Kidlat ng Silanganan|Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan
Kung maaari lamang na talagang lubos na maunawaan ng mga tao ang tamang landas ng buhay ng tao pati na din ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Ang kinabukasan ba at kapalaran ng tao ay hindi talaga ang kasalukuyang inaakala na “mga magulang” ni Pedro? Sila ay katulad lamang ng sariling laman at dugo ng tao. Ang destinasyon, ang kinabukasan ba ng laman ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay, o para sa kaluluwa na makita ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Matatapos ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon tulad ng sa mga kapighatian, o ito ba ay sa nasusunog na apoy?
Hindi ba ang mga tanong na gaya nito na nauukol sa kung ang laman ng tao ay makakatagal sa kasawian o pagdurusa ang pinakamalaking balita na sinuman sa daloy na ito na may utak at nasa kanilang tamang isip ay pinaka-ikinababahala? (Dito, ang pagtitiis ng pagdurusa ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ang pagdurusa ay nangangahulugan na ang mga pagsubok sa hinaharap na makabubuti para sa patutunguhan ng sangkatauhan. Ang kasawian ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang tumayo nang matatag, o nalilinlang; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nakakatagpo ng mga di-kanais-nais na krisis sa gitna ng mga sakuna at ang kanilang buhay ay mahirap na pangalagaan, at na walang naaangkop na patutunguhan para sa kaluluwa.) Ang mga tao ay nasangkapan ng mahusay na katuwiran nguni’t marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na isangkap sa kanilang katuwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo mangmang at pikit-matang sumusunod sa mga bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng ganap na pagkakaunawa sa dapat nilang pasukin, at dapat nilang partikular na uriin kung ano ang dapat pasukin sa panahon ng kapighatian (samakatuwid nga, sa panahon ng pagpipino ng pugon), at kung ano ang dapat na mayroon sila sa pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugan ang laman) na parang mga baboy at mga aso, at masahol sa mga langgam at mga kulisap. Ano ang punto ng paghihirap para dito, pag-iisip nang sobra, pagpapahirap sa iyong mga utak? Ang laman ay hindi sa iyo, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos na hindi lamang nagkokontrol sa iyo nguni’t nag-uutos din kay Satanas. (Orihinal na nangangahulugan na ito ay pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay din ng Diyos, ito ay maaari ding ilagay sa gayong paraan. Dahil ito ay mas mapanghikayat na sabihin sa ganoong paraan—ito ay nagmumungkahi na ang mga tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng sakop ni Satanas, nguni’t nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman, subali’t ang laman ba ay iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit pinag-aabalahang pahirapan ang iyong mga utak dito? Bakit pinag-aabalahang patuloy na pagisipang magsumamo sa Diyos para sa iyong bulok na laman na matagal nang hinatulan at sinumpa, pati na rin nadungisan ng mga maduduming espiritu? Bakit pinag-aabalahan na palaging panatilihin ang mga kasama ni Satanas na malapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, mga kahanga-hangang pag-asa, at ang tunay na patutunguhan para sa iyong buhay?
Ang landas ng kasalukuyan ay hindi madaling lakaran. Maaaring sabihin na ito ay mahirap na dumating at labis na pambihira sa lahat ng panahon. Gayunpaman, sinong mag-iisip na ang laman ng tao lamang ay sapat na upang sirain siya kaagad? Ang gawain ngayon ay tiyak na kasing halaga ng ulan sa tagsibol at kasing halaga ng kabaitan ng Diyos sa tao. Gayunpaman, kung hindi nalalaman ng tao ang layunin ng Kanyang gawain ngayon o nauunawaan ang sangkap ng sangkatauhan, paano pag-uusapan ang kahalagahan at pagiging mamahalin nito? Ang laman ay hindi nabibilang sa mga tao mismo, kaya walang nakakakita nang malinaw kung saan ang aktwal na patutunguhan nito. Gayunpaman, dapat mong malamang mabuti na ibabalik ng Panginoon ng sangkalikhaan, na nilikha, sa kanilang orihinal na katayuan, at panunumbalikin ang kanilang orihinal na imahe mula sa panahon ng kanilang paglikha. Ganap niyang kukuhaning muli ang hininga na Kanyang inihinga sa tao, at kukuhaning muli ang mga buto at laman at isasauli sa Panginoon ng sangkalikhaan. Ganap niyang papagbaguhing-anyo at papalitan ng bago ang sangkatauhan at kukuhaning muli mula sa tao ang buong pamana na orihinal na hindi sa sangkatauhan, nguni’t pag-aari ng Diyos. Hindi na Niya ito ibibigay sa sangkatauhan. Dahil wala sa alinman sa mga bagay na iyon ay orihinal na pag-aari ng sangkatauhan. Kukuhanin niya silang lahat—ito ay hindi isang hindi makatarungang pandarambong, nguni’t ito ay naglalayon na panumbalikin