Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na liwanag. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na liwanag. Ipakita ang lahat ng mga post

30 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


             



Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan




Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon, dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan. Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag, 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag. Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at ang kaluwalhatian Niya sa Israel, makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap sa gitna ng mga tao, makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas, makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

13 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

              



Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya




I
Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.

26 Pebrero 2018

Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng DiyosAng mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag





    Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad.

20 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,naniniwala


Kidlat ng Silanganan ,naniniwala


 Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

16 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan- Mga Aklat, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, liwanag, langit

Kidlat ng Silanganan ,Langit
Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas
Sa isang pagsiklab ng kidlat, naibunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati nilang pag-aari. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, lumulubog sa ilalim mula sa ibabaw, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang kahulilip. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakakakilala sa Akin ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningningmaliwanag ang sikat ng araw.
Tumingin kayo ngayon sa Aking kaharian, kung saan Ako ang Hari at naghahari sa lahat. Mula sa simula ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, habang ginagabayan Ko ang Aking mga anak na lalaki, dumanas sila ng napakaraming kahirapan ng buhay, napakaraming kaapihan mula sa mundo, napakaraming mga tagumpay at kabiguan ng mundo, ngunit ngayon sila’y nananahan sa Aking liwanag. Sino ang hindi umiiyak sa mga kawalan ng hustisya sa nakaraan? Sino ang hindi lumuluha sa mga paghihirap para maabot ang araw na ito? At muli, mayroon bang hindi kukuha sa pagkakataong ito upang ialay ang sarili sa Akin? Mayroon bang hindi magsasamantalang kunin ang pagkakataong ito upang ibuhos ang namumuong masidhing damdamin sa kanilang puso? Mayroon ba sa mga sandaling ito ang hindi maghahayag ng kanilang naranasan? Sa oras na ito, inilalaan sa Akin ng lahat ng tao ang pinakamainam sa kanilang mga sarili. Ilan ang nagdurusa ng pagsisisi dahil sa mga madilim na kahangalan ng kahapon, ilan ang napopoot sa kanilang mga sarili dahil sa mga pagtugis sa kahapon! Nalaman mismo ng mga tao, nakita nilang lahat ang mga gawa ni Satanas at ang Aking pagiging kamangha-mangha, at may naitalagang lugar sa loob ng kanilang mga puso na para sa Akin. Hindi Ko na tutugunan ng pagkamuhi at pagtatakwil ang mga tao, dahil natapos na ang dakila Kong gawain at wala nang humahadlang nito. Ngayon, sa mga anak ng kaharian Ko, mayroon bang sinuman ang hindi isinasaalang-alang ang sarili? Mayroon bang sinuman na may karagdagang sanhi sa pag-aalala dahil sa mga paraan na ang Aking gawain ay naisagawa? Mayroon bang sinuman ang taos-pusong naghandog ng sarili para sa Akin? Nabawasan ba ang mga kahalayan sa inyong mga puso? O dumami ang mga ito? Kung hindi nabawasan o nadagdagan ang mga mahahalay na bagay sa inyong mga puso, siguradong itataboy Ko ang mga taong katulad ninyo. Ang gusto Ko ay mga banal na kinalulugdan ng Aking puso, hindi mga karumaldumal na espiritung naghihimagsik