Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

19 Setyembre 2017

Praise and Worship the Return of God | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"


Praise and Worship the Return of God | Musical Drama "Chinese Gospel Choir 19th Performance"

Under a starry, quiet and peaceful night sky, a group of Christians earnestly awaiting the return of the Savior sing and dance to cheerful music. When they hear the joyful news “God has returned” and “God has uttered new words”, they are surprised and excited. They think: “God has returned? He has already appeared?!” With curiosity and uncertainty, one after another, they step into the journey of seeking God’s new words. In their arduous seeking, some people are questioning while others simply accept it. Some people look on without comment, while others make suggestions and search for answers in the Bible—they look but in the end it is fruitless…. Just when they become discouraged, a witness brings them a copy of the Age of Kingdom Bible, and they are deeply attracted to the words in the book. What kind of book is this really? Have they actually found the new words that God has uttered in that book? Have they welcomed the appearance of God?

28 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos

 

Kidlat ng SilangananAng Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos

Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.
D'yos ating pinupuring walang-humpay. Mga nilalang iniibig ang D'yos,
buong-galak sa trono N'ya, sasambang sama-sama.
D'yos sa Sion 'binunyag sa sansinukob Kanyang kabanalan at pagkamatwid.
Bayan ng D'yos nakangiti sa tuwa, nagpupuri sa D'yos walang-humpay.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!

15 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan |Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

 Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos,liwanag

Kidlat ng Silanganan ,liwanag


 Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabimpitong Pagbigkas   
  
        Umalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kidlat na nagliwanag sa apat na seksiyon at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinabagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasindak sa kabila ng kanilang karunungan sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumaba sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay napipi sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila habang nagtataka at nabibighani, inobserbahan ang paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; at ang iba ay nakatayo at nakahanda sa pagharap sa liwanag upang mas higit nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may nakatuklas ba kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May nakapansin ba sa kaibahan ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguluhan lamang; nasugatan ang kanilang mga mata at nasubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, nababalutan ng kaguluhan ang mundo, na naging tanawing hindi makayang tingnan, at kung susuriin nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa kanyang kalakasan, parang hindi pahihintulutan ng kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay naroon sa ningning ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay naroon sa pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, naroon din sa mga sugat na dulot ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi naroon sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang lahat ng tao sa mundo na may pananagutan ay makakilos sa pamamagitan Ko. Mula sa kataas-taasang dako sa kalangitan, tinanaw Ko ang buong mundo, pinagmamasdan ang nakatutuwa at hindi kapani-paniwalang anyo ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito upang maghanap ng isdang makakain. Samantala, hindi ito ganap na nalalaman sa ilalim ng dagat, kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi lubusang namamalayan, dahil ang ilalim ng dagat ay kasing payapa ng ikatlong langit: Dito, ang lahat ng nabubuhay, malaki man o maliit ay sama-samang namumuhay nang maayos, at hindi kailanman nasangkot sa “labanan ng bibig at dila.” Sa napakaraming kakaiba at kakatwang bagay, ang sangkatauhan ang isa sa pinakamahirap magbigay sa Akin ng kaluguran. Ang dahilan, masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog din, at palaging makikita sa kanyang mga mata ang paghihimagsik. Sa Aking pagdisiplina sa tao, sa Aking paghatol sa kanya, marami nang pag-iingat, labis ang kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito, hindi ang sangkatauhan ang may pinakakaunti ang kamalayan. Wala Akong pinagmalupitan na kahit sinong tao: Ang tanging ginawa Ko ay nagpatupad ng nararapat na pagtutuwid noong maging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog ng nararapat na tulong. Ngunit nang ang sangkatauhan ay patuloy na lumayo sa Akin at dagdag pa nito, nang gamitin ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong nilipol ang sangkatauhan, hindi Ko sila binigyan ng pagkakataong makapagpakita ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila makapagyabang tungkol sa kanilang karangyaan at katayuan, at pang-aapi sa ibang tao sa ibabaw ng mundo.
       Pamamahalaan Ko ang Aking awtoridad sa mundo at ilalahad ang Aking ginagawa sa kabuuan nito. Lahat ng nakapaloob sa Aking gawain ay makikita sa ibabaw ng lupa; hindi kailanman maunawaan ng sangkatauhan sa mundo ang Aking mga pagkilos sa kalangitan, o ni lubos na maisip ang pag-inog at tinutungo ng Aking Espiritu. Ang karamihan sa mga tao ay nauunawaan lamang ang detalyeng nasa labas ng espiritu, ngunit hindi nauunawaan ang tunay na kalagayan ng espiritu. Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa sa sangkatauhan ay hindi suliranin mula sa Aking walang katiyakan sa langit, o mula sa hindi Ako mawari sa lupa: Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa ay batay sa pamantayan na Aking kinuha sa tao tulad ng yamang siya ay nasa mundo. Hindi Ko inilagay ang kahit sino sa mahihirap na kalagayan, o ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran: Maaari kaya na ang Aking mga pangangailangang ginagawa ay limitado lamang sa mga kundisyong ito? Sa hindi mabilang na mga nilalang sa mundo, alin dito ang hindi nagpapasakop sa loobin ng mga salita sa Aking bibig? Alin sa mga nilalang na ito, na lumalapit sa harap Ko, ang hindi ganap na nasunog sa pamamagitan ng Aking mga salita at ng Aking nagliliyab na apoy? Alin sa mga nilalang na ito ang nangangahas na lumakad nang may kasayahang ipinagmamalaki sa Aking harapan? Alin sa mga nilalang na ito ang hindi yumuyukod sa Akin? Ako ba ang Diyos na nagpapatupad lamang ng katahimikan sa mga nilalang? Sa napakaraming bagay sa nilalang, pinili Ko ang makapagbibigay kasiyahan sa Aking layunin; sa napakaraming tao na Aking nilikha, pinili Ko ang mga tunay na nag-iingat sa Aking puso. Pinili Ko ang pinakamaganda sa lahat ng mga bituin, upang makapagdagdag ng bahagyang sinag ng liwanag sa Aking kaharian. Naglakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang ingay ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay matagal na tinititigan ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas. …
