Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat

12

27 Mayo 2019

Salita ng Diyos | Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan


Ang landas na dinadala ng Banal na Espiritu sa mga tao ay kunin muna ang kanilang mga puso mula sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, at patungo sa mga salita ng Diyos upang sa kanilang mga puso maniniwala silang lahat na ang mga salita ng Diyos ay lubos na walang pag-aalinlangan at ganap na totoo. Yamang naniniwala ka sa Diyos kailangan mong maniwala sa Kanyang mga salita; kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming mga taon subalit hindi mo nalalaman ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu, ikaw ba ay isang mananampalataya talaga? Upang matamo ang buhay ng isang normal na tao at isang maayos na buhay ng tao kasama ng Diyos, kailangan mo munang paniwalaan ang Kanyang mga salita. Kung hindi mo pa natatapos ang unang hakbang ng gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga tao, wala kang taglay na saligan. Ikaw ay nagkukulang sa pinakapangunahing panuntunan, kaya paano mo lalakaran ang landas sa unahan? Ang pagtahak sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao ay pagpasok sa tamang landas ng totoong gawain ng Banal na Espiritu; ito rin ang pagtahak sa landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu.Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao.Ginagawa Niya ang gawain ng mga salita, at ang lahat ay ipinapahayag mula sa Kanyang mga salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang mga salita, sa Kanyang mismong mga salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang mga salita. Kung hindi, hindi siya makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng mga salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao. Dati nang naghahanap ng biyaya at naghahanap ng kapayaan at kaligayahan ang mga tao, at sa gayon ay nagawa nilang makamit ang gawain ng Diyos. Iba na sa ngayon. Kung hindi nila taglay ang mga salita ng Diyos na naging laman, kung hindi nila taglay ang realidad ng mga salitang iyon, hindi sila makapagkakamit ng pagsang-ayon mula sa Diyos at aalisin sila ng Diyos. Upang magtamo ng isang maayos na buhay espiritwal, kumain muna at uminom ng mga salita ng Diyos at isagawa ang mga ito; at sa saligang ito ay makapagtatatag ng isang maayos na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Paano ka makikipagtulungan? Paano ka magiging saksi bilang isa sa mga tao ng Diyos? Paano ka makapagtatatag ng isang wastong kaugnayan sa Diyos?

Ito ang paraan kung paano makikita na mayroon kang isang wastong kaugnayan sa Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay:

1. Naniniwala ka ba sa sariling patotoo ng Diyos?

2. Naniniwala ka ba sa iyong puso na ang mga salita ng Diyos ay totoo at hindi nagkakamali?

3. Ikaw ba yaong nagsasagawa sa Kanyang mga salita?

4. Matapat ka ba sa kung ano ang Kanyang ipinagkatiwala sa iyo? Paano kang dapat nakatalaga dito?

5. Ang lahat ba ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng pagpapalugod at pagiging tapat sa Diyos?

Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, maaari mong suriing mabuti kung mayroon kang wastong kaugnayan sa Diyos sa kasalukuyang yugto na ito.

Kung magagawa mong tanggapin kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, tanggapin ang Kanyang pangako, at sundan ang landas ng Banal na Espiritu, ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos. Mayroon ka bang panloob na kalinawan tungkol sa landas ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang mga kasalukuyang pagkilos ay alinsunod sa Kanyang landas? Ang puso mo ba ay lumalapit sa Diyos? Nakahanda ka bang sundin ang pinakabagong liwanag mula sa Banal na Espiritu? Nakahanda ka bang kamtin ng Diyos? Nakahanda ka bang maging isang pagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos sa lupa? Taglay mo ba ang kaloobang matamo kung ano ang kinakailangan ng Diyos? Kung taglay mo ang kalooban na makipagtulungan sa sandaling ang Diyos ay magsalita at taglay mo ang kalooban na paluguran Siya, kung ito ang iyong panloob na kasiglahan, ito’y nangangahulugan na ang mga salita ng Diyos ay nagbunga sa iyong puso. Kung hindi mo taglay ang gayong uri ng kalooban at kung wala kang isang layunin sa iyong paghahangad, ito’y nangangahulugan na ang iyong puso ay hindi pa inantig ng Diyos.