laban sa Akin. Kahit na wala Akong masyadong hinihiling sa sangkatauhan, napakakumplikado ng kalooban ng mga tao kaya hindi sila handang umayon sa Aking kalooban o kaagad na bigyang-lugod ang Aking mga nais. Karamihan ng mga tao ay lihim na nagsusumikap sa sarili nila dahil sa pag-asang matamo ang pagpaparangal na laurel sa katapusan. Ang karamihan ng mga tao ay nagsusumikap nang buong lakas, hindi man lang nagpapabaya kahit na isang sandali, natatakot na maging bihag muli ni Satanas sa pangalawang pagkakataon. Hindi na sila naglalakas-loob na magkimkim ng sama ng loob laban sa Akin, ngunit patuloy sila sa pagpapakita ng katapatan sa Akin. Narinig Ko ang mga salitang sinabi ng mga puso ng napakaraming tao, ang mga kwentong sinabi ng napakaraming mga tao tungkol sa mga masasakit na karanasan sa kalagitnaan ng kahirapan; Napakarami Kong nakita, sa pinakagipit na kalagayan, na hindi kailan man nagkulang sa paghahandog ng katapatan sa Akin, at napakarami rin ang napanood Ko habang binabagtas nila ang mabatong landas, na nagsumikap upang makahanap ng daang palabas. Sa mga sitwasyong ito, hindi kailanman sila nagreklamo; kahit sa panahong hindi nila mahanap ang liwanag, nalumbay man sila nang kaunti, hindi sila kailanman nagreklamo kahit minsan. Ngunit napakaraming tao rin ang Aking narinig sa pagbubulalas ng mga mura mula sa kailaliman ng kanilang mga puso, isinusumpa nila ang Langit at inaakusahan ang lupa, at nakita Ko rin ang napakaraming tao na nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kapighatian, hinayaan ang kanilang mga sariling parang basura sa isang basurahan, natatabunan ng dumi at dungis. Narinig Ko ang napakaraming mga tao na nag-aaway, dahil sa isang pagbabago sa katayuan, na may kasamang mga pagbabago ng “mukha,” na humantong sa isang pagbabago sa kanilang relasyon sa kapwa tao, sa gayon ang mga magkakaibigan ay naging magkakaaway na nilulusob ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Ginagamit ng karamihang mga tao ang Aking mga salita na tulad ng mga balang nagmumula sa isang baril, pinuputukan ang iba nang walang kamalay-malay, hanggang sa mapuno ng ingay ang mundo ng mga tao at masira ang katahimikan. Sa kabutihang palad, dumating tayo sa araw na ito; kung hindi, sino ang nakaaalam kung gaano karami ang maaaring namatay dahil sa hindi paghupa ng pagputok ng baril na ito.
Sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, at sa pagsubaybay sa mga kondisyon ng sangkatauhan, unti-unting bumaba sa lupa ang kaharian Ko. Hindi na nagsasalita ang tao ng mga nakaliligalig na saloobin, o “isinasaalang-alang ang” ibang mga tao, o “nag-aalala” para sa kanila. At sa gayon, wala na ang mga palatutol na mga alitan, at sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, ang sari-saring “mga armas” ng modernong panahon ay nawala na rin. May kapayapaan muli ang tao sa kanyang kapwa, muling sumisinag ang espiritu ng pagkakaisa sa puso ng mga tao, wala nang nagkukubli laban sa palihim na pag-atake. Bumalik na ang buong sangkatauhan sa normal na kalagayan at nag-umpisa sa isang bagong buhay. Sa bagong kapaligiran, may magandang bilang ng mga tao ang tumitingin sa paligid, sa pakiramdam nila na parang pumasok sila sa isang bagung-bagong mundo, at dahil dito hindi sila agad na makaangkop sa kasalukuyan nilang kapaligiran o diretsong makatumpak sa tamang landas. Kaya ito ay isang sitwasyon na “ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman.” kung tungkol sa sangkatauhan ang paguusapan. Kahit na hindi Ko naranasan, tulad ng tao, ang kapaitan ng kahirapan sa Sarili Ko, ganap Kong nalalaman na may dapat intindihin tungkol sa kanyang mga kakulangan. Kabisadong-kabisado Ko ang mga pangangailangan ng tao, at ganap ang Aking pag-unawa sa kanyang kahinaan. Sa kadahilanang ito, hindi Ko pinagtatawanan ang tao sa kanyang mga pagkukulang; tumutulong lang Ako ayon sa mga gawain niyang hindi matuwid, isang karapat-dapat na sukat ng “kaalaman,” ang mas mahusay na paraan upang gabayan ang lahat na pumunta sa