Kidlat ng Silanganan, kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan. |
"Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos." Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
30 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
29 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
Kidlat-ng-Silanganan-kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa “magpasakop sa Aking kapangyarihan.” Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding “alipin”; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong “sambahayan.” Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang “tiyak na digmaan” kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.
|
28 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan, Papuri
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas
Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming mga suwail na anak ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang “gagantihan” Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay “kalahating bukas at kalahating sarado,” at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong “kinokontrol” at hinihiling na ipagkaloob Ko ang “awa” sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang “awa” sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na “ipasa ito” sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.
|
27 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas |
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.”
26 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat
Kidlat-ng-Silanganan-magsisi |
Kidlat ng Silanganan | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagliligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang makibaka at magmadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masamang nilalang, inilayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masamang nilalang, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kainosentehan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang nilalang ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot sa kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na siyang gawan ng altar, sambahin siya, hindi ka mahiwalay na para bang kanyang anino, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang palagay kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masamang nilalang, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang nilalang ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama siya, kumukontra ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakalimutan mo na ang masamang nilalang ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masamang nilalang ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masamang nilalang bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.
25 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Kidlat ng Silanganan -Kristyano
|
Kidlat ng Silanganan | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.
24 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan -Kaharian,
|
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapag pasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.
23 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan -Kaligtasan
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag—ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin-kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipag-tapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa “pananampalataya” sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang “pasanin” sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.
|
21 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan, panalangin
|
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas
Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang nilalang ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit isang tao, o anumang isang nilalang, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang “gantimpala,” at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.
20 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan ,naniniwala
Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas. |
15 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan |Ang Ikalabimpitong Pagbigkas
|
12 Agosto 2017
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas
Kidlat ng Silanganan-biyaya
|
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas
Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kilala ang sarili niya, kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang pagkakilala sa kanyang palad, kahit na ang lahat ng ibang tao ay “nakapasa” at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito tila sinukat niya ang iba hanggang sa kanilang katayuan ng pag-iisip. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay pumasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay lumapit sa Akin muli, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga korderong bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, at saka nagiging tila mga maliliit na ibong lilipad-lipad nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga ng Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi nila, na tila ang Aking mga salita ay abala sa kanila? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, Ko nang nakikitang lumapit ang tao sa akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga tangka ay tapat. Napakaraming beses, Ko nang nakita na ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses, na nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling mga tao, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matutuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapala o paghihirap. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging wagas sa kanilang pagdulog sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaan na pagsubok ng tao ay hindi magdudulot ng paglisan ng kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magdudulot sa kanya ng reklamo laban sa Aking inihanda? Walang sinumang tao ang lubos na nalugod sa espadang taglay ng Aking bibig: Alam lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi tunay na inaalam ang mas malalim. Kung ang mga taong nilalang ay tunay na makikita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa tunay na kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang makikitang bakas kung gaano kahusay ang Aking mga salita, o kung gaano ang kalikasan ng kanilang pagkatao ng nahahayag, at kung gaano kahigit sa kanilang mga katiwalian ang nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at hindi mapagkakatiwalaang saloobin.
