Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

13 Disyembre 2018

Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos_compressed

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay!

    Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.


    Bago nakilala si Cristo, maaaring naniniwala ka na ang iyong disposisyon ay ganap nang nagbago, maaaring naniniwala ka na ikaw ay isang tapat na tagasunod ni Cristo, at maaaring naniniwala kang pinaka-karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala ni Cristo. Dahil nilakbay mo ang maraming daan, gumawa ng maraming gawain, at nagluwal ng maraming bunga, kaya dapat ikaw ay siyang tumatanggap ng korona sa katapusan. Gayon man ay isang katotohanan ang hindi mo alam: Ang tiwaling disposisyon at paghihimagsik at paglaban ng tao ay nailantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang paghihimagsik at paglaban na nakalantad sa naturang okasyon ay mas ganap at kumpleto kaysa sa anuman. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao at nagtataglay ng normal na pagkatao kung saan hindi Siya pinaparangalan o nirerespeto ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay naninirahan sa katawang-tao upang ang paghihimagsik ng tao ay dinadala sa liwanag nang lubusan at buong-linaw. Kaya sinasabi ko na ang pagdating ni Cristo ay hinukay ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan at ang kalikasan ng sangkatauhan ay maliwanag na nakikita. Ito ay tinatawag na “akitin ang isang tigre pababa ng bundok” at “akitin ang isang lobo palabas ng kuweba.” Masasabi mo bang ikaw ay tapat sa Diyos? Masasabi mo bang nagpapakita ka ng lubos na pagsunod sa Diyos? Masasabi mo bang hindi ka isang rebelde? Sinasabi ng iba: Sa bawat oras na nililikha ng Diyos ang aking kapaligiran, palagi akong sumusunod at hindi kailanman nagrereklamo. Bukod dito, wala akong pinanghahawakan na iba pang mga bagay-bagay tungkol sa Diyos. Sinasabi ng iba: Ang lahat ng mga gawaing ibinibigay sa akin ng Diyos, ay gagawin ko sa abot ng aking kakayahan at hindi ako magiging pabaya. Ngayon, tatanungin ko kayo nito: Maaari ba kayong maging kaayon kay Kristo kapag namuhay kayong kasama Niya? At gaano katagal kang magiging kaayon sa Kanya? Isang araw? Dalawang araw? Isang oras? Dalawang oras? Ang inyong pananampalataya ay kapuri-puri, ngunit wala kayong gaanong katatagan. Kapag tunay kang namumuhay kasama si Cristo, unti-unting malalantad ng iyong mga salita at kilos ang iyong makasariling pagpapahalaga at makasariling katuwiran, at gayun din ang iyong labis na pagnanasa at pagsuway at kawalang-kasiyahan ay likas na isisiwalat. Sa katapus-tapusan, mas lalo kang magiging mapagmataas, at kapag ikaw ay naging hindi kaayon kay Cristo tulad ng tubig sa apoy, ang iyong kalikasan ay ganap na malalantad. Sa oras na iyon, ang iyong iba pang paniniwala ay hindi na maaaring ikubli. Maging ang iyong mga reklamo, ay likas na ipapahayag, at ang iyong kasuklam-suklam na katauhan ay ganap na malalantad. Gayunman, patuloy mong itinatanggi ang iyong sariling paghihimagsik. At naniniwala ka na ang isang Cristong tulad nito ay hindi madaling tanggapin at Siya ay napakahigpit sa tao, at ganap ka lang magpapasakop kung Siya ay iba, isang mas mabait na Cristo. Naniniwala kayo na may isang dahilan para sa inyong paghihimagsik, na kayo ay nagrerebelde lang laban sa Kanya noong binigyan kayo ng pagsubok ni Cristo. Hindi ninyo kailanman napagtanto na hindi ninyo itinuturing bilang Diyos si Cristo, at wala rin kayong intensyong sundin Siya. Bagkus, matigas mong ipinagpipilitan na gumagawa si Cristo alinsunod sa iyong isipan, at sa anumang gawaing hindi pa nagagawa, naniniwala kang hindi Siya Diyos ngunit tao. Wala bang marami sa inyo ang nilabanan Siya sa ganitong paraan? Sino ba ang pinaniniwalaan ninyo? At paano ninyo ito hinahanap?

