Kidlat ng Silanganan|Hindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?
Ano ang pinakaangkop na paraan ng paghahanap sa kasalukuyang landas? Anong uri ng pigura dapat mong makita ang iyong sarili gaya ng sa iyong paghahanap? Dapat mong malaman kung paano haharapin ang lahat ng bagay na sumasapit sa iyo ngayon, maging ito man ay mga pagsubok o pagdurusa, malulupit na pagkastigo o mga sumpa—dapat kang magbigay ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng ito. Bakit Ko sinasabi ang ganito? Sapagkat pagkatapos ng lahat, ang sumasapit sa iyo ngayon ay maiikling pagsubok na sunod-sunod.
Ito marahil ay hindi isang malaking kaigtingan sa iyo kaya hinahayaan mo lang ang mga bagay na magdaan na lamang, hindi itinuturing ito bilang napakahalagang kayamanan para iyong paghahangad sa pagsulong. Masyado kang bulagsak! Tunay na kinukuha mo ang napakahalagang kayamanang ito gaya ng mga ulap na lumulutang sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo pinahahalagahan ang mga maiikling mga pagkakataon ng mga malulupit na paghampas, na tila hindi naman ganoon katindi sa iyo. Malamig ka lamang nagmamasid at hindi mo dinadala ang mga ito sa iyong puso, ngunit nakikita mo lamang ang mga ito na tinatamaan ang isang pader nang paminsan-minsan. Ikaw ay totoong palalo! Nag-aangkin ka lamang ng isang mapanghamak na saloobin tungo sa isang mabangis, paulit-ulit na paglusob, at kung minsan malamig ka pating ngumingiti, ibinubunyag ang isang tingin ng pagwawalang-bahala. Ito ay dahil hindi kailanman inisip ang tungkol sa kung bakit paulit-ulit mong dinadanas ang ganitong uri ng “kamalasan.” Maaari kayang dahil Ako ay hindi makatarungan sa mga tao? Ako ba’y namimintas lamang sa iyo? Bagamat ang iyong pag-iisip ay kasing-seryoso nang pagsasalarawan Ko rito, ipinakikita ng “kalmadong” pag-uugali na iyon nang buong linaw ang panloob na mundo ng iyong puso. Mangyari pa, walang nakatago sa kaibuturan ng iyong puso kundi pagtuligsa na hindi di-pinag-iisipan at walang katapusang mga bahid ng kalungkutan na halos hindi nakikita ng marami. Sapagkat dinanas mo ang ganitong uri ng mga pagsubok kaya nararamdaman mo na masyado itong di-makatarungan, kaya ikaw ay nagpupukol ng mga pagtuligsa sa ganitong paraan. Dahil sa mga pagsubok na ito kaya nararamdaman mo na ang mundo ay totoong mapanglaw, kaya ikaw ay puno ng kalungkutan. Hindi mo nakikita na ang paulit-ulit na paghampas at paulit-ulit na disiplina ay ang pinakamahusay na proteksiyon, bagkus nakikita ito bilang mga pagpukaw ng galit mula sa Langit o angkop na kagantihan sa iyo. Ikaw ay talagang mangmang! Walang awa mong binakuran ang pinakamahuhusay na panahon sa kadiliman, at nakikita mo ang paulit-ulit na magagandang pagsubok at disiplina bilang mga pag-atake mula sa isang kaaway. Hindi mo nagagawang umangkop sa kapaligiran, at lalo pa, hindi ka nakahandang umangkop. Ito ay dahil hindi ka nakahandang magkamit ng anumang bagay mula sa paulit-ulit na pagkastigo na itinuturing mo na malupit. Hindi ka naghahangad o nagsusuri nang mabuti, at ikaw ay sumusuko sa kalooban ng Langit—saan ka man nagtatapos ay doon ka. Hindi binago ng pagkastigo na itinuturing mo na malupit ang iyong puso sa anumang paraan, ni sinakop nito ang iyong puso. Sa halip, ito ay pininsala nito. Itinuring mo lamang itong “malupit na pagkastigo” bilang iyong kalaban sa buhay na ito ngunit wala kang nakakamit. Ikaw ay napaka-makasarili! Madalang mo lamang pinaniniwalaan na ikaw ay sumasailalim sa ganitong uri ng mga pagsubok sapagkat ikaw ay totoong kasuklam-suklam, sa halip, pinaniniwalaan mo na masyado kang kapus-palad at higit sa rito, sinasabi mo na palagi kitang hinahanapan ng mali. Hanggang sa ngayon, gaano karaming pagkaunawa ang totoo mong taglay ukol sa kung ano ang Aking sinasabi at kung ano ang Aking ginagawa? Huwag