Sa loob ng kaharian, hindi lamang ang mga isyung pagbigkas ang galing sa Aking bibig, kundi ang Aking mga paa rin ay naglalakad nang may makaseremonyal saan mang dako ng lupa. Sa ganitong paraan, Ako ay nagtagumpay laban sa lahat ng marumi at karumaldumal na mga lugar, nang sa gayon, hindi lamang ang langit ang nagbabago, kundi pati ang mundo ay nasa proseso ng pagbabago, sa nalalapit na hinaharap, ito ay papanariwain. Sa buong kalawakan, lahat ay nagiging bago ayon sa ningning ng Aking kaluwalhatian, naglalahad ng kagiliw-giliw na anyo na bibihag sa damdamin at mag-aangat sa espiritu, na tila ito ay namamarati sa langit sa kabilang dako pa ng kalangitan, na nabuo sa isip ng tao, hindi nabahiran ni Satanas, at malaya sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas. Sa taas ng kalawakan, ang hindi mabilang na mga bituin ay kukunin ang kanilang nakatakdang lugar ayon sa Aking kautusan, ikikislap ang kanilang liwanag sa buong kalawakan sa mga oras ng kadiliman. Wala ni isang nilalang ang maglalakas-loob na mag-isip ng kasutilan, datapwa’t, ayon sa substansya ng Aking utos pangangasiwa, ang buong sansinukob ay nasa hustong ayos at perpektong kalagayan: Walang kaguluhan ang nangyari kailanman, ni hindi nasira ang pagkakaisa ng buong kalawakan kailanman. Ako ay gumagawa ng mga paglipad na lukso sa ibabaw ng mga bituin, at kapag pinakikislap ng araw ang mga sinag nito, pinapawi Ko ang kanilang init mula sa langit, magpapadala ng mga higanteng mala-bulak na niyebe na sinlaki ng balahibo ng gansa na lumulutang pababa mula sa Aking mga kamay. Ngunit kapag binago ko ang Aking isip, lahat ng niyebe ay matutunaw patungo sa ilog. Sa isang iglap, ang tagsibol ay darating saan man sa ilalim ng kalangitan, at ang luntiang esmeralda ay babaguhin ang anyo ng buong lupain sa ibabaw ng mundo. Sa Aking paggala sa taas ng kalawakan, at kaagad, ang mundo ay mababalot ng sukdulang itim na kadiliman nang dahil sa Aking hugis: Walang paabiso, ang “gabi” ay dumating na, at ang buong mundo ay sobrang dilim na hindi maaaninag kahit pa ang kamay na iunat sa harap ng mukha. Sa pagkupas ng liwanag, ang sangkatauhan ay sasamantalahin ang pagkakataon na makisali sa labis na galit sa magkaayong pagwasak, mang-aagaw, at mandarambong sa isa’t isa. Ang mga nasyon sa mundo, babagsak sa magulong pagkawatak-watak, pumasok sa katayuang maputik na kaguluhan, hanggang sa umabot sila sa puntong walang katubusan. Ang mga tao ay nakikipagbuno sa kirot ng paghihirap, umuungol at dumadaing sa kalagitnaan ng pagdurusa, iiyak ng kaawa-awang panaghoy, upang humiling na maibalik muli ang liwanag sa kanilang kalagitnaan at upang matapos na ang mga araw ng kadiliman at ibalik ang sigla na gaya ng dati. Ngunit Akin nang iniwan ang sangkatauhan sa isang pitik ng Aking mga manggas, hindi na muling maaawa sa kanya, sa mga kasalanan ng mundo: Matagal Ko nang kinayamutan at itinakwil ang mga tao ng buong mundo, ipinikit ang Aking mga mata sa mga kalagayan ng mundo, iniwas ang Aking mukha sa bawat galaw ng tao, ang kanyang bawat kilos, at tinigilang matuwa sa kanyang pagsilang at kamusmusan. Ako ay pumasok na sa panibagong hangarin na baguhin ang mundo, upang itong bagong mundo ay makatuklas ng panibagong pagsilang nang nasa oras at hindi na muli pang lulubog. Sa gitna ng katauhan, ilang dayong mga bayan ang naghihintay na itama Ko sila, ilang kamalian Ko pa ba ang kailangan upang Ako ay dumating bilang tao upang pigilang mangyari ang mga ito, gaano kadami ang alikabok na Aking wawalisin, ilang kahiwagaan ang Aking ipapakita: Lahat ng katauhan ay naghihintay sa Akin, at nananabik sa Aking pagdating.
Sa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo na nasa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Inakyat ko ang mga bundok at tinawid ang mga ilog, Ako rin ay gumalaw nang sa loob at labas ng kalagitnaan ng sangkatauhan. Sino ang hayag na mangangahas sa pagtutol sa praktikal na Diyos Mismo? Sino ang mangangahas na humiwalay sa paghahari ng Makapangyarihan sa lahat? Sino ang mangangahas na magpahayag na Ako ay, wala ni anino ng duda, nasa langit? Muli, sino ang mangangahas na magpahayag na Ako ay, walang bahagyang pagkakataon na magkamali, sa lupa? Walang ni isa sa lahat ng sangkatauhan ang may kakayanan na bigkasin ang bawat detalye ng mga lugar na Aking tinirhan. Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa langit, Ako ay ang hindi pangkaraniwang Diyos Mismo? Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa lupa, Ako ay ang praktikal na Diyos Mismo? Na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng nilalang, o na Ako ay nakararanas ng mga paghihirap ng mga tao sa mundo— siguradong ang mga ito ay hindi magpapasiya kung Ako ang praktikal na Diyos Mismo? Kung iyan ang iniisip ng tao,[a] hindi ba siya mangmang sa lahat ng pag-asa? Ako ay nasa langit; Ako rin ay nasa lupa; Ako ay kabilang sa laksa ng mga nilalang na bagay at gayundin ay nasa kalagitnaan ng laksa ng mga tao. Mahahawakan Ako ng tao araw-araw; bukod pa rito; maari niya Akong makita araw-araw. Pagdating sa mga nauukol para sa tao, Ako minsan ay tila nagtatago at minsan ay nakikita; tila may tunay na pag-iral Ako, ngunit Ako rin ay tila hindi buhay. Nasa Akin ang mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Ang lahat ng tao ay tila sinisilip Ako sa pamamagitan ng isang mikroskopyo upang maghanap ng marami pang kahiwagaan sa Akin, umaasang maaalis ang duda sa kanilang mga puso. Ngunit kahit na sila ay gumamit ng pluroskopo, papaano makikita ng sangkatauhan ang mga lihim na sa Akin ay nakatago?
