Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian”
Paano ninyo nakikita ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa panahon ng yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagawa nang perpekto. Sa nakaraan, sinabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim.
Tanging kapag ang mga tao ay ginagawang perpekto—kapag sila ay nagiging mga banal na binanggit ng Diyos—makararating na ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at mas dalisay sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, paghihimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa iyong loob ay naaalis, kapag ikaw ay napapadalisay, ikaw ay mamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging banal); kapag ikaw ay nagagawang perpekto ng Diyos at nagiging banal, ikaw ay mapapabilang sa Milenyong Kaharian. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ang mga tao ay aasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at lahat ng mga bansa ay mapapasailalim sa pangalan ng Diyos, at ang lahat ay magbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa panahong iyon ang ilan ay tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay fax … gagamit sila ng bawa’t kaparaanan upang makuha ang mga salita ng Diyos, at kayo, rin, ay mapapasailalim sa mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ang mangyayari matapos magawang perpekto ang mga tao. Ngayon, ang mga tao ay ginagawang perpekto, pinipino, nililiwanagan, at ginagabayan sa pamamagitan ng mga salita; ito ay ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ay ang yugto na ang mga tao ay ginagawang perpekto, at ito ay walang kaugnayan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay nagawang perpekto na at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawa’t hakbang, at ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng gawain ng Diyos mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga pagkilos ng Diyos sa bawa’t kapanahunan at bawa’t araw, kung paano Niya pinapatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawaing ginagawa Niya sa espirituwal na kinasasaklawan, at sasabihin sa mga tao ang tungkol sa mga dinamika ng espirituwal na kinasasaklawan. Doon lamang ito magiging tunay na ang Kapanahunan ng Salita; ngayon ay isang maliit na daigdig lamang. Kung ang mga tao ay hindi nagawang perpekto at dalisay, wala silang paraan na mabuhay ng isang libong taon sa lupa, at ang kanilang laman ay hindi-maiiwasang mabulok; kung ang mga tao ay dinadalisay sa loob, at hindi na sila kay Satanas at sa laman, kung gayon sila ay mananatiling buhay sa lupa. Sa yugtong ito ay malabo pa rin ang iyong mata, at lahat ng inyong nararanasan ay ang pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya sa bawa’t araw na nabubuhay ka sa lupa.
Ang “Nakarating Na Ang Milenyong Kaharian”, ay isang propesiya, ito ay kahalintulad sa panghuhula ng isang propeta, na kung saan ang mga propesiya ng Diyos ay kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang mga salita na sinasabi ng Diyos sa hinaharap at ang mga salita na sinasabi Niya ngayon ay hindi pareho: Ang mga salita ng hinaharap ay gagabay sa kapanahunan, samantalang ang mga salita na Kanyang sinasabi ngayon ay ginagawang perpekto ang mga tao, pinipino sila, at pinakikitunguhan sila. Ang Kapanahunan ng Salita sa hinaharap ay naiiba mula sa Kapanahunan ng Salita ngayon. Ngayon, lahat ng mga salita na sinabi ng Diyos—anuman ang paraan kung paano Niya ginagawa ang ganoon—ay, sa kabuuan, upang gawing perpekto ang mga tao, upang dalisayin yaong marumi sa loob nila, at upang gawin silang banal, at matuwid sa harap ng Diyos. Ang mga salitang binibigkas ngayon at ang mga salita na bibigkasin sa hinaharap ay dalawang magkahiwalay na bagay. Ang mga salitang binibigkas sa Kapanahunan ng Kaharian ay upang makapasok ang mga tao sa lahat ng pagsasanay, upang ihatid ang mga tao sa tamang landasin sa lahat ng bagay, upang tanggalin ang lahat ng marumi sa kanila. Ganoon ang ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito: Siya ay lumilikha