iisipin na isinilang kang henyo, kaunting-kaunti na lamang at langit na at matayog sa ibabaw ng lupa. Hindi ka mas matalino kaysa sa ibang mga tao, at maaari pang sabihin na ikaw ay nakatutuwang higit na hangal kaysa sa sinumang ibang makabuluhang tao sa lupa sapagkat napakataas ng tingin mo sa iyong sarili; hindi ka nagkaroon kailanman ng anumang pakiramdam ng pagiging mababa. Tila nakikita mo ang lahat ng Aking ginagawa bilang malinaw na kristal. Ang katotohanan ay hindi ka malayo sa isang matinong tao. Ito ay dahil wala kang ideya kung ano ang Aking gagawin, at lalong hindi mo nalalaman kung ano ang Aking kasalukuyang ginagawa. Kaya sinasabi Ko na hindi ka talaga maaaring ihambing sa isang beteranong magsasaka na walang pagkilala sa buhay ng tao ngunit umaasa sa mga pagpapala mula sa Langit para sa pagsasaka. Masyado kang nagwawalang-bahala tungkol sa iyong sariling buhay at ni wala kang alam tungkol sa karangalan, at kulang pa ang iyong kaalamang pansarili. Masyado kang “mataas at makapangyarihan”! Ako ay tunay na nag-aalala tungkol sa paanong matatagalan ng mga palikero o marurupok na dalagang kagaya mo ang mga pag-atake ng mas malaki, maligalig na mga hangin at mga alon? Ang mga palikerong iyon ay walang malasakit tungkol sa uri ng kapaligiran na dumating sa kanila ngayon. Tila ito isang bagay na walang kabuluhan—wala silang pagsasaalang-alang sa mga bagay na ito. Hindi sila negatibo at hindi nila nakikita ang kanilang mga sarili bilang mababa. Sa halip, sila ay pumapasyal-pasyal at naglalakad sa palibot ng “mga abenida” pinapaypayan ang kanilang mga sarili. Walang palatandaan ang mga “kilalang tao” na ito na hindi natututo at walang anumang nalalaman kung bakit Ko sinasabi ang mga bagay na ito sa kanila. Bahagya lamang nilang nakikilala ang kanilang mga sarili kasama ang isang matalim na titig, at pagkatapos noon ang kanilang masasamang paraan ay hindi nagbabago. Pagkatapos nilang lumayo sa Akin patuloy silang agwawala sa mundo at naghahambog at manggagantso. Ang pagpapahayag sa iyong mukha ay napakabilis na nagbabago—nililinlang mo pa rin Ako sa ganitong paraan. Taglay mo ang gayong kapangahasan! At yaong mga maseselang kadalagahan ay talagang nakakatawa. Naririnig nila ang Aking kagyat na mga pagbigkas, nakikita nila ang kapaligiran na kanilang kinaroroonan at wala silang magawa kundi ang umiyak; pinipilipit nila ang kanilang katawan na parang sinusubukan nilang mang-akit. Ito ay talagang kasuklam-suklam! Nakikita niya ang kanyang sariling tayog at nakahiga sa kama at nananatili doon, umiiiyak nang walang humpay, halos hindi na makahinga. Nakikita niya mula sa mga salitang ito ang kanyang sariling pagiging hilaw at pagiging mababa, at pagkatapos noon napuno nang husto ng pagiging negatibo. Siya ay nakatulala, at walang liwanag sa kanyang mga mata; hindi siya nagrereklamo, at hindi niya Ako kinasusuklaman—masyado lamang siyang negatibo na ni hindi man lamang siya kumikilos. Hindi rin siya natututo at walang nalalaman. Pagkatapos niyang lumayo sa Akin muli siyang nagbibiro at mapaglaro, at yaong “tumatawa kagaya ng mga kampanang pilak” at kagaya lamang ng isang “prinsesa ng kampanang pilak.” Ang mga ito ay parehong masyadong marupok at masyadong kulang sa habag sa sarili! Lahat kayo, ang mga sirang produkto sa gitna ng sangkatauhan—kulang kayo masyado sa pagkatao! Hindi ninyo alam ang pag-ibig sa sarili o ang proteksiyon sa sarili, hindi ninyo nauuunawaan ang katuwiran, hindi ninyo hinahanap ang tunay na daan o iniibig ang tunay na liwanag, at lalong hindi ninyo malalaman kung paano pahalagahan ang inyong mga sarili. Itinutulak ninyo nang paulit-ulit ang ukol sa Aking mga salita ng pangangaral sa likod ng iyong isip at ginamit pa ang mga ito para libangan sa iyong bakanteng oras. Palagi ninyong ginagamit ang mga ito bilang