Panalangin sa Diyos | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw
Tian Ying
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.
Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.
Dati akong mananampalataya sa Three-Self Church sa Tsina. Nang magsimula akong sumali sa mga pagtitipon doon, madalas sabihin sa amin ng mga pastor na: “Mga kapatid, nakatala sa Biblia na: ‘Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Tayo ay itinuring na matuwid dahil sa ating pananampalataya. Sapagkat naniniwala tayo kay Jesus, tayo ay naligtas. Kung naniwala tayo sa anumang iba pa, kung gayon hindi tayo naligtas….” Pinanghawakan ko ang mga salitang ito ng mga pastor. Bilang resulta, masugid kong itinuloy at aktibong dinaluhan ang mga pagtitipon habang hinintay ko ang Panginoon na dumating at papasukin ako sa kaharian ng langit. Nang maglaon, habang ang mga di-makatuwirang gawa ay patuloy na nangyayari sa iglesia, naramdaman ko ang pagkasuya sa mga pagtitipon doon. Una sa lahat, sa gitna ng mga pastor sila ay hati at hiwalay, bawat isa ay sumusubok na itayo ang kanilang mga sarili sa ibabaw ng pangkat at magtayo ng sariling mga kaharian. Ikalawa, ang mga pangaral mula sa mga pastor ay kailangang sumunod sa United Front Work Department (UFWD). Nasa sa kanila ang desisyon kung ano ang maaaring pag-usapan, at wala kahit isa ang nagtangka na sumalungat sa kanila. Ang UFWD ay hindi sila pinayagan na pag-usapan ang Aklat ng Pahayag dahil sa takot na magagambala nito ang kilalang sentimyento, kaya ang mga pastor ay hindi ito ipinangaral. Ang mga pastor ay madalas ipangaral ang tungkol sa donasyon, na nagsasabing kapag mas maraming mag-abuloy ang isang tao, mas maraming biyaya silang matatanggap mula sa Diyos…. Kaya nang makita ko na ang mga ito ay ang kalagayan sa iglesia naramdaman ko na para akong naguluhan: Bakit nagbago ang iglesia sa ganitong kasalukuyang anyo? Hindi ba naniniwala ang mga pastor sa Panginoon? Bakit hindi sila natatakot sa Panginoon? Bakit hindi sila sumusunod sa salita ng Panginoon? Mula ng puntong iyon hindi ko na ginusto na magpunta sa mga pagtitipon sa Three-Self Church, sapagkat naramdaman ko na hindi sila totoong naniniwala sa Diyos, na umakto sila sa pangalan ng paniniwala sa Diyos upang makamtan ang pinaghirapang ipunin na pera mula sa kapatiran.
Sa ikalawang bahagi ng 1995, umalis ako sa iglesia nang walang pag-aalinlangan at sumama sa isang iglesia sa bahay (kaanib ng pananampalatay lamang). Sa simula naramdaman ko na ang kanilang mga pangaral ay hindi sakop ng pagbabawal ng pambansang gobyerno, at isinama pa nila ang Aklat ng Pahayag at pinag-usapan ang mga huling araw at ang pagbabalik ng Panginoon. Lumusong din sila nang mas malalim sa ibang mga paksa na kanilang ipinangaral kumpara sa Three-Self Church, at naramdaman ko na may mas malaking kawilihan sa pagtitipon dito kumpara sa pagtitipon sa Three-Self Church, na lubos na nagpasaya sa akin. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan ko na dito rin kabilang sa mga kasama sa gawain ay may ilan na naging mainggitin, nakipagtalo sa mga bagay at ninais paghiwa-hiwalayin ang grupo. Wala sa mga kapatiran ang namumuhay ayon sa pangangailangan ng Panginoon, wala na ang pagmamahal na mayroon sila nung nakalipas…. Nang makita ko na ang iglesia na ito ay walang anumang totoong pagkakaiba sa Three-Self Church ako ay nakaramdam ng pagkadismaya, ngunit hindi ko rin alam kung saan ako maaaring magpunta upang makatuklas ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Sa kakulangan ng mas mainam na pagpipilian, ang tangi ko lang magagawa ay ang manatili sa mga kaanib na ito ng pananampalataya lamang. Gaya noon, nagpunyagi ako sa pagdalo ng mga pagtitipon sapagkat sinabi lahat ng mga pastor at mangangaral na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” at “hangga’t isinasagawa mo ang pagtitiyaga hanggang sa huli, pagpapagal para sa Diyos at ipagtanggol ang paraan ng Panginoon sa gayon magagawa mong makapasok sa kaharian ng langit.” Patuloy kong iniisip sa sarili ko ng oras na iyon: Hindi alintana kung paano ang ibang tao, hangga’t nagpupunyagi ako sa aking pananampalataya sa Panginoong Jesus at hindi umaalis mula sa daan ng Panginoon, sa gayon kapag bumalik ang Panginoon magkakaroon ako ng pagkakataon na madala sa kaharian ng langit.