ang langit at lupa sa kanilang orihinal na kalagayan, at na papagbaguhing-anyo at panibaguhin ang tao. Ito ang makatwirang patutunguhan ng tao, bagama’t marahil hindi nito ito muling kukuhanin pagkatapos na kastiguhin ang tao gaya ng ipinapalagay ng tao. Hindi nais ng Diyos ang mga kalansay ng laman pagkatapos ng pagkasira nito, kundi ang mga orihinal na mga elemento sa tao na pag-aari ng Diyos noong simula. Kaya, hindi Niya pupuksain ang sangkatauhan o ganap na lilipulin ang laman ng tao, dahil ang laman ng tao ay hindi isang pribadong pag-aari na pag-aari ng tao. Sa halip, ito ay dagdag ng Diyos, na namamahala sa sangkatauhan. Paano niya pupuksain ang laman ng tao para sa Kanyang “kasiyahan”? Sa oras na ito, talaga bang pinakawalan mo na ang lahat ng iyong laman na hindi man lamang nagkakahalaga ng isang sentimo? Kung maaari mong maintindhan ang tatlumpung porsiyento ng gawain ng mga huling araw (tatlumpung porsiyento lamang, iyon ay pag-unawa ng gawain ng Espiritu Santo ngayon, pati na rin ang gawain ng salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw), kung gayon hindi mo patuloy na “paglilingkuran” o maging “deboto” sa iyong laman kagaya ng ginagawa mo ngayon, na naging tiwali sa maraming mga taon. Dapat mong maunawaan nang lubusan na ang mga tao ay nakasulong na sa isang hindi pa kailanman nagawang kalagayan at hindi na magpapatuloy na umunlad na pasulong tulad ng mga gulong ng kasaysayan. Ang iyong inaamag na laman ay matagal nang nabalutan ng mga langaw, kaya paano ito magkakaroon ng kapangyarihan na baligtarin ang mga gulong ng kasaysayan na pinagana ng Diyos na magpatuloy hanggang sa araw na ito? Paano nito maaaring gawin ang orasan na nitong mga huling araw ay parang pipi na muling tumiktik at patuloy na igalaw ang mga kamay na paikot sa kanan? Paano nito muling babaguhing-anyo ang mundo na mukhang nababalutan ng makapal na ulap? Maaari bang muling pasiglahin ng iyong laman ang mga bundok at mga ilog? Maaari bang ang iyong laman, na may iisa lamang na maliit na tungkulin, ay talagang ibalik na muli ang uri ng mundo ng sangkatauhan na iyong ninanais? Maaari mo ba talagang turuan ang iyong mga inapo na maging “mga tao”? Nakukuha mo na ba ito ngayon? Ano eksakto ang kinabibilangan ng iyong laman? Ang orihinal na intensiyon ng Diyos para sa paggawa sa tao, para gawing perpekto ang tao, at para baguhing-anyo ang tao ay hindi upang bigyan ka ng magandang tinubuang bayan o magdala ng mapayapang pahinga sa laman ng tao. Sa halip, ito ay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian at Kanyang patotoo, para sa mas mabuting kasiyahan ng sangkatauhan sa hinaharap, at upang kanilang ikasiyang magpahinga sa lalong madaling panahon. Lalo pa, hindi ito para sa iyong laman, dahil ang tao ang kapital ng pamamahala ng Diyos at ang laman ng tao ay dagdag lamang. (Ang tao man ay isang bagay na may parehong espiritu at katawan, samantalang ang laman ay isa lamang masisirang bagay. Ito ay nangangahulugan na ang laman ay isang kagamitan para sa plano ng pamamahala.) Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto ng mga tao, paggawang ganap ng mga tao, at pagkakamit ng mga tao ay walang dinala maliban sa mga espada at pagdagok para sa kanilang laman, at nagdala ng walang katapusang pagdurusa, ng pagsusunog ng apoy, walang habag na paghatol, pagkastigo, at sumpa, pati na rin walang hanggang mga pagsubok. Gayon ang kasaysayan sa loob at katotohanan ng ng pamamahala ng tao. Gayunpaman, ang lahat ng mga ito ay naglalayon laban sa laman ng tao, at lahat ng mga dulo ng sibat ng poot ay walang awang nakadirekta sa laman ng tao (dahil ang tao ay orihinal na inosente). Ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, nguni’t ito ay para sa buong plano at upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang ginawa ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinadanas ng mga tao ay mga paghihirap at mga pagsubok ng apoy, nguni’t may napakakaunti o wala man lang matatamis o masayang mga araw na ninais ng laman ng tao, at hindi man nila higit na nagawang tamasahin ang masasayang mga sandali sa laman na ginugugol sa magagandang mga gabing kasama ang Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang anuman kundi ang pagkastigo ng Diyos na hindi pinapaboran ng tao, at na parang nagkukulang sa normal na dahilan. Ito ay dahil Kanyang ihahayag ang Kanyang makatwirang disposisyon na hindi pinapaboran ng tao, na hindi pinahihintulutan ang mga kasalanan ng tao, at kinapopootan ang mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang lahat ng kanyang disposisyon sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim-na-libong taong labanan kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa lahat ng sangkatauhan at ang pagkawasak sa sinaunang Satanas!