Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

09 Abril 2019

Anong mga tao ang inililigtas ng Diyos? Anong mga tao ang Kanyang inaalis?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.

mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay muli, na nakikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita. Kayang mabuhay muli ng ilang tao, at ang ilan ay hindi; nababatay ito kung kayang maligtas o hindi ang kanilang kalikasan. Maraming tao ang nakarinig na nang marami sa mga salita ng Diyos ngunit hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, narinig nila ang maraming salita ng Diyos ngunit wala pa ring kakayahang ilagay sa pagsasagawa ang mga ito, wala silang kakayahang isabuhay ang anumang katotohanan at sadyang hinahadlangan din ang gawain ng Diyos. Wala silang kakayahang gumawa ng anumang gawain para sa Diyos, hindi nila kayang magtalaga ng anumang bagay sa Kanya, at palihim din nilang nilulustay ang salapi ng iglesia, at kumakain nang libre sa tahanan ng Diyos. Patay ang mga taong ito, at hindi sila maliligtas. Inililigtas ng Diyos ang lahat ng nasa piling ng Kanyang gawain. Subalit may bahagi sa kanila ang hindi makakatanggap ng Kanyang pagliligtas; maliit na bilang lang ang makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, dahil masyado nang patay ang karamihan sa mga tao, masyado na silang patay na hindi na sila maaari pang iligtas, ganap silang pinagsamantalahan ni Satanas, at sa kalikasan, ay sobrang sama ng kanilang budhi.

mula sa “Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Palaging nagagawang perpekto ng Diyos yaong mga naglilingkod sa Kanya. Hindi Niya sila pinalalayas nang pagayon-gayon lamang. Kung tunay na tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang iyong mga lumang relihiyosong pagsasagawa at alituntunin, at hihinto sa paggamit ng mga lumang relihiyosong paniwala bilang panukat ng salita ng Diyos ngayon, sa gayon lamang magkakaroon ng hinaharap para sa iyo. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung itinuturing mo pa rin bilang kayamanan ang mga iyon, sa gayon walang paraan na maliligtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan.

mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong nakahandang magsagawa ng salita ng Diyos, at sila yaong nakahandang magsagawa ng katotohanan. Yaong mga tunay na magiging saksi para sa Diyos ay yaon ding nakahandang magsagawa ng Kanyang salita, at sila yaong talagang maninindigan sa panig ng katotohanan. Yaong mga gumagamit ng panlilinlang at gumagawa ng kawalang katarungan ay mga taong walang katotohanan lahat at lahat sila'y nagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nasa iglesia na nakikibahagi sa mga pagtatalo ay mga tagasunod ni Satanas, at mga kinatawan ni Satanas. Ang ganitong uri ng tao ay masyadong malisyoso. Yaong mga walang pagkaunawa at mga hindi makapanindigan sa panig ng katotohanan ay naghahangad lahat ng masamang mga intensiyon at dinudungisan ang katotohanan. Ang mga taong ito ay higit na lalong karaniwang mga kinatawan ni Satanas; sila at malayo sa pagtubos at karaniwang mga bagay na aalising lahat. … Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ay maliligtas sa pagtatapos at gagawing perpekto sa pamamagitan ng katotohanan. Yaong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan sa katapusan ay aakit ng kawasakan sa pamamagitan ng katotohanan. Ito ang mga katapusan na naghihintay sa kanila na nagsasagawa ng katotohanan at yaong mga hindi nagsasagawa.

mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto. Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, yaong mga hindi umiinom at kumakain ng salita ng Diyos, yaong mga hindi pumapansin sa salita ng Diyos, at yaong mga walang anumang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso—ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring gawing perpekto. Yaong mga nag-aalinlangan sa Diyos na nagkatawang-tao, yaong mga nananatiling hindi nakatitiyak tungkol sa Kanya, yaong mga hindi kailanman naging seryoso tungkol sa salita ng Diyos, at yaong mga palaging nililinlang ang Diyos, ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at kay Satanas—walang paraan upang gawing perpekto ang gayong mga tao.

mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at partikular na "magalang makitungo" sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang ninyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at isa ka sa mga bihasang "makipagsosyalan," masasabi Kong isa ka sa tiyak na ipinagwawalang-bahala ang Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng pagdadahilan at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi Kong lughang kinasusuklaman mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang nagaatubiling di-maibahaging pinagkakatiwalaan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim-nangangahulugan, iyong paghihirap-sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi Ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga tao na makakaligtas kinalaunan sa pamamagitan ng kapahingahan ay lahat napagtitiisan ang araw ng pagdurusa at nakasasaksi rin para sa Diyos; sila ay ang mga taong nakatapos ng kanilang tungkulin at hinahangad na makasunod sa Diyos. Yaong mga nais lang gamitin ang pagkakataon na gumawa ng serbisyo upang maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ang hindi makakayang manatili. … Kung totohanang magagawa ninuman ang kanyang sariling tungkulin, kung gayon mangangahulugan ito na sila ay walang hanggang tapat sa Diyos at hindi naghahanap ng mga gantimpala, hindi alintana kung tumatanggap sila ng mga biyaya o nagdurusa ng kasawian. Kung ang mga tao ay tapat sa Diyos kapag nakikita nila ang mga biyaya ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila makakita ng mga biyaya at sa katapusan ay hindi magawang sumaksi sa Diyos at hindi pa rin magawa ang kanilang tungkulin ayon sa nararapat, ang mga taong ito na minsang naglingkod sa Diyos nang tapat ay wawasakin pa rin. Sa madaling salita, ang masasamang tao ay hindi makakaligtas tungo sa walang-hanggan, at hindi rin sila makakapasok sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid lang ang mga panginoon ng kapahingahan.

mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ganitong mga tao ay walang¬ pag-unawa sa bagong gawain ngunit puno ng mga paniwala. Sila ay walang silbi sa iglesia; sa halip, sila ay gumagawa ng panunulsol at nagkakalat ng mga pagka-negatibo, nakikibahagi pa sa lahat ng paraan ng masamang asal at kaguluhan sa iglesia, at sa gayon ay nililito at tinataranta ang mga taong walang mga pagtatangi. Ang mga buhay na demonyong ito, ang mga masasamang espiritung ito ay dapat lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon, dahil baka pahirapan ang iglesia bilang resulta. Maaaring hindi ka natatakot sa gawain sa ngayon, ngunit hindi ka ba natatakot sa matuwid na parusa ng bukas? Maraming mga tao sa iglesia na mga manghuhuthot, pati na rin ang malaking bilang ng mga lobo na naghahanap upang gambalain ang likas na gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay mga demonyo na ipinadala ng Diablo at mababagsik na mga lobo na naghahanap upang silain ang tapat walang katusuhang mga kordero. Kung ang mga tinatawag na mga taong ito ay hindi mapatalsik, kung gayon sila ay magiging mga linta sa iglesia at mga gamu-gamo na kumakain ng mga handog. Itong mga kasuklam-suklam, mangmang, mahalay, at karima-rimarim na uod ay malapit nang maparusahan!

mula sa “Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Ang gawain na ginagampanan ng Diyos ay para sa kaligtasan niyaong mga mabubuting tao na taos-pusong naniniwala sa Diyos at hinahanap ang Diyos; ito ay para sa yaong mga handang hanapin ang katotohanan at pagkamatuwid at nagagawang matanggap ang tunay na daan; ito ay para sa yaong mga mayroong konsensiya at katuwiran at nakahandang tuparin ang mga tungkulin para sa tahanan ng Diyos; ito ay para sa yaong mga mayroong katuturan, iniibig ang katotohanan, at handang magbigay at tumulong sa iba; ito ay para sa yaong mga matapat at mapagkakatiwalaang mga tao; ito ay para sa yaong mga tumutupad sa kanilang salita at may magandang reputasyon. Ang karamihan sa mga taong ito na pumapasok sa tahanan ng Diyos ay makatatanggap ng pagliligtas ng Diyos.

mula sa “Kailangan Dapat Labagin ng Isang Tao ang mga Prinsipyo Kapag Nangangaral ng Ebanghelyo” sa Annals of Fellowship and Work Arrangements (I)

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?