Kapag ang Aking mga tao, sa pamamagitan ng Aking gawain, ay niluwalhating kasama Ko, sa sandaling iyon ang taguan ng malaking pulang dragon ay matutuklasan, lahat ng putik at dumi ay malilinisan, at ang maduming tubig, na naipon sa hindi mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, ang malaking pulang dragon ay mamamatay sa dagat-dagatang apoy at asupre. Kayo ba ay magkukusang manatili sa Aking maingat na pagkalinga upang hindi makuha ng dragon? Tunay bang inayawan ninyo ang kanyang mapaglinlang na kaparaanan? Sino ang may kakayanang magtaglay ng matapat na pagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan? Ngayon, kapag ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay darating sa mundo ng mga tao bilang tao. Kung hindi nangyari ito, mayroon bang sinuman na malakas ang loob na lumaban sa digmaan alang-alang sa Akin? Upang ang kaharian ay mabuo, upang ang Aking puso ay makuntento, at muli, upang ang Aking araw ay dumating, upang ang panahon ay dumating na ang laksang mga nilalang ay isilang muli at maging masagana, upang ang sangkatauhan ay mailigtas sa dagat ng kahirapan, upang dumating ang kinabukasan, upang ito ay maging kamangha-mangha, at mamulaklak at yumabong, at muli, ang kaligayahan ng hinaharap ay magwawakas, ang lahat ng sangkatauhan ay nagsisikap nang buong kalakasan, walang itinitira sa pag-alay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?
Habang maraming mga tao ang nabubuhay sa mga huling araw, lalo nilang mararamdaman ang pagka-hungkag ng mundo at ang kakulangan ng kanilang lakas ng loob sa pamumuhay. Sa ganitong dahilan, hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kabiguan, hindi na mabilang ang ibang nabigo sa kanilang paghahanap, at hindi na mabilang ang ibang mga nagdusa sa pagmamanipula ni Satanas. Napakarami Kong taong iniligtas, napakarami Kong sinaklolohan, at, madalas pa, kapag nawala ng mga tao ang liwanag, ibinalik Ko sila sa lugar ng liwanag, upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag, at Ako ay kanilang kagiliwan sa gitna ng kanilang kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, sumisibol ang pagpupuri mula sa puso ng mga tao na naninirahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na iibigin ng sangkatauhan, isang Diyos na makakapitan at kawiwilihang samahan, at ang sangkatauhan ay puno ng matibay na pagkilala sa Aking kaanyuhan. Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakakaintindi kung ito ba ay ang pagkilos ng Espiritu, o tungkulin ng laman. Itong isang bagay na ito ay sapat na upang maranasan ng tao sa pinakamaliit na detalye nito habambuhay. Hindi kailanman Ako hinamak ng sangkatauhan sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ang Aking karunungan ay nagbubunyi ng kanyang paghanga, ang mga kababalaghan na Aking ginagawa ay kasiyahan sa kanyang mga mata, ang Aking mga salita ay lumilito sa kanyang isip, ngunit inaalagaan pa rin niya ang mga ito nang may kagiliwan. Ang Aking katotohanan ay naghahatid ng pagkawala sa tao, pagkabigla at pagkalito, ngunit, handa pa rin niyang tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ba ito ang tiyak na sukatan ng kanyang tunay na pagkatao?
Marso 13, 1992
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nababasa bilang “Sa halimbawang ito.”
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon: Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo
I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?
-
Tagalog church songs | Tabernakulo ng Diyos Nasa Mundo na Ⅰ Pagbalik ng Diyos , mga bansa'y nahati-hati na ng ha...
-
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos " Kapag nahaharap sa kalun...
-
I Palaging isinasailalim ng Diyos ang tao sa isang mahigpit na pamantayan. Kung ang iyong katapatan ay may mga kondisyon, di N...