Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

30 Enero 2019

Tagalog Christian Movies | Mga Movie Clip | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?



Tagalog Christian MoviesPaano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16).Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.

Rekomendasyon:

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?