Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

29 Enero 2019

Tanong 6: Sabi mo naparito ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pero sabi ng Panginoong Jesus: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Napaghiganti na ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ang mga tao para sa kanilang mga kasalanan, para sa katuwiran, at para sa paghatol. Sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Panginoon at pagsisisi, sumailalim na tayo sa Kanyang paghatol, kaya ano talaga ang kaibhan sa pagitan ng sinasabi mong gawain ng paghatol sa mga huling araw at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Sagot: Sabi ng Panginoong Jesus, “Gayon ma’y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7-8). Maraming relihiyosong taong naniniwala na ang mga salitang ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya. Naniniwala sila na sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos; ang proseso ng pagtanggap ng mga tao sa Panginoong Jesus at pangungumpisal at pagsisisi sa harap ng Panginoon ay na dumating ang Banal na Espiritu, sinabi sa mga tao ng mundo na pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan, alang-alang sa katuwiran, sa paghatol, at pinagkumpisal at pinagsisi ang mga tao sa Panginoon. Ito ang paghatol ng Diyos. Sa tingin ng mga tao, ang pananaw na ito ay lubhang naaayon sa kanilang mga haka-haka, pero kailangan nating malinawan na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang ibinigay lang Niya sa sangkatauhan ay isang paraan para makapagsisi. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Hindi niya ginawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao; ang Kanyang mga salita na naghahatid ng diwa ng paghatol ay napaamin sa mga tao sa harap ng Panginoon ang nagawa nilang mga kasalanan at magsisi. Gayunman, ang naging resulta lang ng Kanyang gawain at mga salita ay nagkumpisal at nagsisi ang mga tao; hindi nito nagawang hatulan at lubos na padalisayin ang sangkatauhan. Kaya para maging tumpak, nang sabihin ng Panginoong Jesus na: “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol,” tumukoy ito sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw at paggawa ng gawain ng paghatol. Sabi nga ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48). Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi lang para pagkumpisalin at pagsisihin ang mga tao, kundi para mawala ang pinagmumulan ng mga kasalanan nila, ang kanilang likas na kademonyohan at masamang disposisyon, para lubos nilang maiwaksi ang impluwensya ni Satanas at magkaroon sila ng kabanalan. Ito ang gawain ng pagliligtas, pagdadalisay, at pagpeperpekto sa sangkatauhan. Ito rin ang gawain na gantimpalaan ang kabutihan at parusahan ang kasamaan, at wakasan ang kapanahunan. Kaya hindi natin masasabi na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng paghatol, at lalo nang hindi natin maituturing ang gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya na gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, at ipinangaral lang ang landas ng pagsisisi. Ito ay para lang makamtan ang resulta na mangumpisal, magsisi, at bumaling na muli ang sangkatauhan sa Panginoon, kaya napakalimitado ng mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus—mas kaunti pa sa mga ipinahayag sa mga binigkas ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Gaano man karami ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus ay nalalaman sa diwa ng gawaing ginagawa Niya, samantalang nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming salita sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw dahil ang Kanyang gawain ay para lubos na padalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang sangkatauhan. Ito ang gawaing magwawakas sa kapanahunan, kaya ang Kanyang mga salita ay kailangang mas malikhain; nalalaman ito sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para mapadalisay, maligtas, at maperpekto ang sangkatauhan. Ang mga salitang ito ng paghatol ay hindi lang nailantad ang kasamaan ng sangkatauhan at katotohanan ng ating kasamaan, kundi nailantad din ng mga ito ang kasamaan ng lahat ng lahat ng relihiyon at ng buong mundo. Hindi lang nila nabigyan ang lahat ng tao ng isang landas sa isang pagbabago ng disposisyon at pag-unlad sa buhay, kundi nabuksan din ng mga ito ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga ipinagagawa sa sangkatauhan. Hindi lang naihayag ng mga ito ang lahat ng hiwaga ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos kundi ang mas mahalaga pa, naihayag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang angking disposisyon, kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, gayundin ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa. Ang mithiin ng Makapangyarihang Diyos sa pagpapahayag ng napakaraming katotohanan ay para maiwaksi ng mga tao ang impluwensya ni Satanas at magkamit ng kabanalan, at para din makilala, sundin, at mahalin ng mga tao ang Diyos. Bukod pa rito, iyon ay para ihayag ang kahihinatnan at huling hantungan ng bawat uri ng tao. ito lang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Aking sinasabi sa kasalukuyan ay upang hatulan ang mga kasalanan ng mga tao at ang kanilang pagiging hindi matuwid; iyon ay pagsumpa sa pagiging rebelyoso ng mga tao. Ang kanilang panlilinlang at kalikuan, at kanilang mga salita at mga pagkilos, lahat ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang kalooban ay sasailalim sa paghatol, at ang pagiging rebelyoso ng mga tao ay tinukoy na makasalanan. Siya ay nagsasalita alinsunod sa mga panuntunan ng paghatol, at ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon sa pamamagitan ng paghatol sa kanilang pagiging hindi matuwid, pagsumpa sa kanilang pagiging rebelyoso, at pagbunyag sa lahat ng kanilang mga pangit na mukha” (“Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga huling araw, ang gawain ng Diyos ay una sa lahat ay ang paghatol at pagkastigo ng mga salita. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita, higit pa sa kabuuan ng mga salita ng Diyos kapwa sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Nasa gitna ng lahat ng salitang ito ang paghatol at pagkastigo, at lubos nitong inihahayag ang disposisyon ng katuwiran, pagkamaharlika, galit, paghatol, at pagsumpa ng Diyos. Sa pagtataglay lang ng ganitong klaseng disposisyon Niya nagagawang padalisayin at iligtas ang sangkatauhan, gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama, at wakasan ang kapanahunan. Ang gawain lang ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang tunay na gawain ng paghatol. Ibang-iba ito sa gawain ng pagtubos na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Totoo ito na kailangang malinaw na makita ng bawat isang tao na naghihintay sa pagpapakita ng Panginoon.


mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?