Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala kay Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkilala kay Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

28 Oktubre 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "May Isang Diyos Lamang"

Sa loob ng dalawanlibong taon, ang teoryang teolohiko ng Trinidad ay nakita bilang isang pangunahing doktrina ng pananampalatayang Kristiyano. Pero, talaga bang isang Trinidad ang Diyos? Ano ba, mismo, ang relasyon sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu? Wala pang sinuman ang malinaw na nakakasagot sa mga tanong. Isang araw, nag-post ng isang tanong si Brother Zhang sa online discussion group ng iglesia niya: Talaga Bang Umiiral ang Trinidad? Ang tanong na ito ang nagsimula ng matinding debate sa gitna ng mga mananampalataya, at pagkatapos ay tinalakay at pinagbahaginan nina Zheng Xun at Li Rui ang tanong na ito. Ano ang kongklusyon nila? Mangyaring tamasahin ang crosstalk na May Isang Diyos Lamang.

Rekomendasyon: Bantayan ang Bahay na Ito

26 Oktubre 2019

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ano ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Gawain ng Espiritu?

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ano ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Gawain ng Espiritu?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao.

22 Oktubre 2019

Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Hindi nauunawaan ng maraming tao kung bakit, yamang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos kapag dumating Siya para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tatawaging ang Panginoong Jesus?

19 Abril 2019

Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo


Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subali’t hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung nagbibigay-pansin ka lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos.

14 Marso 2019

Tanong 3: Nasusulat na, “Ngayon, ay wala nang anomang hatol sa lahat ng na kay Cristo….” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sagot: Akala n’yo basta’t nananalig ang isang tao kay Jesucristo, na kay Jesucristo na siya. Ideya ng tao ‘yan. Ang “mga na kay Cristo Jesus” ay hindi tumutukoy sa lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus Karamihan sa mga tao na nananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pupurihin ng Diyos, sabi nga ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sa mga hindi nahirang, ang ilan ay nananalig lang sa Panginoon para pansamantalang makinabang sa kanilang pananampalataya; ang ilan naman ay hindi minahal ni sinunod ang katotohanan kailanman; ang ilan ay gumagawa pa ng kasamaan para kalabanin ang Diyos. Lalo na ang mga pinuno ng mga relihiyon, halos lahat sila ay sumusunod sa yapak ng mga Fariseo; mga anticristo silang lahat. Ang ilan sa kanila ay nananalig lang sa Diyos sa pangalan; wala silang pananalig. Sabi mo, lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus na; walang katuturan ang mga salitang ‘yon. “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus….” Aling grupo ng mga tao ang tinutukoy nito talaga?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?