Sa isang kisap-mata ay nasa ikalawang bahagi na agad ng 1997, at ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay napalaganap na kung nasaan kami, at ang iglesia ay napunta sa isang magulong tagpo. Si pinunong Li ay sinabi sa amin: “Sa panahong ito isang grupo ang lumitaw na nagpapalaganap ng Silanganang Kidlat, sila ay nagpupunta sa bawat lugar nagnanakaw ng mga tupa mula sa iba’t-ibang sekta, at sinasabi nila na ang Panginoong Jesus ay nakabalik na at ipinapatupad Niya ang isang bagong yugto ng gawain. Ang Panginoong Jesus ay napako sa krus para sa atin, binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay upang tubusin tayo. Tayo ay naligtas na, kailangan lang nating matiyagang maghintay hanggang sa huli, at kapag ang Panginoon ay bumalik tayo ay tunay na madadala sa kaharian ng langit. Kaya, kailangan natin bigyan ng pansin at hindi natin lubos na matatanggap ang mga taong ito sa Silanganang Kidlat. Kung sino man ang tumanggap sa kanila ay matitiwalag mula sa iglesia! Gayundin, kailangan kang makasiguro na hindi makinig sa anumang sasabihin nila, at kailangan kang makasiguro na hindi babasahin ang kanilang aklat….” Wari ko na ang mga kasama sa gawain sa lahat ng antas ay pinag-uusapan lahat ang tungkol sa mga bagay na ito sa halos bawat pagtitipon. Pagkatapos makinig sa kanila, naramdaman ko ang hindi tugma na mga ideya na hindi sinasadyang lumitaw sa loob ko tungkol sa Silanganang Kidlat. Naramdaman ko na kailangan kong magbantay laban sa kanila at sanayin ang malaking pag-iingat, sapagkat natatakot ako na ako ay mananakaw ng Silanganang Kidlat at mawala ang aking pagkakataon na pumasok sa kaharian ng langit.
Gayunman, ang bagong taon ay nagsimula pa lang noong 1998 nang isang araw hindi ko inaasahang makatagpo ko ang isang tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at magkaroon ng kapalaran ng pakikinig sa paraan ng Silanganang Kidlat sa unang pagkakataon. Nang araw na iyon, ang aking nakatatandang kapatid na babae ay tinawagan ako at inanyayahan sa kaniyang bahay. Inanyayahan din niya si kapatid na Hu mula sa kaniyang baryo upang magpunta din, at nang makita niya ako ay ngumiti siya at sinabi: “Oh mabuti at nagpunta ka, isang malayong kamag-anak ko na isang mananampalataya ay dadalaw, tayo ay magtipon nang magkakasama.” Ako ay masayang tumugon: “Sige, pakiusap papuntahin mo rin siya.” Hindi nagtagal, si kapatid na Hu ay bumalik kasama ang kaniyang kamag-anak. Nang makita kami ng kapatid na babae binati niya kami nang may sigla. Bagaman hindi ko pa siya nakilala noon nakaramdam ako ng parang pagkakalapit sa kaniya. Pagkatapos naming lahat umupo, ang kapatid na babae ay nagsimulang magsalita. Sinabi niya: “Mayroong malawak na paghihinagpis sa iglesia sa panahong ito. Ang mga mangangaral ay walang anumang bago na kanilang ipapangaral, at sa bawat pagtitipon kapag hindi nila pinag-uusapan kung paano labanan ang Silanganang Kidlat, lahat ay puro pakikinig sa mga tape at kumakanta ng mga awitin. Ito ang mga pagtitipon. Ang mga kapwa manggagawa ay lumalago nang may paninibugho laban sa isa’t-isa at napupunta sa mga alitan, sila ay nagsasabwatan at nakikipagsapakatan, silang lahat ay lubos na matuwid sa sarili at lahat ay tumatanggi na sundin ang bawat isa; ang mga kapatiran ay negatibo at mahina, at sila ay walang pananampalataya at pagmamahal. Marami ang iniwan ang Panginoon upang bumalik sa mundo para lumikha ng pera.” Sa kaibuturan ko gayundin ang naramdaman ko, at habang tumatango ako sinabi ko sa kapatid na babae: “Ganito parehas kung saan din ako dumadalo. Noon mayroon kaming dalawampu hanggang tatlumpung katao sa aming buwanang pagpupulong, ngunit ngayon mayroon lamang iilang mga nakatatanda, maging ang mga mangangaral ay nagpunta sa mundo upang lumikha ng pera! Wala