inyong sariling “agimat.” Kapag inaakusahan ka ni Satanas, nananalangin ka lamang nang kaunti. Kapag ikaw ay negatibo, natutulog ka, at kapag ikaw ay maligaya takbo ka nang takbo na parang baliw. Kapag ikaw ay Aking pinagsasabihan, tumatango ka at yumuyuko, ngunit kapag iniiwan mo Ako tumatawa ka nang malupit. Sa mga tao palaging ikaw ang pinakamataas at hindi mo kailanman naisip ang iyong sarili bilang pinaka-mapagmataas. Palagi kang mataas at makapangyarihan, masyadong nasisiyahan sa sarili at masyadong arogante. Paano nangyari na ang gayong uri ng “binata,” “dalaga,” “ginoo,” o “ginang” na hindi natututo at walang anumang nalalaman ay tinatrato ang Aking mga salita kagaya ng isang napakahalagang kayamanan? Ikaw ay Akin pang tatanungin—ano ba talaga ang natutuhan mo mula sa Aking mga salita at Aking gawain sa buong panahong ito? Ang iyo bang mga panlalansi ay higit na magaling? Ang iyong laman ay higit na mas sopistikado? Ang iyong saloobin tungo sa Akin ay mas mapanghamak? Sasabihin Ko sa iyo nang prangkahan, ang marami Kong gawaing ito ay totoong ginawa ngayon ang iyong katapangan, na dati ay kagaya lamang ng sa isang daga, na naging mas malaki. Ang iyong takot sa Akin ay nababawasan bawat araw sapagkat Ako ay masyadong mahabagin. Hindi Ako kailanman gumagamit ng marahas na mga pamamaraan para parusahan ang iyong laman. Marahil sa iyong paningin, Ako ay nagsasalita lamang nang may kabagsikan, ngunit kadalasan humaharap Ako sa iyo na mayroong ngiti at hindi kita kailanman pinuna nang harapan. At ito ay pangunahin dahil Ako ay palaging mapagbigay sa iyong mga kahinaan at ito ay nagtulak sa iyo na tratuhin Ako tulad ng pagtrato ng ahas sa mabait na magsasaka. Hinahangaan Ko talaga ang kakayahan ng sangkatauhan sa maingat napagkilatis sa iba—ito ay totoong kapansin-pansin, napakahusay! Sasabihin Ko sa iyo ang katotohanan. Mayroon ka man o walang isang puso ng paggalang sa kasalukuyan ay walang halaga. Hindi Ako kinakabahan o nababalisa, ngunit sasabihin Ko rin sa iyong “henyo” na hindi natututo at walang anumang nalalaman na sa dakong huli ay masisira sa loob ng maliit na katalinuhan iyong sariling paghanga sa sarili. Ikaw ang siyang magdurusa, at ikaw ang siyang kakastiguhin. Hindi Ako magiging napakahangal na ipagpatuloy na samahan ka sa impiyerno at patuloy na magdusa, sapagkat ikaw at Ako at hindi magkaparehong uri. Huwag kalilimutan na ikaw ay isang nilikha na Aking sinumpa, na siyang tinuruan at iniligtas Ko. Wala Akong anumang kinasasabikan. Kahit na kapag Ako ay gumagawa, hindi Ako sumasailalim sa pagmamanipula ng sinumang mga tao, mga pangyayari, o mga bagay. Maaaring sabihin na ang Aking saloobin tungo at pananaw sa sangkatauhan ay palaging nananatiling gaya ng dati. Wala Akong anumang pabor sa iyo sapagkat ikaw ay isang karagdagan sa Aking pamamahala; wala ka talagang taglay na higit na lakas kaysa sa anumang bagay. Pinapayuhan Kita na palaging alalahanin na ikaw ay hindi hihigit kaysa sa isang nilikha! Bagamat namumuhay kang kasama Ko, dapat mong malaman ang iyong katayuan at huwag tingnan ang iyong sarili nang masyadong kataas. Kahit na hindi Kita pinupuna o nakikitungo sa iyo, at hinaharap Kita sa pamamagitan ng isang ngiti, hindi nito pinatutunayan na ikaw at Ako ay magkaparehong uri. Dapat mong malaman na naghahangad ka ng katotohanan, ikaw mismo ay hindi ang katotohanan! Kailangan mong magbago alinsunod sa Aking mga salita anumang oras—hindi mo maaaring matatakasan ito. Aking pinapayuhan ka na matuto ng isang bagay habang ikaw ay nasa gitna ng ganitong kamangha-manghang mga panahon, habang ang madalang na pagkakataong ito ay narito, at huwag mo Akong pagtangkaang linlangin. Hindi mo kailangang gumamit ng papuri para linlangin Ako. Ang inyong paghahanap sa Akin ay hindi lahat para sa Sarili Ko—ito ay para sa iyo!