    Palagi ninyong nais makita si Cristo, ngunit pinapayuhan ko kayo na huwag dakilain ang inyong sarili; maaaring makita ng lahat si Cristo, ngunit sinasabi ko na walang sinuman ang akmang makita si Cristo. Dahil ang kalikasan ng tao ay puno ng kasamaan, pagmamataas, at paghihimagsik, kapag nakita mo si Cristo, ang iyong likas na katangian ay magiging sanhi ng kapahamakan sa iyo at hahatulan ka ng kamatayan. Ang iyong pakikisama sa isang kapatid na lalaki (o kapatid na babae) ay hindi gaanong maipapakita ang tungkol sa iyo, ngunit hindi ganoon kasimple kapag nakikipag-ugnayan ka kay Cristo. Sa anumang oras, maaaring mag-ugat ang iyong mga pagkaintindi, umusbong ang iyong pagmamataas, at mamunga ang iyong paghihimagsik. Paano ka magiging karapat-dapat na iugnay kay Cristo taglay ang naturang pagkatao? Tunay mo ba Siyang maituturing bilang Diyos sa bawat sandali ng bawat araw? Magkakaroon ka ba ng tunay na pagsunod sa Diyos? Sinasamba ninyo ang matayog na Diyos sa inyong mga puso bilang si Jehovah ngunit pinapalagay ang nakikitang Cristo bilang isang tao. Ang inyong katinuan ay masyadong mababa at ang inyong sangkatauhan ay masyadong mababa! Hindi ninyo kaya na habambuhay ituring si Cristo bilang Diyos; sa halip, itinabi Siya at sinasamba niyo lamang Siya bilang Diyos kung kailan niyo lang gusto. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi kong hindi kayo isang mananampalataya ng Diyos, ngunit kasabuwat sa mga taong lumalaban kay Cristo. Kahit na ang mga taong nagpapakita ng kabaitan sa iba ay nagagantimpalaan, ngunit si Cristo na ginagawa ang naturang gawain para sa inyo ay hindi minahal o ginantimpalaan ng tao, at hindi rin Niya natatanggap ang pagsunod ng tao. Hindi ba ito isang pinaka-nakalulungkot na bagay?

    Maaaring sa lahat ng mga taon ng iyong pananampalataya sa Diyos, hindi mo kailanman isinumpa ang sinuman o nakagawa ng masama, ngunit sa iyong pakikipag-ugnay kay Cristo, hindi mo mabigkas ang katotohanan, o sundin ang salita ni Cristo; sinasabi ko ngayon na ikaw ang pinaka-mapanlinlang at pinakamasama sa mundo. Kung ikaw ay talagang magandang-loob at tapat sa iyong mga kamag-anak, mga kaibigan, asawang babae (o asawang lalaki), anak na lalaki at mga anak na babae, at mga magulang, at hindi kailanman nananamantala ng iba, gayunman ay hindi ka maaaring maging kaayon at makipagpayapaan kay Cristo, at kahit na ibigay mo ang lahat ng pag-aari mo sa iyong kapwa o kinalinga nang mabuti ang iyong ama, ina, at kasambahay, sinasabi ko pa ring ikaw ay masama, at may katusuhan din. Huwag mong isipin na ikaw ay kaayon kay Kristo kung ikaw ay kaayon sa tao o gumagawa ng ilang mabubuting gawa. Naniniwala ka ba na ang iyong kagandahang-loob ay maaaring nakawin ang pagpapala ng Langit? Sa tingin mo ba na ang mabuting gawa ay ang panghalili para sa iyong pagsunod? Wala sa inyo ang maaaring tumanggap ng pakikitungo at pagpupungos, at ang lahat ay nahihirapang tanggapin ang normal na pagkatao ni Cristo. Ngunit lagi ninyong inaangkin ang pagsunod sa Diyos. Ang naturang pananampalataya gaya ng sa inyo ay magdadala ng karampatang kagantihan. Itigil niyo ang pagpapasasa sa mga malikhaing ilusyon at nagnanais na makita si Cristo; sapagka’t kayo ay masyadong maliit sa tayog, anupat hindi kayo karapat-dapat na makita Siya. Kapag ganap mo nang naitakwil ang iyong pagrebelde at kaya nang makipagpayapaan kay Cristo, likas na magpapakita sa iyo kung ganon ang Diyos. Kung pupunta ka upang makita ang Diyos nang hindi dumanas ng pagpupungos o ng paghatol, talagang magiging kaaway ka ng Diyos at itatakda sa pagkapuksa. Ang kalikasan ng tao ay likas na salungat sa Diyos, dahil ang lahat ng tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas. Walang kahit anong mabuti ang magmumula sa isang tiwaling tao na nakiki-ugnay sa Diyos. Lahat ng mga aksyon at mga salita ng tao ay tiyak na ilalantad ang kanyang katiwalian; at kapag siya ay iniuugnay sa Diyos, ang kanyang pagrebelde ay ipapahayag sa lahat ng aspeto. Hindi alam ng tao na sinasalungat niya si Cristo, nililinlang si Cristo, at tinatakwil si Cristo; pagkatapos ang tao ay tutungo sa lalong mapanganib na estado. Kung magpapatuloy ito, siya ay masasailalim sa kaparusahan.