ng isang saligan ng Kanyang mga salita sa bawa’t tao, ginagawa Niya ang Kanyang mga salita bilang buhay ng bawa’t tao, at ginagamit Niya ang Kanyang mga salita upang liwanagan at gabayan sila sa loob at sa bawa’t sandali, at kapag sila ay hindi maingat sa kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos ay nasa loob nila upang sisihin at disiplinahin sila. Ang mga salita ngayon ay upang maging buhay ng tao, ang mga ito ay tuwirang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ng tao, lahat ng kakulangan mo sa loob ay tinutustusan ng mga salita ng Diyos, at lahat ng mga taong tumatanggap ng mga salita ng Diyos ay naliliwanagan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Ang mga salita na binibigkas ng Diyos sa hinaharap ay gabay sa mga tao sa buong sansinukob; ngayon, ang mga salitang ito ay binibigkas lamang sa Tsina, at hindi kumakatawan ang mga iyon sa mga binibigkas sa buong sansinukob. Magsasalita lamang ang Diyos sa buong sansinukob kapag ang Milenyong Kaharian ay dumarating na. Alamin na ang mga salitang binibigkas ngayon ng Diyos ay lahat upang gawing perpekto ang mga tao; ang mga salita na binibigkas ng Diyos sa yugtong ito ay upang magtustos sa mga pangangailangan ng mga tao, hindi upang hayaan kang malaman ang mga misteryo o makita ang mga himala ng Diyos. Na Siya ay nagsasalita gamit ang maraming kaparaanan ay upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga tao. Ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ay hindi pa dumarating—Ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian na sinasabi ay ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Matapos makumpleto ang gawain ni Jesus sa Judea, inilipat ng Diyos ang Kanyang gawain sa kalakhang-lupain ng Tsina at lumikha ng isa pang plano. Gumagawa Siya ng isa pang bahagi ng Kanyang gawain sa inyo, ginagawa Niya ang gawain ng paggagawang perpekto ng mga tao gamit ang mga salita, at gumagamit ng mga salita upang magsanhi sa mga tao ng sobrang pagdurusa at gayon din makamit ang malaking biyaya ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain ay lilikha ng isang grupo ng mga mananagumpay, at matapos Niyang malikha ang grupong ito ng mga mandaraig, magagawa nilang patotohanan ang Kanyang mga gawa, maisasabuhay nila ang realidad, at aktuwal na magpapasaya sa Kanya at magiging tapat sa Kanya hanggang kamatayan, at sa ganitong paraan ang Diyos ay maluluwalhati. Kapag ang Diyos ay naluluwalhati, kapag nagagawa na Niyang perpekto ang grupong ito ng mga tao, ay magiging ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian.
Si Jesus ay nasa lupa sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, Siya ay naparito upang gawin ang pagpapapako sa krus, at sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus nakamit ng Diyos ang isang bahagi ng kaluwalhatian. Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao nakaya Niyang maging mapagpakumbaba at nakatago, at nakapagtiis ng matinding pagdurusa. Kahit Siya ay ang Diyos Mismo, tiniis pa rin Niya ang bawa’t kahihiyan, at ang bawa’t panlalait, at tiniis Niya ang matinding sakit sa pagkakapako sa krus upang makumpleto ang gawain ng pagtutubos. Matapos ang yugtong ito ng gawain, bagaman nakita ng mga tao na nakamit ng Diyos ang dakilang kaluwalhatian, hindi ito ang siyang kabuuan ng Kanyang kaluwalhatian; ito ay isang bahagi lamang ng Kanyang kaluwalhatian, na Kanyang nakamit mula kay Jesus. Bagaman nagawang tiisin ni Jesus ang bawa’t hirap, na maging mapagpakumbaba at nakatago, na maipako sa krus para sa Diyos, natamo lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, at ang Kanyang kaluwalhatian ay nakamit sa Israel. Ang Diyos ay may isa pang bahagi ng kaluwalhatian: pagparito sa lupa upang aktuwal na gumawa at gawing perpekto ang isang grupo ng mga tao. Sa panahon ng yugto ng gawain ni Jesus, gumawa Siya ng ilang higit-sa-natural na mga bagay, nguni’t ang yugtong iyon ng gawain ay hindi lamang upang magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Iyon ay pangunahing upang ipakita na si Jesus ay maaaring