ng kasiyahan na makukuha sa mga pagpupulong.” Ang kapatid na babae ay tumango at sinabi: “Ang ganitong uri ng sitwasyon ay hindi lang sa ilang mga iglesia, ito ay isang malawak na pangyayari sa buong relihiyosong mundo. Ito ay nagpapakita na ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi na matatagpuan sa loob ng iglesia, kaya ang mga labag sa batas na gawain ay palaging magpapatuloy na lumabas. Ito ay senyales ng pagbabalik ng Panginoon. Ito ay parang tulad ng pagwawakas ng Kapanahunan ng Kautusan, nang ang templo ay naging lugar ng pagbebenta ng paghahayupan at palitan ng pera. Ito ay dahil ang Diyos ay itinigil na ang pagsasagawa ng Kaniyang gawain sa templo. Sa halip, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Panginoong Jesus upang isagawa ang bagong yugto ng gawain sa labas ng templo.” Ako ay nakinig nang mabuti at tumango nang madalas. Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Kapatid, sa Lucas 17:24-26 sinasabi nito: ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito. At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.’ Paano mo ipakahulugan ang mga linyang ito ng Kasulatan?” Sandali ko itong inisip nang seryoso, at sinabi ko nang may alangan na ngiti: “Kapatid, hindi ba ang mga linyang ito mula sa Kasulatan ay tumutukoy sa pagdating ng Panginoon?” Tumugon ang kapatid na babae, na nagsasabing: “Ang mga linyang ito mula sa Kasulatan ay pinag-uusapan ang pagdating ng Panginoon, gayunman, hindi nila pinag-uusapan ang tungkol sa Panginoong Jesus na dumating nang panahong iyon. Sa halip, tumutukoy sila sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw. Kung saan sinasabi nito ‘Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito,’ ito ‘at’ ay nagpapatunay na ang Panginoon ay magbabalik. Kapatid, ngayon mismo ang pananampalataya ng mga mananampalataya sa iglesia ay nanlamig, sila ay negatibo at mahina. Ito ay dahil sa ang Diyos ay naging katawang-tao muli upang isagawa ang isang bagong yugto ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay kumikilos pasulong, at lahat ng hindi sumusunod sa bagong gawain ng Diyos ay mawawalan ng gawain ng Banal na Espiritu….” Sa sandaling narinig ko ang kapatid na babae na sinabi na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na agad kong nahulaan na kabilang siya sa Silanganang Kidlat, at ang puso ko ay agad lumubog. Ang ngiti sa aking mukha ay nawala rin habang ang mga salita mula sa aking mga pinuno na nagsara agad ng iglesia ay nagsimulang lumutang sa paligid ng aking ulo: “Ang maniwala kay Jesus ay ang maligtas, ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman! … Huwag tanggapin ang mga iyon mula sa Silanganang Kidlat! …” Habang iniisip ko ang mga salitang ito mula sa aking mga pinuno nais ko na magmadaling umuwi. Ngunit nang ang ideyang ito ay sumagi sa aking isipan naliwanagan ako ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-alala ng isang talata mula sa isang awit: “Si Jesus ang ating kanlungan, kapag mayroon kang mga kaguluhan itago sa Kaniya, kapag ang Panginoon at ikaw ay magkasama ano ang kailangan mong katakutan?” Ito iyon! Kung ang Panginoon ay nasa aking tabi ano ang kailangan kong ikatakot? Ang mga bagay na aking kinatatakutan ay hindi nagmumula sa Diyos, ito ay nagmumula kay Satanas. Sa puntong ito, sinabi ng kapatid na babae: “Kung sinuman ang may katanungan, sige lang, at ibahagi ito, ang salita ng Diyos ay kayang lutasin ang lahat ng mga problema at mga paghihirap na mayroon tayo.” Nang marinig ko ang kapatid na babae na sinabi ito, naisip ko sa sarili ko: Sana ay hindi ka malito sa aking mga tanong! Ngayong araw nais kong marinig ang tungkol sa kung ano talaga ang naipangaral sa Silanganang Kidlat, na kayang nakawin palayo ang napakarami sa “mabuting tupa.”