    Ang ilan ay maaaring naniniwala na kung may kaugnayan sa Diyos ay mapanganib, sa gayon mas matalino na magpakalayo-layo sa Diyos. Ano, sa gayon, ang matatanggap ng ganyang tao? Sila ba ay magiging tapat sa Diyos? Tunay na ang pakikipagugnayan sa Diyos ay lubos na mahirap, ngunit ito ay lubusan lamang dahil ang tao ay ginawang tiwali at hindi dahil ang Diyos ay hindi maaaring iugnay sa tao. Marahil ay pinakamahusay para sa inyo ang italaga ang mas malawak na pagsisikap sa katotohanan na kilalanin ang sarili. Bakit hindi kayo kinalulugdan ng Diyos? Bakit ang inyong disposisyon ay kasuklam-suklam sa Kanya? Bakit ang inyong mga salita ay nakapandidiri sa Kanya? Pinupuri ninyo ang inyong sarili para sa inyong maliit na katapatan at gusto ng gantimpala para sa inyong maliit na sakripisyo; minamaliit ninyo ang iba kapag nagpapakita kayo ng kaunting pagsunod, nagiging mapanlait sa Diyos kapag nakagawa ng maliit na bagay. Nagnanais kayo ng kayamanan at mga regalo at papuri para sa pagtanggap sa Diyos. Sumasakit ang inyong puso kapag nagbibigay kayo ng isa o dalawang barya; kapag nagbigay kayo ng sampu, gusto ninyo ng mga biyaya at dapat angat sa iba. Ang katauhan katulad ng sa inyo ay talagang napakasakit na pag-usapan o pakinggan. Ano ang kapuri-puri sa inyong mga salita at mga pagkilos? Ang mga taong gumagawa ng kanilang mga tungkulin at mga taong hindi; silang namumuno at mga sumusunod; ang mga tumatanggap sa Diyos at yaong hindi; mga nabibigay at mga taong hindi; mga nangangaral at ang mga tumatanggap ng salita, at iba pa; lahat ng mga naturang tao ay pinupuri ang kanilang sarili. Nakatatawa ba ito para sa inyo? Tiyak na alam ninyong naniniwala kayo sa Diyos, ngunit hindi kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Tiyak na alam ninyong kayo ay hindi karapat-dapat, ngunit nananatili pa rin kayong mayabang. Hindi ba ninyo nararamdaman na ang inyong katinuan ay naging ganon sa puntong wala na kayong kontrol sa sarili? Paano kayo magiging karapat-dapat iugnay sa Diyos nang may ganoong katinuan? Ngayon, hindi ba kayo natatakot para sa inyong mga sarili? Ang inyong disposisyon ay naging gayon ngayon na hindi na kayo maaaring maging kaayon sa Diyos. Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Hindi ba katawa-tawa ang inyong pananampalataya? Paano ka makikitungo sa iyong hinaharap? Paano mo pipiliin ang landas na lalakbayin?

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?