      Lahat ng tao ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa bilang tao, tutol sila sa Aking pagdating, itinaboy nila ang liwanag sa Kanyang pagdating, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at nananatiling alerto, dahil sa matinding takot na baka may “ibang plano” Ako para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila na parang may intensyon Akong patayin sila nang walang habas. Sa mata ng tao, Ako ay isang nakamamatay na katunggali. Kahit na naramdaman na nila ang Aking mainit na pagtulong sa gitna ng kalamidad, hindi pa rin nararamdaman ng tao ang Aking pagmamahal, at patuloy pa rin na itinutulak Ako palayo at sinasalungat. Malayo sa pagsasamantala sa tao ang ganitong kalagayan upang maghiganti laban sa kanya, mainit Ko siyang niyakap, pinuno Ko ang kanyang bibig ng matatamis na salita, at nilagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit nang yanigin ng Aking nagpupuyos na galit ang mga bundok at mga ilog, hindi Ko na ipagkakaloob sa kanya ang iba’t ibang uri ng pagtulong na ito, dahil sa kanyang kaduwagan. Sa sandaling ito, maglalabas Ako ng matinding galit, hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang lahat nang nabubuhay na nilalang na magsisi at, dahil hindi Ko na bibigyan ng pag-asa ang tao, ipapataw Ko na sa kanya ang parusang nararapat para sa kanya. Sa pagkakataong ito, magsasalimbayan ang mga kidlat at dadagundong ang mga kulog, tulad ng mga alon sa dagat na magpupuyos sa galit, tulad ng libo-libong bundok na magsisiguho. Dahil sa kanyang paghihimagsik ng sangkatauhan, pinatumba sila ng kulog at kidlat, ang iba pang nilalang ay nalipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, ang buong sansinukob ay biglang nagkaroon ng malaking kaguluhan, at hindi na nanumbalik ang buong nilalang sa unang paghinga ng buhay. Ang napakaraming punong-abala ng sangkatauhan ay hindi makatatakas sa galit ng kulog; sa gitna ng mga kislap ng kidlat, ang mga tao, pulu-pulutong na titilapon sa matutuling agos ng ilog, at aanurin ng malalakas na agos na bumababa mula sa itaas ng mga bundok. Nang biglang, sa lugar na “kanlungan” ng mga tao, nagtitipon ang isang mundo ng “mga tao.” Inaanod ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Ang buong sangkatauhan ay nagsilayo sa Akin dahil sa Aking poot, dahil ang tao ay lumabag laban sa diwa ng Aking Espiritu, hindi naging kalugod-lugod sa Akin ang kanyang paghihimagsik. Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagsasaya pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking minarapat para sa kanila.
      Nang tumahimik na ang buong sangkatauhan, nagbuga Ako ng sinag ng liwanag bago ito mapagmasdang mabuti. Dahil doon, magiging malinaw ang isipan ng mga tao at liliwanag ang mata, at titigil upang manatiling tahimik; kaya ang damdaming espirituwal ay kaagad natawag sa kanilang mga puso. Sa panahong ito, lahat ng tao ay muling nabuhay. Isinasantabi ang kanilang mga hinaing na hindi sinasabi, humarap ang lahat ng tao sa Akin, napagtagumpayan nila ang isa pang pagkakataon na maligtas sa pamamagitan ng mga salita na Aking inihayag. Ito ay dahil nais ng lahat ng tao na mamuhay sila sa ibabaw ng lupa. Ngunit sino sa kanila ang may layunin na mamuhay para sa Aking kapakanan? Sino sa kanila ang naglabas ng mga dakilang bagay sa kanya upang bigyan Ako ng kasiyahan? Sino sa kanila ang nakatuklas ng isang nakaaakit na pabango sa Akin? Lahat ng tao ay likha sa mahina at hindi malinis na sangkap: Sa panlabas, parang nakasisilaw ang kanilang mga mata, ngunit sa kanilang mga sarili, hindi nila Ako minamahal nang tapat, dahil sa kaibuturan ng puso ng tao, wala ni kahit ang pinakamaliit na bahagi Ko. Ang tao ay labis na nagkukulang: Kung ihahambing siya sa Aking sarili, katulad ito ng layo ng pagitan ng lupa mula sa langit. Ngunit gayon pa man, hindi Ko inatake ang tao sa kanyang mahina at marurupok na bahagi, o pinagtawanan man upang hamakin siya sa kanyang mga pagkukulang. Ang Aking mga kamay ay gumagawa[a] sa mundo sa loob ng libo-libong taon, habang nananatiling nakamasid ang Aking mga mata sa buong sangkatauhan. Ngunit kailanman wala Akong kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan lamang. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, o ni ipagkaloob sa kanya ang mga masasamang bagay. Sa halip, ang tanging ginawa Ko ay sustentuhan siya, at bigyan siya ng pangangailangan, hanggang sa panahong ito. Kaya, kung ano ang tinatamasa ng tao, iyon ay dahil sa Aking biyaya, lahat ng kagandahang-loob na nagmumula sa Aking mga kamay. Dahil Ako ay nasa mundo, hindi kailangang dumanas ang tao ng parusa ng pagkagutom. Sa halip, pinahintulutan Ko ang tao na tumanggap mula sa Aking mga kamay ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, at mamuhay sa Aking mga biyaya. Hindi ba lahat ng tao ay nabubuhay sa ilalim ng Aking parusa? Tulad ng mga bundok na nagtataglay ng marami at masaganang biyaya sa kanilang kalaliman, at ang mga tubig sa kanilang maraming nilalaman na mga bagay na tinatamasa, hindi ba ang mga taong nabubuhay ngayon sa Aking mga salita, higit sa lahat, ay mayroong pagkain na kanilang ikinalulugod at nalalasahan? Ako ay nasa mundo at nasisiyahan ang sangkatauhan sa Aking mga biyaya sa mundo. Kapag iniwan Ko na ang mundo, kung saan natapos Ko na rin ang Aking gawain, sa pagkakataong iyon, hindi na makatatanggap ang sangkatauhan ng anumang tulong mula sa Akin dahil sa kanilang kahinaan.
Marso 16, 1992
Mga Talababa:
a. Wala sa orihinal na texto ang “gumagawa.”
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan




12 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos

Kidlat ng Silanganan-biyaya 




Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas
Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kilala ang sarili niya, kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang pagkakilala sa kanyang palad, kahit na ang lahat ng ibang tao ay “nakapasa” at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito tila sinukat niya ang iba hanggang sa kanilang katayuan ng pag-iisip. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay pumasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay lumapit sa Akin muli, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga korderong bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, at saka nagiging tila mga maliliit na ibong lilipad-lipad nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga ng Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi nila, na tila ang Aking mga salita ay abala sa kanila? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, Ko nang nakikitang lumapit ang tao sa akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga tangka ay tapat. Napakaraming beses, Ko nang nakita na ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses, na nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling mga tao, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matutuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapala o paghihirap. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging wagas sa kanilang pagdulog sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaan na pagsubok ng tao ay hindi magdudulot ng paglisan ng kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magdudulot sa kanya ng reklamo laban sa Aking inihanda? Walang sinumang tao ang lubos na nalugod sa espadang taglay ng Aking bibig: Alam lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi tunay na inaalam ang mas malalim. Kung ang mga taong nilalang ay tunay na makikita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa tunay na kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang makikitang bakas kung gaano kahusay ang Aking mga salita, o kung gaano ang kalikasan ng kanilang pagkatao ng nahahayag, at kung gaano kahigit sa kanilang mga katiwalian ang nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at hindi mapagkakatiwalaang saloobin.
Sa loob ng kaharian, hindi lamang ang mga isyung pagbigkas ang galing sa Aking bibig, kundi ang Aking mga paa rin ay naglalakad nang may makaseremonyal saan mang dako ng lupa. Sa ganitong paraan, Ako ay nagtagumpay laban sa lahat ng marumi at karumaldumal na mga lugar, nang sa gayon, hindi lamang ang langit ang nagbabago, kundi pati ang mundo ay nasa proseso ng pagbabago, sa nalalapit na hinaharap, ito ay papanariwain. Sa buong kalawakan, lahat ay nagiging bago ayon sa ningning ng Aking kaluwalhatian, naglalahad ng kagiliw-giliw na anyo na bibihag sa damdamin at mag-aangat sa espiritu, na tila ito ay namamarati sa langit sa kabilang dako pa ng kalangitan, na nabuo sa isip ng tao, hindi nabahiran ni Satanas, at malaya sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas. Sa taas ng kalawakan, ang hindi mabilang na mga bituin ay kukunin ang kanilang nakatakdang lugar ayon sa Aking kautusan, ikikislap ang kanilang liwanag sa buong kalawakan sa mga oras ng kadiliman. Wala ni isang nilalang ang maglalakas-loob na mag-isip ng kasutilan, datapwa’t, ayon sa substansya ng Aking utos pangangasiwa, ang buong sansinukob ay nasa hustong ayos at perpektong kalagayan: Walang kaguluhan ang nangyari kailanman, ni hindi nasira ang pagkakaisa ng buong kalawakan kailanman. Ako ay gumagawa ng mga paglipad na lukso sa ibabaw ng mga bituin, at kapag pinakikislap ng araw ang mga sinag nito, pinapawi Ko ang kanilang