Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

29 Agosto 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan , Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaligtasan, hanapin
Kidlat-ng-Silanganan-kaligtasan

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas
Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa “magpasakop sa Aking kapangyarihan.” Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding “alipin”; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong “sambahayan.” Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang “tiyak na digmaan” kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.


Ang dahilan at kahalagahan ng Aking pagdating sa mga tao ay upang iligtas ang sangkatauhan, upang dalhin ang buong sangkatauhan pabalik sa Aking sambahayan, upang pag-isahing muli ang langit kasama ang lupa, at upang hikayatin ang taong “ihatid” ang mga “senyales” sa pagitan ng langit at lupa, dahil iyon ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa panahong nilikha Ko ang sangkatauhan, ginawa Ko nang handa ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at kinalaunan, pinahintulutan Ko ang sangkatauhang tanggapin ang mga yaman na ibinigay Ko sa kanya ayon sa Aking mga kautusan. Kaya naman, winiwika Ko na ito ay sa ilalim ng Aking patnubay na ang buong sangkatauhan ay nararating ngayon. At ang lahat ng ito ay Aking plano. Sa buong sangkatauhan, hindi mabilang na dami ng tao ang nabubuhay sa ilalim ng pangangalaga ng Aking pag-ibig, at hindi mabilang na dami ang namumuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Aking poot. Kahit na ang mga tao ay nananalangin sa Akin, hindi pa rin nila kayang baguhin ang kanilang kasalukuyang kalagayan; kapag sila ay nawalan ng pag-asa, kaya lamang nilang hayaan ang kalikasang gawin ang tungkulin nito at tumigil na suwayin Ako, dahil ito ay ang lahat na kayang tuparin ng tao. Kung pag-uusapan ang estado ng buhay ng tao, ang tao ay kailangan pang hanapin ang tunay na buhay, hindi pa niya nakikita sa pamamagitan ng kawalan ng katarungan, kapanglawan, at mga nakakahapis na kalagayan ng mundo—at kaya naman, kung hindi dahil sa pagdating ng sakuna, karamihan ng mga tao ay mananatili pa ring yumayakap sa Inang Kalikasan, at mananatili pa ring umuukupa sa kanilang mga sarili sa tamis ng “buhay.” Hindi nga ba ito ang katotohanan ng mundo? Hindi nga ba ito ang tinig ng kaligtasan na winiwika Ko sa mga tao? Bakit, sa buong sangkatauhan, walang sinuman ang tunay na nagmahal sa Akin? Bakit mahal lang Ako ng tao sa gitna ng pagkastigo at mga pagsubok, ngunit walang sinuman ang umiibig sa Akin sa ilalim ng Aking pangangalaga? Ako ay “nagbigay” ng Aking pagkastigo sa tao sa maraming pagkakataon. Tiningnan nila ito, ngunit hindi nila ito pinansin, at hindi nila “pinag-aaralan at pinag-iisipan” sa oras na ito, at kaya nga lahat ng dumarating sa tao ay walang-awang paghatol. Ito ay isa lamang sa Aking mga paraan ng pagkilos, ngunit ito pa rin ay para baguhin ang tao at himukin siyang umibig sa Akin.
Ako ay naghahari sa kaharian, at, higit pa rito, Ako ay naghahari sa buong sansinukob; Ako ay parehong Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito magpahanggang sa hinaharap, titipunin Ko ang lahat ng hindi napili at magsisimula ng Aking gawa sa mga Hentil, at ipahahayag ko ang Aking mga batas ng pamumuno sa buong sansinukob, upang matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang tungo sa Aking gawa. Gagamitin ko ang pagkastigo upang ipakalat ang Aking gawa sa mga Hentil, nangangahulugang, gagamit Ako ng “puwersa” laban sa mga Hentil. Natural lamang na ang gawang ito ay mangyari sa parehong oras ng Aking gawa para sa mga napili. Kapag ang Aking mga tauhan ay naghari at gumamit ng kapangyarihan sa daigdig ay siya ring araw na ang lahat ng tao sa daigdig ay nalupig, at higit pa rito, ito ay ang panahon na ako ay mamamahinga—at doon lang Ako lilitaw sa lahat ng mga nalupig. Nagpapakita Ako sa mga banal na bansa, at itinatago ang Aking sarili mula sa madudungis na lupain. Ang lahat ng mga nalupig at naging masunurin sa Akin ay kayang makita ang Aking mukha gamit ang kanilang mga sariling mata, at kayang marinig ang Aking tinig gamit ang kanilang mga sariling tainga. Ito ay isang pagpapala sa mga ipinanganak noong mga huling araw, ito ay ang pagpapala na Aking itinalaga, at ito ay hindi mababago ninuman. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan para sa gawa sa kinabukasan. Ang lahat ng Aking gawa ay magkakaugnay, sa lahat ng ito ay isang panawagan at pagtugon: Hindi kailanman na ang anumang hakbang ay biglaang pinigilan, at hindi kailanman na ang anumang hakbang ay naisakatuparang mag-isa ng sinuman. Hindi nga ba ito iyon? Hindi nga ba ang gawa ng nakalipas ang siyang pundasyon ng gawa sa ngayon? Hindi nga ba ang mga salita ng nakalipas ang siyang pasimula ng mga salita sa ngayon? Hindi nga ba ang mga hakbang ng nakalipas ang siyang pundasyon ng hakbang sa ngayon? Noong pormal kong ipinahayag ang balita ang siya ring panahon na ang mga tao sa buong sansinukob ay naparusahan, noong ang mga tao sa buong mundo ay sasailalim sa pagsubok, at ito ang kasukdulan ng Aking gawa; lahat ng tao ay naninirahan sa isang lupaing walang liwanag, at lahat ng tao ay nananahan sa gitna ng banta sa kanilang kapaligiran. Sa madaling sabi, ito ang buhay na hindi kailanman naranasan ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa lahat ng mga kapanahunan ang “nasiyahan” sa ganitong uri ng buhay, at dahil dito, winiwika Ko na kikilos Ako nang hindi pa nagagawa noon. Ito ang tunay na estado ng pamumuhay, at ito ay ang malalim na kahulugan nito. Dahil ang Aking araw ay papalapit na sa buong sangkatauhan, dahil hindi ito nagmumukhang malayo, ngunit ito ay tama lamang sa harap ng mata ng tao, sino ang hindi kayang matakot bilang bunga nito? At sino ang hindi kayang maging masaya rito? Ang maduming lungsod ng Babylon ay dumating na sa katapusan; ang tao ay nakatagpo na ng isang bagong mundo, at ang langit at lupa ay nabago na at nanumbalik.
Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng bansa at lahat ng tao, ang mga puting kaulapan ay bumabati sa kalangitan at binabalot Ako. Ganoon din naman ang mga ibon sa lupa na umaawit at sumasayaw sa galak para sa Akin, binibigyang kahalagahan ang kapaligiran sa daigdig, at siyang nagdudulot sa lahat ng bagay sa daigdig na mabuhay, para hindi na “matambak” bagkus ay mamuhay sa kapaligirang puno ng buhay. Kapag ako ay nasa mga ulap, ang tao ay nakikita nang madilim ang Aking mukha at Aking mga mata, at sa panahong ito ay nakakaramdam siya ng kaunting takot. Noong nakalipas, nakarinig siya ng “makasaysayang mga tala” tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito, siya ay bahagya lamang naniniwala at bahagya ring nagdududa sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang Aking mukha—dahil ito ay kasing-lawak ng karagatan, o walang hanggan gaya ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam sa mga bagay na ito. Hindi lamang sa tuwing nakikita ng tao ang Aking mukha sa mga ulap ngayon na nakakaramdam ang tao na Ako ay “materyal” lamang batay sa mga kuwento, at kaya naman siya umaayon nang bahagya tungo sa Akin, at hindi lamang ito dahil sa mga kuwento tungkol sa Akin na ang kanyang paghanga sa Akin ay nagiging mas dakila. Ngunit ang tao ay hindi pa rin Ako kilala, at nakikita lamang ang isang bahagi ng Aking sarili sa mga ulap. Pagkatapos noon, nag-unat ako ng Aking mga bisig at ipinakita iyon sa tao. Ang tao ay namangha, at itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig, matinding natatakot na mahampas ng Aking kamay, at kaya naman nagdadagdag siya ng kaunting paggalang sa kanyang paghanga. Ang tao ay itinititig ang kanyang mga mata sa bawat kilos Ko, natatakot nang matindi na siya ay Aking igugupo kapag hindi siya nakikinig—ngunit binabantayan ito ng tao at hindi Ako pinipigilan, at patuloy Akong gumagawa gamit ang Aking mga kamay. Hindi lamang ang Aking mga gawa ang nais ng tao tungo sa Akin, at dahil dito, ang tao ay marahang tumutungo sa Akin para makipagkaisa sa Akin. Kapag ang Aking kabuuan ay naibunyag sa tao, makikita ng tao ang Aking mukha, at mula sa panahong iyon, hindi Ko na itatago o ikukubli pa ang Aking sarili mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayagan sa mga tao, at lahat ng kaisa ng laman at dugo ay makikita ang Aking mga gawa. Lahat ng kaisa ng Espiritu ay tiyak na maninirahan nang may kapayapaan sa aking tahanan, at siguradong masisiyahan sa kaaya-ayang pagpapala kasama Ko. Lahat ng Aking pinagmamalasakitan ay tunay ngang makaliligtas sa pagkastigo, at tiyak na makaiiwas sa pasakit ng tumatangay na espiritu at pagdurusa ng katawang-tao. Magpapakita Ako nang hayagan sa sangkatauhan at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang ang amoy ng mga namayapa ay hindi na lumaganap pa sa sansinukob; sa halip, ang Aking sariwang samyo ang siyang kakalat sa buong mundo, dahil ang Aking araw ay papalapit na, ang tao ay nagigising, ang lahat ng nasa daigdig ay magiging maayos, at ang mga araw ng “pagkaligtas” ng mundo ay wala na, dahil Ako ay dumating na!
Abril 6, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

Rekomendasyon  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

                            Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos





Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?