Habang iniisip ko ang tungkol dito, nagsimula akong magtanong: “Ang ating mga pinuno ay madalas sinasabi na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa atin, at binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay upang tubusin tayo, kaya tayo ay naligtas na. Gaya ng nakatala sa Kasulatan: ‘Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Sapagkat tayo ay naligtas na minsan tayo ay naligtas magpakailanman, hangga’t ipinapakita natin ang pagtitiyaga hanggang sa huli at hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon, sa gayon tayo ay talagang madadala sa kaharian ng langit. Ito ang pangako na ginawa ng Panginoon sa atin. Kaya, hindi natin kailangan tumanggap ng anumang bagong gawain na ipinapagawa ng Diyos.”
Pagkatapos akong marinig na sinabi ito, ang kapatid na babae ay ngumiti at sinabi sa akin: “Maraming mananampalataya ang nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay napako na sa krus para sa kanila, at sapagkat binayaran na Niya ang halaga ng Kaniyang buhay sila ay natubos at sila ay naligtas. Iniisip nila na ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman, at ang kailangan lang nila gawin ay ang ipakita ang pagtitiyaga hanggang sa huli, hintayin ang pagbabalik ng Panginoon kung kailan sila ay talagang madadala sa kaharian ng langit, at hindi nila kailangan tumanggap ng anumang bagong gawain na ipinapagawa ng Diyos. Ngunit ang ganito bang paraan ng pag-iisip ay talaga bang tama o hindi? Naaayon ba talaga ito sa kalooban ng Panginoon? Sa totoo, ang ideyang ito na ‘ang maligtas minsan at maligtas magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon tayo ay madadala sa kaharian ng langit’ ay pagkaintindi at imahinasyon lamang ng tao, ito ay karaniwang hindi naaayon sa salita ng Panginoon. Ang Panginoong Jesus ay hindi sinabi kahit minsan na ‘ang mga naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.,’ bagkus, Sinabi Niya, ‘kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). Ang ‘maligtas’ at ‘gawin ang kalooban ng Ama na nasa langit’ ay magkaibang bagay. Kapag nagsabi tayo ng ‘ang maligtas para sa iyong pananampalataya,’ itong ‘pagiging ligtas’ ay tumutukoy sa pagpapatawad sa iyong mga kasalanan. Ito ay para sabihin na, kung ang isang tao na nararapat malagay sa kamatayan ayon sa kautusan, ngunit lumapit sila sa Panginoon at nagsisi, tinanggap ang biyaya ng Panginoon at pinatawad sila ng Panginoon sa kanilang mga kasalanan, kung gayon itong taong ito ay mahihiwalay mula sa kumbiksyon ng kautusan, hindi na sila malalagay sa kamatayan ayon sa kautusan. Ito ang totoong kahulugan ng ‘pagiging ligtas.’ Ngunit ang maligtas ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay nahiwalay mula sa kasalanan at nalinis. Alam natin na ito ay taos pusong totoo sa pamamagitan ng karanasan. Bagaman tayo ay nanampalataya sa Panginoon sa loob ng maraming taon, madalas inaamin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nagsisisi, at nawiwili din sa galak at kaligtasan ng pagpapatawad sa ating mga kasalanan, tayo ay madalas pa ring hindi sinasadya na magkasala, tayo ay nagagapos ng ating mga kasalanan. Ito ay katotohanan. Halimbawa: Ang ating kayabangan, katusuhan, pagiging makasarili, kasakiman, kasamaan at iba pang bahagi ng ating tiwaling disposisyon ay patuloy na umiiral; tayo ay nawiwili pa rin na ituloy ang takbo ng mundo, at ang kayamanan at kasikatan, at mga kaluguran ng laman. Tayo ay kumakapit sa mga makasalanang kaluguran, hindi magawa na palayain ang ating mga sarili. Upang maingatan ang ating mga personal na interes nagagawa din natin madalas na magsabi ng mga kasinungalingan at linlangin ang ibang tao. Kaya, ang ‘maligtas’ ay hindi nangangahulugan na ang isang tao na natamo ang ganap na kaligtasan. Ito ay katotohanan. Gaya ng sinabi ng Diyos: ‘Kayo’y mangagpakabanal; sapagkat ako’y banal’ (1 Pedro 1:16). Ang Diyos ay banal, ngunit kaya ba Niyang hayaan ang mga taong madalas nagkakasala at lumalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Kung naniniwala ka na silang naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit, bakit sinabi din ng Panginoong Jesus ang sumusunod na mga salita? ‘Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasan’ (Mateo 7:21-23). Bakit sinabi na kapag bumalik ang Panginoon ay paghihiwalayin Niya ang mga kambing mula sa mga tupa at ang trigo mula sa mga pangsirang damo? Naniniwala kami na ito ay ganap na walang kabuluhan upang sabihin na ‘silang naligtas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit!’ Ito ay ganap na lumilihis mula sa mga salita ng Panginoong Jesus! Ito ang mga salita na lumalaban sa nasa Panginoon! Kaya, kung hindi tayo tumanggap at manampalataya sa salita ng Panginoon, bagkus hawakan ang mga kamaliang naikalat ng mga pastor at mga nakatatanda, kapag umasa tayo sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon sa ating pananampalataya sa Diyos, sa gayon hindi natin kailanman magagawang matamo ang kinakailangan ng Diyos, at hindi natin magagawa na madala sa kaharian ng langit”
Ako ay nag-isip-isip sa mga salita ng kapatid na babae at naramdaman na ang kaniyang sinabi ay may malaking katuturan, kaya ako ay naupo at tahimik na nakinig …
Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni't ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng tronong Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa huling mga araw, ngunit paano Siya bababa? Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus-napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa'yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”
Ang kapatid na babae ay nagpatuloy sa pagbabahagi: “Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos makikita natin na bawat yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos ay isinagawa ayon sa pangangailangan ng tiwaling lipi ng tao. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, wala ng lakas ang tao upang makipagbuno sa paglaya mula sa mga gapos ng kasalanan dahil sa mga tukso at katiwalian ni Satanas. Ang tao ay nagkasala sa mga kautusan ni Jehova at naharap sa panganib ng pagbato hanggang mamatay at masunog ng apoy ng langit. Mahal ng Diyos ang lipi ng tao. Nagkatawang-tao Siya upang maging katulad ng makasalanang laman, at Siya ay napako sa krus upang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Kaya, hangga’t nanampalataya tayo sa Panginoong Jesus ikaw ay maliligtas. Hindi na naaalala ng Panginoon ang ating mga kasalanan. Maaari tayong magpunta nang tuwiran sa Diyos at manalangin sa Kaniya, at mawili sa kasaganaan ng biyayang ipinagkaloob Niya. Bagaman tayo ay naligtas, hindi nito pinapatunayan na tayo ay walang kasalanan. Tayo, ang lipi ng tao, ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon. Ang lason ni Satanas ay umugat nang malalim sa loob natin, ito ay naging ating buhay; ito ay naging ating kalikasan. Tayo ay nakontrol ng kahambugan at kayabangan, panlilinlang at kabaluktutan, pagiging makasarili at paghamak, at sakim at masamang kalikasan ni Satanas. Nagagawa pa rin natin na madalas magsinungaling, manlinlang at magkasala sa paglaban sa Diyos. Ito ang ugat ng paulit-ulit na buhay ng patuloy na nagkakasala at saka nagsusumamong maysala ng mga ito. Kaya, ang Diyos, batay sa mga pangangailangan ng tiwaling lipi ng tao at plano ng pamamahala ng Di0yos para sa pagliligtas ng lipi ng tao, ay dumating upang isagawa ang isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw para humatol at magkastigo sa tao upang linisin siya at baguhin ang kaniyang tiwaling disposisyon, upang sa huli ang mga tao na natamo ang kaligtasan at naging perpekto ay maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung kumakapit pa rin tayo sa hinagap na ‘ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman,’ sa gayon tayo ay tumatanggi na tanggapin ang gawain ng Diyos sa paghahatol sa mga huling araw. Kung gayon, ang lason ni Satanas na nasa ating dugo ay hindi kailanman malilinis, at hindi natin kailanman matatamo ang kaligtasan ng Diyos, huwag man lamang banggitin ang pagdala sa kaharian ng langit. Ang mga kahihinatnan na ito ay napakaseryoso. Kaya, ngayon, sa mga huling araw na ito, ang tao ay maaari lamang lumayo mula sa Kapanahunan ng Biyaya at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Doon lang magiging lubusang malinis ang tao, matatamo ang kaligtasan ng Diyos at mapunta sa isang mabuting destinasyon.”