init mula sa langit, magpapadala ng mga higanteng mala-bulak na niyebe na sinlaki ng balahibo ng gansa na lumulutang pababa mula sa Aking mga kamay. Ngunit kapag binago ko ang Aking isip, lahat ng niyebe ay matutunaw patungo sa ilog. Sa isang iglap, ang tagsibol ay darating saan man sa ilalim ng kalangitan, at ang luntiang esmeralda ay babaguhin ang anyo ng buong lupain sa ibabaw ng mundo. Sa Aking paggala sa taas ng kalawakan, at kaagad, ang mundo ay mababalot ng sukdulang itim na kadiliman nang dahil sa Aking hugis: Walang paabiso, ang “gabi” ay dumating na, at ang buong mundo ay sobrang dilim na hindi maaaninag kahit pa ang kamay na iunat sa harap ng mukha. Sa pagkupas ng liwanag, ang sangkatauhan ay sasamantalahin ang pagkakataon na makisali sa labis na galit sa magkaayong pagwasak, mang-aagaw, at mandarambong sa isa’t isa. Ang mga nasyon sa mundo, babagsak sa magulong pagkawatak-watak, pumasok sa katayuang maputik na kaguluhan, hanggang sa umabot sila sa puntong walang katubusan. Ang mga tao ay nakikipagbuno sa kirot ng paghihirap, umuungol at dumadaing sa kalagitnaan ng pagdurusa, iiyak ng kaawa-awang panaghoy, upang humiling na maibalik muli ang liwanag sa kanilang kalagitnaan at upang matapos na ang mga araw ng kadiliman at ibalik ang sigla na gaya ng dati. Ngunit Akin nang iniwan ang sangkatauhan sa isang pitik ng Aking mga manggas, hindi na muling maaawa sa kanya, sa mga kasalanan ng mundo: Matagal Ko nang kinayamutan at itinakwil ang mga tao ng buong mundo, ipinikit ang Aking mga mata sa mga kalagayan ng mundo, iniwas ang Aking mukha sa bawat galaw ng tao, ang kanyang bawat kilos, at tinigilang matuwa sa kanyang pagsilang at kamusmusan. Ako ay pumasok na sa panibagong hangarin na baguhin ang mundo, upang itong bagong mundo ay makatuklas ng panibagong pagsilang nang nasa oras at hindi na muli pang lulubog. Sa gitna ng katauhan, ilang dayong mga bayan ang naghihintay na itama Ko sila, ilang kamalian Ko pa ba ang kailangan upang Ako ay dumating bilang tao upang pigilang mangyari ang mga ito, gaano kadami ang alikabok na Aking wawalisin, ilang kahiwagaan ang Aking ipapakita: Lahat ng katauhan ay naghihintay sa Akin, at nananabik sa Aking pagdating.
Sa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo na nasa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Inakyat ko ang mga bundok at tinawid ang mga ilog, Ako rin ay gumalaw nang sa loob at labas ng kalagitnaan ng sangkatauhan. Sino ang hayag na mangangahas sa pagtutol sa praktikal na Diyos Mismo? Sino ang mangangahas na humiwalay sa paghahari ng Makapangyarihan sa lahat? Sino ang mangangahas na magpahayag na Ako ay, wala ni anino ng duda, nasa langit? Muli, sino ang mangangahas na magpahayag na Ako ay, walang bahagyang pagkakataon na magkamali, sa lupa? Walang ni isa sa lahat ng sangkatauhan ang may kakayanan na bigkasin ang bawat detalye ng mga lugar na Aking tinirhan. Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa langit, Ako ay ang hindi pangkaraniwang Diyos Mismo? Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa lupa, Ako ay ang praktikal na Diyos Mismo? Na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng nilalang, o na Ako ay nakararanas ng mga paghihirap ng mga tao sa mundo— siguradong ang mga ito ay hindi magpapasiya kung Ako ang praktikal na Diyos Mismo? Kung iyan ang iniisip ng tao,[a] hindi ba siya mangmang sa lahat ng pag-asa? Ako ay nasa langit; Ako rin ay nasa lupa; Ako ay kabilang sa laksa ng mga nilalang na bagay at gayundin ay nasa kalagitnaan ng laksa ng mga tao. Mahahawakan Ako ng tao araw-araw; bukod pa rito; maari niya Akong makita araw-araw. Pagdating sa mga nauukol para sa tao, Ako minsan ay tila nagtatago at minsan ay nakikita; tila may tunay na pag-iral Ako, ngunit Ako rin ay tila hindi buhay. Nasa Akin ang mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Ang lahat ng tao ay tila sinisilip Ako sa pamamagitan ng isang mikroskopyo upang maghanap ng marami pang kahiwagaan sa Akin, umaasang maaalis ang duda sa kanilang mga puso. Ngunit kahit na sila ay gumamit ng pluroskopo, papaano makikita ng sangkatauhan ang mga lihim na sa Akin ay nakatago?
Kapag ang Aking mga tao, sa pamamagitan ng Aking gawain, ay niluwalhating kasama Ko, sa sandaling iyon ang taguan ng malaking pulang dragon ay matutuklasan, lahat ng putik at dumi ay malilinisan, at ang maduming tubig, na naipon sa hindi mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, ang malaking pulang dragon ay mamamatay sa dagat-dagatang apoy at asupre. Kayo ba ay magkukusang manatili sa Aking maingat na pagkalinga upang hindi makuha ng dragon? Tunay bang inayawan ninyo ang kanyang mapaglinlang na kaparaanan? Sino ang may kakayanang magtaglay ng matapat na pagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan? Ngayon, kapag ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay darating sa mundo ng mga tao bilang tao. Kung hindi nangyari ito, mayroon bang sinuman na malakas ang loob na lumaban sa digmaan alang-alang sa Akin? Upang ang kaharian ay mabuo, upang ang Aking puso ay makuntento, at muli, upang ang Aking araw ay dumating, upang ang panahon ay dumating na ang laksang mga nilalang ay isilang muli at maging masagana, upang ang sangkatauhan ay mailigtas sa dagat ng kahirapan, upang dumating ang kinabukasan, upang ito ay maging kamangha-mangha, at mamulaklak at yumabong, at muli, ang kaligayahan ng hinaharap ay magwawakas, ang lahat ng sangkatauhan ay nagsisikap nang buong kalakasan, walang itinitira sa pag-alay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?
Habang maraming mga tao ang nabubuhay sa mga huling araw, lalo nilang mararamdaman ang pagka-hungkag ng mundo at ang kakulangan ng kanilang lakas ng loob sa pamumuhay. Sa ganitong dahilan, hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kabiguan, hindi na mabilang ang ibang nabigo sa kanilang paghahanap, at hindi na mabilang ang ibang mga nagdusa sa pagmamanipula ni Satanas. Napakarami Kong taong iniligtas, napakarami Kong sinaklolohan, at, madalas pa, kapag nawala ng mga tao ang liwanag, ibinalik Ko sila sa lugar ng liwanag, upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag, at Ako ay kanilang kagiliwan sa gitna ng kanilang kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, sumisibol ang pagpupuri mula sa puso ng mga tao na naninirahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na iibigin ng sangkatauhan, isang Diyos na makakapitan at kawiwilihang samahan, at ang sangkatauhan ay puno ng matibay na pagkilala sa Aking kaanyuhan. Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakakaintindi kung ito ba ay ang pagkilos ng Espiritu, o tungkulin ng laman. Itong isang bagay na ito ay sapat na upang maranasan ng tao sa pinakamaliit na detalye nito habambuhay. Hindi kailanman Ako hinamak ng sangkatauhan sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ang Aking karunungan ay nagbubunyi ng kanyang paghanga, ang mga kababalaghan na Aking ginagawa ay kasiyahan sa kanyang mga mata, ang Aking mga salita ay lumilito sa kanyang isip, ngunit inaalagaan pa rin niya ang mga ito nang may kagiliwan. Ang Aking katotohanan ay naghahatid ng pagkawala sa tao, pagkabigla at pagkalito, ngunit, handa pa rin niyang tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ba ito ang tiyak na sukatan ng kanyang tunay na pagkatao?
Marso 13, 1992
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nababasa bilang “Sa halimbawang ito.”
Mula sa  Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas
                     Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

11 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,  Ang Iglesia ng  Makapangyarihang Diyos
Kidlat ng Silanganan-ebanghelyo

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas
Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa pagsubok ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakadakilang bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang mga tunay na nag-alay ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.
Sa gitna ng maputik na mga alon, nakita ng tao ang Aking poot; sa marahas na paggulong ng maitim na mga ulap, nasindak ang mga tao mula sa kanilang katalasan ng pag-iisip, at hindi malaman kung saan magtatago, na waring takot na tangayin sila ng ulan at kulog. Pagkatapos, na ang nag-aalimpuyong niyebe ay lumipas ang pag-anod, ang kanilang kondisyon ay huminahon at gumaan na waring nalulugod sila sa magandang tanawin ng kalikasan. Ngunit, sa mga ganitong sandali, sino sa kanila ang nakaranas ng walang hanggang pag-ibig na Aking iniukol sa sangkatauhan? Ang Aking anyo lamang ang nasa kanilang mga puso, ngunit hindi ang diwa ng Aking Espiritu: Maaari kayang hindi lantarang sumasalungat ang tao sa Akin? Kapag lumipas na ang bagyo, waring nabago na ang sangkatauhan, na parang nagkaroon ng kapinuhan sa pamamagitan ng mga kapighatian, nanumbalik na sa kanila ang liwanag at ang buhay. Pagkatapos ninyong malagpasan ang mga dagok na Aking ipinadala, hindi ba’t nagkaroon rin kayo ng magandang kapalaran na dumating sa ngayon? Ngunit, nang lumipas na ang araw na ito at dumating na ang bukas, makakaya ninyo pa bang mapanatili ang kalinisan na kasunod ng pagbuhos ng ulan? Makakaya ninyo bang mapanatili ang katapatan na kasunod ng inyong kapinuhan? Kaya ninyo pa bang mapanatili ang pagsunod sa ngayon? Mananatili kayang matatag at hindi nagbabago ang inyong katapatan? Tunay hindi ito isang paghahangad na nakasalalay lagpas sa kapasidad ng tao para matupad? Sa araw-araw, Ako’y namumuhay kasama ang mga tao, at gumagawa kasama nila, sa gitna ng sangkatauhan, ngunit wala kahit isa man ang nakapansin nito. Kung hindi dahil sa gabay ng Aking Espiritu, sino kaya sa buong sangkatauhan ang mananatiling buhay sa kasalukuyang panahon? Maaari kayang, nagsasabi lang Ako nang labis kapag sinasabi Kong nabubuhay Ako at gumagawa kasama ang mga tao? Sa nakaraan, sinabi Ko, “nilikha Ko ang tao, at ginabayan ang buong sangkatauhan, at inutusan Ko sila”; hindi ba’t ganito talaga ang nangyari? Posible kayang hindi pa sapat ang inyong naranasan sa mga bagay na ito? Sapat na para sa inyo ang salitang “taga-serbisyo” upang gamitin ang habang buhay sa pagsisikap na ipaliwanag ito. Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya magagawang kilalanin Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong pumarito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito mapadadali ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako mismong bumaba sa sanlibutan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang nahalina ng mga pagkaintindi, ibig sabihin, naging pag-aari na ni Satanas, dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang kinalaman sa Diyos Mismo. Hindi ba ito ang Aking kaligtasan?
Nang Kapag nagtutungo si Satanas sa Aking harapan, hindi Ako umuurong sa mabangis na katapangan nito, o natatakot man lamang sa pagkakilabot nito: Bina-balewala Ko lamang ito. Kapag tinutukso Ako ni Satanas, naaaninag Ko ang panlilinlang nito, dahilan para tumakas ito nang may kahihiyan at paghamak. Kapag nilalabanan Ako ni Satanas at sinusubukang agawin ang bayang Aking pinili, ibinibigay Ko ang lahat sa pamamagitan ng Aking laman; at sa Aking laman, inaalalayan at pinapatnubayan Ko ang Aking bayan upang hindi sila madaling madapa o mawala, at pinangungunahan Ko sila sa bawat hakbang sa landas na ito. At kapag umuurong na si Satanas dahil sa pagkatalo, pararangalan Ako ng Aking bayan at sila’y magdadala ng maliwanag at maugong na saksi para sa Akin. Dahil dito, aalisin Ko ang mga pagkakaiba sa Aking plano sa pamamahala at itatapon ang mga ito minsan pa sa walang hanggang kalaliman. Ito ang Aking plano, ito ang Aking gawain. Sa inyong mga buhay, maaaring dumating ang araw na masalubong mo ang ganitong uri ng sitwasyon: Nanaisin mo bang maging bihag ni Satanas ang iyong sarili o magpapasakop ka ba sa Akin? Ito ang iyong tadhana, at kailangan mong pag-isipan ito nang mabuti.
Ang buhay sa kaharian ay buhay ng mga tao at ng Diyos Mismo. Nakasalalay ang sangkatauhan sa Aking pangangalaga at pag-iingat, at kasali ang lahat sa pakikipaglaban sa malaking pulang dragon hanggang kamatayan. Upang magwagi sa huling labanang ito, at para tapusin na ang malaking pulang dragon, kailangang ihandog sa Akin ng lahat ng tao ang kanilang buong pagkatao para sa Aking kaharian. Kapag sinabi Kong “kaharian”, ang ibig Kong ipakahulugan nito ay ang buhay na ipinamumuhay sa ilalim ng tangkilik ng pagka-Diyos, kung saan ang buong sangkatauhan ay patuloy Kong pinapatnubayan, tinuturuan Ko nang tuwiran, upang ang buhay ng buong sangkatauhan, bagaman nasa mundo pa ay parang nasa langit na, ang tunay na diwa ng buhay sa ikatlong langit. Bagaman Ako’y nasa Aking laman, hindi Ko dinaranas ang mga limitasyon ng laman. Ilang beses Akong dumating sa kalagitnaan ng tao para pakinggan ang kanyang mga panalangin, at ilang beses din Akong nasiyahan sa mga pagpupuri ng mga tao habang kasama Ko sila? Kahit hindi kailanman nababatid ng sangkatauhan na Ako’y narito lang, patuloy Kong isinasagawa ang Aking gawain sa ganitong paraan. Sa lugar na Aking tinatahanan, ang lugar kung saan Ako nakatago, gayunman, sa tirahan Kong ito, natalo Ko ang lahat ng Aking mga kaaway; sa Aking tirahang ito, nakamit Ko ang karanasang mamuhay sa mundo; sa Aking tirahang ito, inoobserbahan Ko ang bawat salita at ginagawa ng tao, at nagmamasid at nag-uutos sa buong sangkatauhan. Kung nararamdaman ng sangkatauhan ang malasakit para sa Aking mga layunin, na nagbibigay ng kasiyahan sa Aking puso at kaluguran sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko ang buong sangkatauhan. Hindi ba ito ang Aking hangarin para sa sangkatauhan?
Habang nakaratay na walang malay ang sangkatauhan, sa dagundong lamang ng Aking kulog magigising ang sangkatauhan mula sa kanilang mga panaginip. At kapag binuksan nila ang kanilang mga mata, marami ang masasaktan sa mata dahil sa mga pagsabog ng malamig na liwanag, hanggang sa punto na mawawalan sila ng katinuan sa kanilang gawi, at hindi na malalaman kung saan sila nanggaling o saan sila patutungo. Karamihan sa mga tao ay tinamaan ng parang laser na mga sinag at ang resulta ay bumagsak sila sa isang bunton sa ilalim ng bagyo, inanod ang kanilang mga katawan ng rumaragasang agos, at walang naiwang bakas. Sa liwanag, sa wakas malinaw nang nakita ng mga nakaligtas ang Aking mukha, at noon lamang nila nalaman ang Aking panlabas na anyo, hanggang sa punto na hindi na sila maglakas-loob tumingin nang diretso sa Aking mukha dahil sa sobrang takot na baka muling dadalaw sa kanilang laman ang Aking pagkastigo at mga sumpa. Ilang tao ang nanlupaypay dahil sa hindi mapigil na paghikbi? Ilan ang nahulog sa pagkabigo? Ilan ang nakabuo ng mga ilog dahil sa kanilang mga dugo? Ilan ang naging mga bangkay na inanod ng agos na walang direksiyong patungo dito at doon? Ilang tao ang sa pagkatagpo sa sarili nilang lugar sa liwanag ay nakadama ng biglaang matinding kirot sa puso at napaluha dahil sa haba ng kanilang mga taon ng kalungkutan? Ilang tao, ang sa ilalim ng nagbabantang nakasisilaw na liwanag, ay nagpapahayag ng kanilang karumihan at nagpapasyang baguhin ang sarili? Ilang tao, ang dahil sa pagiging bulag, ay nawalan na ng siglang mabuhay at nawalan ng isip upang mapansin ang liwanag, at dahil dito ay tuluyan nang tumigil, naghihintay na lang ng kanilang katapusan? At ilang tao ang nagtataas ng layag ng kanilang buhay at, masigasig na hinihintay ang kanilang bukas sa ilalim ng patnubay ng liwanag? … Sa araw na ito, sino sa sangkatauhan ang hindi nakararanas ng ganitong kalagayan? Sino ang hindi nabubuhay sa Aking liwanag? Kahit na ikaw ay malakas, o maaaring ipinapalagay mo na mahina, paano mo maiiwasan ang pagdating ng Aking liwanag?
Marso 10, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan: Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?