling araw ay matagal nang ipinropesiya sa Biblia. Sinabi ni Isaias, “At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng PANGINOON” (Isa 62:2). Sa Aklat ng Pahayag, sinabi rin na “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo.… Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:7, 12). “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6). Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ng Kapanahunan ng Kaharian ay ang ganap na katuparan ng mga propesiya ng Aklat ng Pahayag. Ang pangalang tinataglay ng Diyos sa bawat kapanahunan ay may malalim na kahulugan at napakalapit ng kaugnayan nito sa gawain ng Diyos sa kapanahunang iyon. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga hiwagang kaugnay nito nang sabihin Niyang, “Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan.” ( “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

“‘Jehova’ ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang alay sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya upang muling isilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at nagpapahiwatig ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat panahon at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang ‘Jesus’ ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, at saka, ay kailanma’y di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang tinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring bumigkas nang maliwanag sa Aking buong disposisyon at sa lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa panahon ng iba-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo mula sa mga dulo ng mundo, sagana sa Aking buong disposisyon, at puno ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian.” (“Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malinaw na sinabi ng Makapangyarihang Diyos na may mahalagang isinasagisag sa pangalang tinataglay ng Diyos sa bawat kapanahunan: Kinakatawan ng bawat isa ang gawain ng Diyos at ang disposisyon na ipinapahayag Niya sa kapanahunang iyon. Noong Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova upang ipahayag ang Kanyang mga batas at mga kautusan at gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa; noong Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos ang pangalang Jesus upang gawin ang pagtubos sa sangkatauhan; at sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos, ginagawa Niya ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos upang dalisayin, baguhin, at iligtas ang tao. Binabago ng Diyos ang kapanahunan gamit ang Kanyang pangalan, at ginagamit ang pangalang ito upang kumatawan sa gawain ng kapanahunan. Noong ginawa ng Diyos na Jehova ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, tanging sa pananalangin sa pangalan ni Jehova at sa pagsunod sa Kanyang mga batas at mga kautusan na maaaring pagpalain at ingatan ng Diyos ang mga tao. Sa pagsapit ng Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Diyos ang pangalang Jesus upang gawin ang gawain ng pagtubos, at ang dapat lang gawin ng mga tao ay tanggapin ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, at manalangin para sa pagsisisi sa pangalan ng Panginoon, upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan at matamasa ang katotohanan at biyayang ipinagkaloob ng Panginoong Jesus. Kung ang mga tao ay nakakapit pa rin sa pangalan ni Jehova at tumangging tanggapin ang Panginoong Jesus, kung gayon nawala sa kanila ang pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at nahulog sila sa kadiliman, na isinusumpa at pinarurusahan ng Diyos tulad ng mga Fariseong Judio. Sa pagdating ng mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos para isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos. Tanging sa pagtanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sa pagsunod sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, at pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos, maaaring maunawaan at makamit ng mga tao ang katotohanan, mahiwalay sa kasalanan, mapadalisay, at matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Lahat ng mga ayaw tumanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at tumatanggi sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay walang kakayahang palayain ang kanilang sarili mula sa gapos ng kasalanan, at habam-panahong hindi magiging marapat na makapasok sa kaharian ng langit.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?