tamang landas, upang tumigil ang sangkatauhan sa pagkaligaw na parang mga ulila at maging mga itinatanging sanggol na may isang tahanan. Gayon pa man, ang mga kilos Ko ay pinamamahalaan ng mga prinsipyo. Kung ayaw ng mga tao na tamasahin ang kaligayahanng nasa Akin, ang tanging magagawa Ko lang ay umayon sa kanilang mga kagustuhan at ipadala sila sa hukay na walang-hanggan. Sa puntong ito, wala nang dapat kumimkim ng mga pagdadalamhati sa kanyang puso, ngunit dapat na makita ng lahat ang Aking pagkamatuwid sa mga kaayusan na Aking ginawa. Hindi Ko pinipilit ang sangkatauhanng umibig sa Akin, at hindi Ko rin sinasaktan ang sinumang tao dahil sa pagmamahal sa Akin. May ganap na kalayaan sa Akin, ganap na pagka-kawala. Kahit na nasa Aking kamay ang kapalaran ng tao, ibinigay Ko sa tao ang malayang kalooban, bagay na hindi napaiilalim sa Aking kontrol. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay hindi “iimbento ng paraan upang magkaproblema” dahil sa mga batas ng Aking pamamahala, sa halip batay sa Aking kagandahang-loob, “magkakaroon ng pagka-kawala.” Kaya maraming mga tao, sa halip na mahawakan sa Aking pagpipigil, ang susunod sa sarili nilang kagustuhan dahil sa pagiging pinakawalan.
Palagi Kong tinatrato ang sangkatauhan nang may kaluwagan, hindi kailanman nagtatakda ng problemang walang kalutasan, hindi kailanman inilalagay ang kahit sinong tao sa kahirapan; hindi ba ganito? Kahit maraming mga tao ang hindi nagmamahal sa Akin, malayo sa pagkakayamot sa ganitong uri ng saloobin, ibinigay Ko sa mga tao ang kalayaan, ipinahintulot Ko ang palugit hanggang sa punto ng pagpayag na lumangoy sila sa mapait na dagat. Sapagkat ang tao ay isang sasakyang-dagat na hindi itinatangi: Kahit nakikita niya ang pagpapala na nasa Aking kamay, wala siyang pagkawiling tamasahin ito, ngunit mas gugustuhin niyang magdusa sa kamay ni Satanas, at dahil doon ay hinahatulan ang sarili niya na mahihigop ni Satanas bilang “pampalusog.” Tiyak na may mga ilan ang mismong nakakita sa Aking liwanag, at dahil dito, kahit na nabubuhay sila sa mga ulap ng kasalukuyan, hindi sila nawalan ng pananampalataya sa liwanag dahil sa malalabong mga ulap, ngunit patuloy silang humahagilap at naghahanap sa kaulapan—kahit sa landas na nagkalat ang mga balakid. Kapag naghimagsik ang tao laban sa Akin, ihahagis Ko ang Aking napopoot na ngingit sa kaniya, kaya maaaring maglaho ang tao dahil sa kanyang pagsuway. Kapag sumunod siya sa Akin, mananatili Akong nakatago mula sa kanya, sa paraang ito mapupukaw ang pag-ibig sa kaibuturan ng kanyang puso, isang pag-ibig na naglalayong hindi magpaginhawa ngunit magdulot sa Akin ng kasiyahan. Ilang beses Kong isinara ang Aking mga mata at nanatiling tahimik sa paghahanap ng mga tao sa Akin, upang matamo Ko ang tunay niyang pananampalataya? Ngunit kapag hindi Ako umiimik, nagbabago sa isang iglap ang pananampalataya ng tao, at tanging ang mga huwad niyang “kalakal,” ang tangi Kong nakikita, dahil kailanman ay hindi tapat ang pagmamahal ng tao sa Akin. Sa tuwing inihahayag Ko lamang ang Aking sarili na nagpapakita ang mga tao ng napakalaking “pananampalataya”; ngunit kapag nakatago Ako sa Aking lihim na dako, nagiging mahina sila at pinanghihinaan ng loob, parang takot na saktan ang damdamin Ko, o dahil hindi lang makita ng ilan ang Aking mukha, idinadaan nila Ako sa isang mabuting paggawa at dahil diyan ay pinakakahulugan na sa katunayan ay hindi Ako umiiral. Gaano karaming mga tao ang nananatili sa ganitong kalagayan, gaano karami ang may ganitong pag-iisip, ngunit ito ay dahil magaling lamang ang mga tao sa pagtatago ng mga bagay na karumaldumal sa kanilang sarili. Dahil dito, nag-aatubili silang matawag-pansin ang sarili nilang mga kakulangan, at umaamin lamang sa katotohanan ng Aking mga salita habang lakas-loob silang naghahanap ng pagpapanggap para sa paggalang sa sarili.
Marso 17, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas
                            Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos




15 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan |Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

 Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos,liwanag

Kidlat ng Silanganan ,liwanag


 Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabimpitong Pagbigkas   
  
        Umalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kidlat na nagliwanag sa apat na seksiyon at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinabagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasindak sa kabila ng kanilang karunungan sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumaba sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay napipi sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila habang nagtataka at nabibighani, inobserbahan ang paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; at ang iba ay nakatayo at nakahanda sa pagharap sa liwanag upang mas higit nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may nakatuklas ba kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May nakapansin ba sa kaibahan ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguluhan lamang; nasugatan ang kanilang mga mata at nasubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, nababalutan ng kaguluhan ang mundo, na naging tanawing hindi makayang tingnan, at kung susuriin nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa kanyang kalakasan, parang hindi pahihintulutan ng kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay naroon sa ningning ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay naroon sa pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, naroon din sa mga sugat na dulot ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi naroon sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang lahat ng tao sa mundo na may pananagutan ay makakilos sa pamamagitan Ko. Mula sa kataas-taasang dako sa kalangitan, tinanaw Ko ang buong mundo, pinagmamasdan ang nakatutuwa at hindi kapani-paniwalang anyo ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito upang maghanap ng isdang makakain. Samantala, hindi ito ganap na nalalaman sa ilalim ng dagat, kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi lubusang namamalayan, dahil ang ilalim ng dagat ay kasing payapa ng ikatlong langit: Dito, ang lahat ng nabubuhay, malaki man o maliit ay sama-samang namumuhay nang maayos, at hindi kailanman nasangkot sa “labanan ng bibig at dila.” Sa napakaraming kakaiba at kakatwang bagay, ang sangkatauhan ang isa sa pinakamahirap magbigay sa Akin ng kaluguran. Ang dahilan, masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog din, at palaging makikita sa kanyang mga mata ang paghihimagsik. Sa Aking pagdisiplina sa tao, sa Aking paghatol sa kanya, marami nang pag-iingat, labis ang kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito, hindi ang sangkatauhan ang may pinakakaunti ang kamalayan. Wala Akong pinagmalupitan na kahit sinong tao: Ang tanging ginawa Ko ay nagpatupad ng nararapat na pagtutuwid noong maging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog ng nararapat na tulong. Ngunit nang ang sangkatauhan ay patuloy na lumayo sa Akin at dagdag pa nito, nang gamitin ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong nilipol ang sangkatauhan, hindi Ko sila binigyan ng pagkakataong makapagpakita ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila makapagyabang tungkol sa kanilang karangyaan at katayuan, at pang-aapi sa ibang tao sa ibabaw ng mundo.