magdusa, at maipako sa krus para sa Diyos, na kaya ni Jesus na magdusa nang matinding sakit dahil mahal Niya ang Diyos, at bagaman inabandona Siya ng Diyos, Siya ay handa pa ring isakripisyo ang Kanyang buhay para sa kalooban ng Diyos. Matapos maisakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel at si Jesus ay ipinako sa krus, ang Diyos ay naluwalhati, at ang Diyos ay nagpatotoo sa harap ni Satanas. Hindi ninyo alam ni nakikita kung paanong naging katawang-tao ang Diyos sa Tsina, kaya’t paano ninyo makikita na ang Diyos ay naluluwalhati? Kapag ang Diyos ay gumagawa ng malaking gawain ng paglupig sa inyo, at kayo ay matatag na naninindigan, kung gayon ang gawaing ito ng Diyos ay matagumpay, at ito ay bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos. Ito lamang ang nakikita ninyo, at hindi pa kayo nagagawang perpekto ng Diyos, hindi pa ninyo lubusang naibibigay ang inyong puso sa Diyos. Hindi pa ninyo nakikita ang kabuuan ng kaluwalhatiang ito; inyo lamang nakikita na nalulupig na ng Diyos ang inyong puso, na hindi ninyo Siya kailanman maaaring talikdan, at susundin ang Diyos hanggang sa katapus-tapusan at hindi magbabago ang inyong puso. Ganyan ang kaluwalhatian ng Diyos. Saan mo ba nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos? Sa mga epekto ng Kanyang gawain sa mga tao. Nakikita ng mga tao na ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig, ang Diyos ay nasa kanilang mga puso, at ayaw nilang iwan Siya, at ito ang kaluwalhatian ng Diyos. Kapag lumalakas ang mga kapatiran sa iglesia, at naiibig nila ang Diyos mula sa kanilang mga puso, nakikita ang kataas-taasang kapangyarihan ng gawa ng Diyos, ang hindi-mapantayang kapangyarihan ng Kanyang mga salita, kapag nakikita nila na ang Kanyang mga salita ay may awtoridad at napapasimulan Niya ang Kanyang gawain sa abandonadong bayan sa kalakhang-lupain ng Tsina, kapag, kahit na mahina ang mga tao, ang kanilang mga puso ay yumuyukod sa harapan ng Diyos at handa nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos, at kung kailan, bagama’t sila ay mahina at hindi karapat-dapat, nakikita nila na ang mga salita ng Diyos ay lubhang kaibig-ibig, at lubhang karapat-dapat sa kanilang pagmamahal, kung gayon ito ay ang kaluwalhatian ng Diyos. Kapag ang araw ay dumarating kung saan ang mga tao ay ginagawang perpekto ng Diyos, at nagagawang sumuko sa harap Niya, at ganap na sumusunod sa Diyos, at iniiwan ang kanilang mga pag-aasam at kapalaran sa mga kamay ng Diyos, kung gayon ang ikalawang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ganap na natamo. Na ang ibig sabihin, kapag ang buong gawain ng praktikal na Diyos ay nakukumpleto, ang Kanyang gawain sa kalakhang-lupain ng Tsina ay darating sa katapusan; sa ibang salita, kapag yaong mga paunang-naitalaga at pinili ng Diyos ay nagagawa nang perpekto, ang Diyos ay luluwalhatiin. Sinabi ng Diyos na nadadala Niya ang ikalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian sa Silangan, gayon pa man ito ay hindi nakikita ng mata. Nadadala ng Diyos ang Kanyang gawain sa Silangan: Siya ay dumarating na sa Silangan, at ito ay kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon, kahit na ang Kanyang gawain ay hindi pa nakukumpleto, dahil nagpasya ang Diyos na gumawa, ito ay tiyak na matutupad. Nakapagpasya na ang Diyos na kukumpletuhin Niya ang gawaing ito sa Tsina, at Siya ay nakapagpasya na kayo ay gagawing perpekto. Kaya’t wala Siyang ibinibigay sa iyong daan palabas—Kanya nang nalulupig ang inyong mga puso, at kailangan mong magpatuloy maging nais mo man o hindi, at kapag kayo ay nakakamit na ng Diyos, ang Diyos ay naluluwalhati. Ngayon, ang Diyos ay hindi pa ganap na naluluwalhati, dahil ikaw ay gagawin pang perpekto, at bagaman ang inyong mga puso ay nakabalik na sa Diyos, marami pa ring mga kahinaan sa iyong laman, hindi mo kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi mo kayang mabigyang-pansin ang kalooban ng Diyos, at marami pang mga negatibong bagay na dapat alisin mula sa iyo.
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan