Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

02 Oktubre 2019

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?

Biblia, buhay, Jesus, Salita ng Diyos, Propesiya,

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian.

01 Oktubre 2019

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Propesiya, panginoon, Panginoong Jesus, buhay, panalangin,

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw


Gawa ni Guoshi

Mga kapatid:

Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay "ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin." Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi.

29 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"


Kidlat ng SilangananMga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao...

15 Disyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Mga Pagsasalaysay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)


Kidlat ng SilangananMga Pagsasalaysay   | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

11 Disyembre 2018

Movie Clips | Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"


Movie Clips | Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"


Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo?

07 Disyembre 2018

Ang Pag-asa ng mga Cristiano | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos


Kidlat ng Silanganan | Ang Pag-asa ng mga Cristiano | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos


I
Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon
gayunpaman, sa mata ng Diyos
sila'y Kanya pa ring nilikha.

05 Disyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Kidlat ng Silanganan | Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol;

29 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang | "Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay"


Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang | "Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay"


Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Isinasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, ipinangangaral Niya ang daan ng pagsisisi. Isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawaing paghatol para linisin ang sangkatauahn,

25 Nobyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

katotohanan, buhay, Daan, Salita ng Diyos, Mga Pagsasalaysay

Kidlat ng Silanganan | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay



Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng mga paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang masamang disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang kakanyahan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawa’t paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng mga bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagiging makapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at makilala itong ginawang-masama-ni-Satanas na sangkatauhan. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang diwa. Ang paggising sa mga diwa nitong ginawang-sukdulang-masama at pinakamalalim-na-nadayang mga tao ay ang tinutumbok ng ganitong uri ng paghatol. Ang tao ay walang diwa, iyan ay, ang kanyang diwa ay namatay nang matagal na at hindi niya nalalaman na may isang langit, hindi nalalaman na mayroong isang Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa?

24 Nobyembre 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Kidlat ng Silanganan| Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay

23 Nobyembre 2018

Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


Tagalog Christian Songs-Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos


I
Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

22 Nobyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Kidlat ng SilangananPagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga.

14 Nobyembre 2018


Kidlat ng Silanganan | Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)


I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.

09 Nobyembre 2018

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan.

08 Nobyembre 2018

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian”

Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian



Paano ninyo nakikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa panahon ng yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagawa nang perpekto. Sa nakaraan, sinabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim.

03 Nobyembre 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"


Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan.

02 Nobyembre 2018

Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan



Kidlat ng Silanganan | Ang Masama ay Dapat Parusahan


Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagka-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos. Mas tinatanggap ninyo ang mga salita ng Diyos dito at ngayon, mas nagagawa ninyong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan.

30 Oktubre 2018


Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan


I
Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.

27 Oktubre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay (II) (Unang bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay (II) (Unang bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa.

26 Oktubre 2018

Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos


Kidlat ng Silanganan | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang pananampalataya sa Diyos , gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay.

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?