Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

31 Oktubre 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)


Mga Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan

Ipinropesiya sa Biblia, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” Inihahatid sa inyo ng bahaging Mga Salita ng Diyos ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga huling araw. 

01 Agosto 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos-Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos



Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala.

13 Marso 2019

Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sinong magsasakdal laban sa mga hirang ng Dios? Siya ay ang umaaring-ganap. Kaya sino nga ang hahatol?” Patunay ‘yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, manggagaway, nakikiapid, mamamatay-tao, at sumasamba sa diosdiosan maging sa mga umiibig at gumagawa ng kasinungalingan”? (Pahayag 22:15). Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid?

26 Enero 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng DiyosAng Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan.

21 Nobyembre 2018

katotohanan, tumalima, Kaalaman, pananampalataya sa Diyos, Mga Pagbigkas ni Cristo

Kidlat ng SilangananAng Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos


Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos.

02 Nobyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan



Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan


Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

26 Oktubre 2018

Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos


Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang pananampalataya sa Diyos , gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay.

08 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6)


Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6) Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon.

16 Oktubre 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan

Panalangin-praktikal, pananampalataya sa Diyos, Biblia,Boses/tinig

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Kautusan ng Bagong Kapanahunan


Kayo ay sinabihan na ihanda ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hindi alintana kung ano ang inayos para sa inyo, ang lahat ay binalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—ang mga ito ay walang silbi. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katotohanan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kamalian? Maraming kamalian ang makikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, kayo ay hindi makalalampas sa mga pagsubok na katulad ng “mga tagapaglingkod”, na walang kakayahang mag-isip o makalampas sa ibang kapinuhan na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Karamihan sa nangangailangan ng inyong pagsasagawa ay nangangailangan din ng inyong pagsunod. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat sumunod sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sundin ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang isagawa. Hayaan ninyong gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay wala ngunit isang kailangang gawin ng tao, at dapat sundin dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi ngayon ang Kapanahunan ng kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong lugar at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang himig at mga hangad ng pananalita ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anong nagpapahayag ng pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sundin ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sundin ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanilang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sundin ang tao. Ang mga tuntunin sa nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na kasanayan para isagawa ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nila isinasama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kailangang isagawa ng tao.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?