       Pamamahalaan Ko ang Aking awtoridad sa mundo at ilalahad ang Aking ginagawa sa kabuuan nito. Lahat ng nakapaloob sa Aking gawain ay makikita sa ibabaw ng lupa; hindi kailanman maunawaan ng sangkatauhan sa mundo ang Aking mga pagkilos sa kalangitan, o ni lubos na maisip ang pag-inog at tinutungo ng Aking Espiritu. Ang karamihan sa mga tao ay nauunawaan lamang ang detalyeng nasa labas ng espiritu, ngunit hindi nauunawaan ang tunay na kalagayan ng espiritu. Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa sa sangkatauhan ay hindi suliranin mula sa Aking walang katiyakan sa langit, o mula sa hindi Ako mawari sa lupa: Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa ay batay sa pamantayan na Aking kinuha sa tao tulad ng yamang siya ay nasa mundo. Hindi Ko inilagay ang kahit sino sa mahihirap na kalagayan, o ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran: Maaari kaya na ang Aking mga pangangailangang ginagawa ay limitado lamang sa mga kundisyong ito? Sa hindi mabilang na mga nilalang sa mundo, alin dito ang hindi nagpapasakop sa loobin ng mga salita sa Aking bibig? Alin sa mga nilalang na ito, na lumalapit sa harap Ko, ang hindi ganap na nasunog sa pamamagitan ng Aking mga salita at ng Aking nagliliyab na apoy? Alin sa mga nilalang na ito ang nangangahas na lumakad nang may kasayahang ipinagmamalaki sa Aking harapan? Alin sa mga nilalang na ito ang hindi yumuyukod sa Akin? Ako ba ang Diyos na nagpapatupad lamang ng katahimikan sa mga nilalang? Sa napakaraming bagay sa nilalang, pinili Ko ang makapagbibigay kasiyahan sa Aking layunin; sa napakaraming tao na Aking nilikha, pinili Ko ang mga tunay na nag-iingat sa Aking puso. Pinili Ko ang pinakamaganda sa lahat ng mga bituin, upang makapagdagdag ng bahagyang sinag ng liwanag sa Aking kaharian. Naglakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang ingay ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay matagal na tinititigan ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas. …
      Lahat ng tao ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa bilang tao, tutol sila sa Aking pagdating, itinaboy nila ang liwanag sa Kanyang pagdating, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at nananatiling alerto, dahil sa matinding takot na baka may “ibang plano” Ako para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila na parang may intensyon Akong patayin sila nang walang habas. Sa mata ng tao, Ako ay isang nakamamatay na katunggali. Kahit na naramdaman na nila ang Aking mainit na pagtulong sa gitna ng kalamidad, hindi pa rin nararamdaman ng tao ang Aking pagmamahal, at patuloy pa rin na itinutulak Ako palayo at sinasalungat. Malayo sa pagsasamantala sa tao ang ganitong kalagayan upang maghiganti laban sa kanya, mainit Ko siyang niyakap, pinuno Ko ang kanyang bibig ng matatamis na salita, at nilagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit nang yanigin ng Aking nagpupuyos na galit ang mga bundok at mga ilog, hindi Ko na ipagkakaloob sa kanya ang iba’t ibang uri ng pagtulong na ito, dahil sa kanyang kaduwagan. Sa sandaling ito, maglalabas Ako ng matinding galit, hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang lahat nang nabubuhay na nilalang na magsisi at, dahil hindi Ko na bibigyan ng pag-asa ang tao, ipapataw Ko na sa kanya ang parusang nararapat para sa kanya. Sa pagkakataong ito, magsasalimbayan ang mga kidlat at dadagundong ang mga kulog, tulad ng mga alon sa dagat na magpupuyos sa galit, tulad ng libo-libong bundok na magsisiguho. Dahil sa kanyang paghihimagsik ng sangkatauhan, pinatumba sila ng kulog at kidlat, ang iba pang nilalang ay nalipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, ang buong sansinukob ay biglang nagkaroon ng malaking kaguluhan, at hindi na nanumbalik ang buong nilalang sa unang paghinga ng buhay. Ang napakaraming punong-abala ng sangkatauhan ay hindi makatatakas sa galit ng kulog; sa gitna ng mga kislap ng kidlat, ang mga tao, pulu-pulutong na titilapon sa matutuling agos ng ilog, at aanurin ng malalakas na agos na bumababa mula sa itaas ng mga bundok. Nang biglang, sa lugar na “kanlungan” ng mga tao, nagtitipon ang isang mundo ng “mga tao.” Inaanod ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Ang buong sangkatauhan ay nagsilayo sa Akin dahil sa Aking poot, dahil ang tao ay lumabag laban sa diwa ng Aking Espiritu, hindi naging kalugod-lugod sa Akin ang kanyang paghihimagsik. Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagsasaya pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking minarapat para sa kanila.
      Nang tumahimik na ang buong sangkatauhan, nagbuga Ako ng sinag ng liwanag bago ito mapagmasdang mabuti. Dahil doon, magiging malinaw ang isipan ng mga tao at liliwanag ang mata, at titigil upang manatiling tahimik; kaya ang damdaming espirituwal ay kaagad natawag sa kanilang mga puso. Sa panahong ito, lahat ng tao ay muling nabuhay. Isinasantabi ang kanilang mga hinaing na hindi sinasabi, humarap ang lahat ng tao sa Akin, napagtagumpayan nila ang isa pang pagkakataon na maligtas sa pamamagitan ng mga salita na Aking inihayag. Ito ay dahil nais ng lahat ng tao na mamuhay sila sa ibabaw ng lupa. Ngunit sino sa kanila ang may layunin na mamuhay para sa Aking kapakanan? Sino sa kanila ang naglabas ng mga dakilang bagay sa kanya upang bigyan Ako ng kasiyahan? Sino sa kanila ang nakatuklas ng isang nakaaakit na pabango sa Akin? Lahat ng tao ay likha sa mahina at hindi malinis na sangkap: Sa panlabas, parang nakasisilaw ang kanilang mga mata, ngunit sa kanilang mga sarili, hindi nila Ako minamahal nang tapat, dahil sa kaibuturan ng puso ng tao, wala ni kahit ang pinakamaliit na bahagi Ko. Ang tao ay labis na nagkukulang: Kung ihahambing siya sa Aking sarili, katulad ito ng layo ng pagitan ng lupa mula sa langit. Ngunit gayon pa man, hindi Ko inatake ang tao sa kanyang mahina at marurupok na bahagi, o pinagtawanan man upang hamakin siya sa kanyang mga pagkukulang. Ang Aking mga kamay ay gumagawa[a] sa mundo sa loob ng libo-libong taon, habang nananatiling nakamasid ang Aking mga mata sa buong sangkatauhan. Ngunit kailanman wala Akong kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan lamang. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, o ni ipagkaloob sa kanya ang mga masasamang bagay. Sa halip, ang tanging ginawa Ko ay sustentuhan siya, at bigyan siya ng pangangailangan, hanggang sa panahong ito. Kaya, kung ano ang tinatamasa ng tao, iyon ay dahil sa Aking biyaya, lahat ng kagandahang-loob na nagmumula sa Aking mga kamay. Dahil Ako ay nasa mundo, hindi kailangang dumanas ang tao ng parusa ng pagkagutom. Sa halip, pinahintulutan Ko ang tao na tumanggap mula sa Aking mga kamay ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, at mamuhay sa Aking mga biyaya. Hindi ba lahat ng tao ay nabubuhay sa ilalim ng Aking parusa? Tulad ng mga bundok na nagtataglay ng marami at masaganang biyaya sa kanilang kalaliman, at ang mga tubig sa kanilang maraming nilalaman na mga bagay na tinatamasa, hindi ba ang mga taong nabubuhay ngayon sa Aking mga salita, higit sa lahat, ay mayroong pagkain na kanilang ikinalulugod at nalalasahan? Ako ay nasa mundo at nasisiyahan ang sangkatauhan sa Aking mga biyaya sa mundo. Kapag iniwan Ko na ang mundo, kung saan natapos Ko na rin ang Aking gawain, sa pagkakataong iyon, hindi na makatatanggap ang sangkatauhan ng anumang tulong mula sa Akin dahil sa kanilang kahinaan.
Marso 16, 1992
Mga Talababa:
a. Wala sa orihinal na texto ang “gumagawa.”
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan




Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?