Habang ako ay nakikinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, naisip ko sa aking sarili: Oo, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay binigkas nang napakapraktikal, napatawad lamang tayo talaga sa ating mga kasalanan, ngunit ang kalikasan ng ating mga kasalanan ay nananatili. Ang tiwaling disposisyon na ito ay hindi nalutas, kaya hindi kataka-taka na sa panahon nitong mga nakaraang taon ako ay nakapamuhay ng buhay kung saan nagkakasala ako sa araw ngunit umaamin ng kasalanan sa gabi. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay inalis ang gapos sa mga isyung ito sa aking isipan na nagpabigat sa akin sa maraming taon. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang may katotohanan sa kanila na maaaring hangarin. Maaari kaya na ang Makapangyarihang Diyos talaga ay ang pagbabalik ng Panginoon? Kailangan ko talagang tingnan ito nang wasto …
Unti-unti kong inaalis ang mga bantay na inilagay ko laban sa kapatid na babae, ngunit habang iniisip ko na tingnan ang mga bagay na napag-usapan, isang malakas at nagmamadaling pagkatok ang nagmula sa pinto. Si kapatid na Hu ay nagmadali na buksan ang pinto, at pinapasok ang isang pastor na sumalakay sa kwarto. Tiningnan niya ako, at kasunod na tiningnan ang kapatid na babae na nagpapalaganap ng kaharian ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos, at saka niya sinabi sa akin sa isang tono na may pagtataka at galit: “Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag magpunta sa paligid at makinig sa mga estranghero na nangangaral? Paano mo nagawa na tumakbo pa rito at makinig sa kanila? Umuwi ka ngayon din, huwag ka na makinig sa kanila o ikaw ay malilinlang at magiging huli na para sa iyo na magsisi!” Pagkatapos ng pastor na pagalitan ako saka siya lumingon upang takutin ang kapatid na babae: “At kayo na mga tao na nagpapalaganap ng Silanganang Kidlat, wala kayong ibang ginawa kundi magpunta sa aming iglesia at nakawin ang mga tupa! Umalis kayo ngayon din, kung hindi kayo aalis hindi ako magiging napakagalang!” Ang makita ang pastor na tratuhin ang kapatid na babae sa ganitong paraan ay nagparamdam sa akin ng lubos na pagkainis, kaya sinabi ko sa kaniya: “Pastor, ang kapatid na babae na ito ay may ilang magagandang bagay talaga na sasabihin, at naaayon ito sa Biblia. Nararamdaman ko na ganap na posible talaga na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoon. Bakit hindi mo pagbigyan na makinig, at saka tayo magdesisyon. Bukod dito, hindi ba sinasabi ng Biblia na ‘Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagkat sa pamamagitan nito ang iba’y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel’ (Hebreo 13:2)? Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangang magkaroon ng pagmamahal, hindi natin dapat tratuhin ang tao sa ganitong paraan. Ang madaliin ang kapatid na babae na ito tulad nito, hindi ba ito lumalabag sa mga turo ng Panginoon?” Pagkatapos akong marinig ng pastor na sabihin ito isinigaw niya sa akin: “Ano ang iyong nauunawaan? Kami na naniniwala kay Jesus ay ligtas na, hindi namin kailangan na maligtas muli! Dumating sila dito upang nakawin ang mga tupa, huwag ninyo silang tanggapin!” Sa oras na ito ang kapatid na babae na nagpapalaganap ng ebanghelyo ay ngumiti at nagsabi: “Lahat tayo ay naghihintay para sa pagbabalik ng Panginoon, bakit hindi tayo umupo at mag-usap? Kapag nalampasan natin ang pagkakataon pagsisisihan natin ito nang lubusan….” Hindi na hinintay na matapos magsalita ang kapatid na babae, ang pastor ay nagsimulang itulak siya palabas, na nagsasabing: “Huwag kang magsalita, kahit na may mas mabuti kang sasabihin hindi pa rin ako makikinig sa kanila! Umalis ka ngayon din!” At gaya lang niyan, ang pastor ay ginawa ang lahat upang itulak, hilahin at isumpa ang kapatid na babae upang paalisin siya sa bahay. Pagkatapos makaalis ng kapatid na babae, ang pastor ay bumalik upang takutin ako: “Magmadali kang umuwi. Mula ngayon hindi ka na pinapayagan na makipag-ugnayan sa mga tao mula sa Silanganang Kidlat. Kung hindi, ikaw ay mapapatalsik mula sa iglesia, at kapag nangyari ito hindi ka kailanman magkakaroon ng pagkakataon na matanggap ang papuri ng Diyos at pumasok sa kaharian ng langit….” Nang oras na iyon narinig ko na ang pagbabahagi ng kapatid na babae, naunawaan ko na ang Panginoong Jesus ay iniligtas lamang kami, hindi Niya kami nilinis, sapagkat sa pagbabalik lamang ng Panginoon upang isagawa ang Kaniyang gawain ng paghatol ay ang gawain ng paglilinis sa tao maisasagawa. Kapag hindi natanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang tiwaling disposisyon ng tao ay hindi magbabago at hindi niya magagawa na matamo ang kaligtasan ng Diyos. Kaya, ang mga salita ng pastor ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa akin, kinailangan ko lang na harapin ang nangyari at tumango, pagkatapos ako ay umuwi.
Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? ... Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.
Sa unang oras sa umaga ng sumunod na araw, nagdesisyon ako na magpunta sa tahanan ng Kapatid na Hu at hanapin ang kapatid na babae na nagpalaganap ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos upang makapagpatuloy kami sa pakikipagsamahan. Sino ang mag-aakala, na bago pa man ako lumabas ng pinto si Kapatid na Hu ay dinala ang kapatid na babae sa aking bahay. Nang oras na iyon naalala ko na nararamdaman kong ang Panginoon ay ginabayan sila na gawin ito. Pagkatapos pumasok ng kapatid na babae, una niya akong tinanong nang may malasakit kung nagambala ba ako o hindi ng pastor kahapon. Walang pag-aalinlangan kong sinabi: “Hindi, pagkatapos ng samahan kahapon, bumalik ako dito at maingat na pinag-isipan ang lahat, at napagtanto ko na hindi talaga tayo basta malilinis sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus, ang ating karumihan at kasamaan ay mananatili, at kasama iyon hindi natin matatamo ang kaligtasan ng Diyos. At ito pa, nabasa ko rin ang isang talata sa Biblia na humula talaga na ang Panginoon ay babalik upang isagawa ang Kaniyang gawain sa paghatol sa mga huling araw. Ang bagay na pinakanais kong malaman ngayon ay: Ano ba talaga ang gawain ng paghatol na isasagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay parehas na maglilinis at magbabago ng tao?”
Sinabi ng kapatid na babae na may kagalakan na: “Salamat sa Diyos! Ang katanungan na iyong itinanong ay talagang napakahalaga, sapagkat may kinalaman ito sa mahalagang paksa kung paano ang pananampalataya natin sa Diyos ay talagang hahayaan tayo na matamo ang kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit. Tingnan muna natin kung paano ito sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na: “Nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama't matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”
Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, ang kapatid na babae ay nagpatuloy sa pagbabahagi: “Sa pamamagitan ng salita ng Diyos nauunawaan natin na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay gumagamit ng maraming aspeto ng katotohanan upang ilantad ang tao at suriin ang tao, at ang gawain na ito ng paghatol ay naisagawa gamit ang Kaniyang matuwid at makaharing disposisyon na hindi mapipigilan ng kasalanan ng tao. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang ipahayag ang diwa at katotohanan tungkol sa katiwalian ng tao, at hatulan ang ating mala-satanas na kalikasan na lumalaban sa Diyos at nagtataksil sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasan sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos iba’t-ibang uri ng ating katiwalian ang nalilinis, gaya ng pagkakaron ng saganang pagkaintindi at imahinasyon tungkol sa gawain ng Diyos, o pagturing sa ating sariling pagkaintindi bilang katotohanan sa ating pagsuri sa gawain ng Diyos, upang hatulan natin ang Diyos, kondenahin ang Diyos at labanan ang Diyos ayon sa gusto natin; bagaman naniniwala tayo sa Diyos wala talaga tayong pagkakaiba sa mga hindi mananampalataya, parehas nating hinahabol ang katanyagan at kapalaran, pumapayag na magbayad anumang halaga para rito, ngunit wala kahit isang tao ang nabubuhay upang magbigay kasiyahan sa Diyos; tumitingin din tayo sa maraming bagay na may mga pananaw na hindi naaayon sa Diyos, gaya ng ating paniniwala na hanggang naniniwala tayo sa Panginoon tayo ay maliligtas, at kapag dumating ang Panginoon tayo ay madadala sa kaharian ng langit, kung saan ang totoo sinasabi talaga ng Diyos na tanging sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos magagawa ng tao na pumasok sa kaharian ng langit. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang mga tiwaling disposisyon na ito, maling paraan ng pag-iisip at mga patakaran ni Satanas sa pamumuhay ay malilinis at magbabagong anyo, at mas tunay na susundin natin ang Diyos, at kasabay nito, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, magagawa rin natin na makilala na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi mapipigilan ng kasalanan ng tao, mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, magkakaroon tayo ng paggalang sa Diyos, malalaman natin kung paano gawin ang mga bagay upang matamo ang papuri ng Diyos, at magagawa natin na maayos na maisagawa ang ating mga tungkulin. Sa pamamagitan ng pagdanas at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mas mauunawan natin ang katotohanan. Halimbawa: Malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na makamtan ang kaligtasan; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng sumunod sa Diyos at mahalin ang Diyos; malalaman natin kung ano ang ibig sabihin ng sumunod sa kalooban ng Diyos. Habang nakakamit natin ang pagpasok sa katotohanan sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, ang ating mga tiwaling disposisyon ay mababagong lahat sa iba’t-ibang antas, at ang ating mga pananaw sa buhay at mga sistema ng pagpapahalaga ay magbabagong anyo din. Ito ang gawain ng paghatol at pagkastigo na isinasagawa ng Diyos sa atin, matatawag mo rin ito na mapagmahal na kaligtasan ng Diyos. Kaya, tanging sa pamamagitan ng pagtanggap ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos magagawa natin na matanggap ang katotohanan, pagkatapos lamang nito natin magagawa na makawala mula sa kasalanan at malilinis at matatamo ang kaligtasan. Kapatid na babae, nagagawa mo bang tanggapin ang pagbabahaging ito?”
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapatid na babae, nagawa kong maunawaan ang gawain ng Diyos at ang Kaniyang kalooban. Bilang resulta, tumango ako, lubhang naantig ang damdamin, at sinabi ko: “Salamat sa Diyos, sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pamamagitan ng iyong pagbabahagi, dumating ako sa pagkaunawa na sa mga huling araw ginagamit ng Diyos ang katotohanan ng Kaniyang salita upang isagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao. Ang mga nakaraan kong paghabol ay napakalabo, ang mga ito ay hindi praktikal, ngunit ngayon nauunawaan ko na sa pamamagitan lang ng pagtanggap ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw na ang tao ay magagawang linisin ng Diyos at matamo ang kaligtasan upang siya ay makapasok sa kaharian ng langit. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus! Ako ay malugod na tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang ang aking tiwaling disposisyon pagdating ng araw ay mababago.” Habang siya ay nakikinig sa akin sa pagsasabi ko nito, ang kapatid na babae ay masayang ngumiti, at patuloy na nagbigay ng kaniyang pasasalamat sa Diyos.
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pinalaya ako sa mga pagkaintindi na mayroon ako sa aking isipan, at ipinakita nila sa akin ang daan sa pagtapon ng aking mga tiwaling disposisyon at sa pagiging malinis. Naramdaman ko na mayroon akong malinaw na daan upang bumaba sa paghabol sa pagtamo ng kaligtasan, at ang pakiramdam ng aking espiritu ay maliwanag at matibay, na parang ito ay napalaya. Habang tumitingin ako sa labas ng aking bintana naramdaman ko na ang himpapawid ng araw na iyon ay malinaw at maaraw. Ako aynapabagsak sa lapag at nanalangin sa Diyos: “O Diyos, ibinibigay ko ang pasasalamat sa Iyo, sapagkat biniyayaan Mo ako sa pamamagitan ng pagpapahintulot Mo na makilala Kita sa aking buong buhay! O Diyos, naniniwala ako sa Iyo, at nananabik ako sa Iyong pagdating nang sa gayon ay matanggap ko ang Iyong kaligtasan. Ngunit ako ay bulag at ignorante, sapagkat naniwala ako sa mga sabi-sabi na ikinalat ng mga pastor at nakatatanda, pinanghawakan ko ang aking pagkaintindi at imahinasyon, at halos mawala ko ang aking walang hanggang kaligtasan! O Diyos, ako ay lubhang ignorante at manhid! Ako ay malugod na nagsisisi, at pinahahalagahan ko itong lubos na bihirang pagkakataon na matamo ang kaligtasan. Malugod din ako na magdadala sa mga kapatid na lalaki at babae sa Iyong presensya na hindi pa lumalapit sa Iyo upang matamo nila ang kaligtasan! Siya nawa!”