Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

05 Disyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Kidlat ng Silanganan | Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nais ninuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, dapat muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at hingin sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon para maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng klase ng kapaligirang kinapapalooban ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay; kung nais ninuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, dapat munang magkaroon ang sinuman ng isang simple at tapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, pagpapasyang tiisin ang pagdurusa, determinasyon at tapang na iwasan ang masama, at ang mithiin na maging isang tunay na nilalang…. Sa ganitong paraan, sa unti-unting pagpapatuloy, malalapit kang lalo sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, at ang iyong buhay at halaga ng pagiging buháy ay, kalakip ang iyong pagkakilala sa Diyos, magiging mas makahulugan at magiging mas maningning."

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?