Sapagkat ang mga tao ay opisyal nang pumasok sa pagsasanay sa kaharian, ang kinakailangan ng Diyos sa kanila ay itinaas na. Paano ito makikita ninuman? Sinasabi noong una na ang mga tao ay walang taglay na buhay, ngunit ngayon ang mga tao ay naghahangad ng buhay, naghahangad na mapabilang sa mga tao ng Diyos, at kamtin at gawing perpekto ng Diyos. Hindi ba ito pag-angat? Sa katunayan, ang mga kinakailangan sa mga tao ay higit na madali kaysa sa dati. Hindi hinihiling sa mga tao na maging mga taga-serbisyo o mamatay—ang tanging kinakailangan sa kanila ay maging mga tao ng Diyos. Hindi ba mas madali ang gayon? Hangga’t inihahandog mo ang iyong puso sa Diyos at sinusunod ang Kanyang paggabay, ang lahat ay mangyayari gaya nang inaasahan. Bakit mo iniisip na ito ay masyadong mahirap? Ang sinasalita ngayon na may kinalaman sa pagpasok sa buhay ay mas malinaw kaysa noong una; ang mga tao ay dating hindi malinaw at hindi nalalaman kung ano ang tungkol sa realidad sa buhay. Yaong mga mayroong pagtugon sa pagkarinig sa mga salita ng Diyos, na taglay ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at nakapagtamo ng Kanyang pagpeperpekto at pagbabago sa disposisyon sa harap Niya—ang lahat ng mga taong ito ay mayroong buhay. Ang nais ng Diyos ay mga buhay na nilalang, hindi mga bagay na walang buhay. Kung ikaw ay walang buhay, wala kang taglay na buhay, at ang Diyos ay hindi magsasalita sa iyo, at hindi ka Niya lalong ibabangon bilang isa sa Kanyang mga tao. Yamang kayo ay iniangat na ng Diyos, sa pagkakatanggap ng gayong kalaking pagpapala mula sa Kanya, nangangahulugan ito na kayong lahat ay may taglay na buhay, at yaong mga mayroong buhay ay nanggagaling sa Diyos.

Para maghangad ang isang tao ng isang pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay, ang landas sa pagsasagawa ay madali. Kung nagagawa mong sundin ang mga salita mismo ng Banal na Espiritu sa iyong mga praktikal na karanasan, makapagtatamo ka ng isang pagbabago sa iyong disposisyon. Kung susundin mo at hahangarin maging anuman ang sinasabi ng Banal na Espiritu ikaw ay yaong tumatalima sa Kanya, at sa ganitong paraan magkakaroon ka ng isang pagbabago sa disposisyon. Ang disposisyon ng tao ay nagbabago sa pamamagitan ng mismong mga salita ng Banal na Espiritu; kung palagi mong itinataguyod ang iyong dating nakaraang mga karanasan at mga patakaran, ang iyong disposisyon ay hindi magbabago. Kung ang Banal na Espiritu ay nagsalita sa kasalukuyan upang sabihin sa lahat ng mga tao na pumasok sa isang buhay ng normal na pagkatao ngunit patuloy kang nagtutuon sa pagpapanggap at ikaw ay naguguluhan tungkol sa realidad at hindi mo ito sineseryoso, ikaw ay magiging isang tao na hindi nakakaagapay sa Kanyang gawain at hindi ka magiging isang tao na nakapasok sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong mga salita ng Banal na Espiritu taglay ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una. Ang iyong naintindihan ukol sa isang pagbabago sa disposisyon noong una ay ikaw, na madaling manghatol, sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos ay hindi na basta-basta na lamang nagsasalita. Ngunit ito ay isa lamang aspeto ng pagbabago, at sa kasalukuyan ang pinaka-kritikal na punto ay ang pagsunod sa paggabay ng Banal na Espiritu. Sinusunod ninyo ang anumang sinasabi ng Diyos; tinatalima ninyo ang anumang Kanyang sinasabi. Hindi kayang baguhin ng mga tao ang kanilang disposisyon sa kanilang ganang mga sarili; sila ay kailangang sumailalim sa paghatol at pagkastigo at masakit na pagpipino ng mga salita ng Diyos, o pakikitunguhan, didisiplinahin, at pupungusin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Pagkatapos lamang noon na matatamo nila ang pagiging masunurin at pagiging tapat sa Diyos, at hindi tangkaing linlangin Siya at makitungo sa Kanya nang basta-basta na lamang. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos na nagkakaroon ang mga tao ng isang pagbabago sa disposisyon. Yaong lamang mga sumailalim sa paghahayag, paghahatol, pagdidisiplina, at pakikitungo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita ang hindi na mangangahas na gumawa ng mga bagay nang walang pakundangan, at magiging kalmado at mahinahon. Ang pinakamahalagang punto ay ang nagagawa nilang sundin ang mismong mga salita ng Diyos at sundin ang gawain ng Diyos, at maging ito man ay hindi nakaayon sa mga paniwala ng tao, kaya nilang isantabi ang mga ito at sadyang sundin. Kapag ang isang pagbabago sa disposisyon ay sinalita noong nakaraan, ito ay pangunahing tungkol sa pagtatanggi sa sarili, pagpapahintulot na magdusa ang laman, pagdidisiplina sa katawan ng isang tao, at pag-aalis sa mga makamundong pagnanasa mula sa sarili—ito ay isang uri ng pagbabago sa disposisyon. Nalalaman na ng mga tao na ang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon ay ang pagsunod sa mismong mga salita ng Diyos gayundin ang pagkakaroon ng isang tunay na pagkaunawa sa Kanyang bagong gawain. Sa ganitong paraan magagawang alisin ng mga tao ang kanilang nakaraang pagkaunawa sa Diyos mula sa kanilang mga paniwala, at matatamo ang isang tunay na pagkaunawa at pagkamasunurin sa Kanya. Ito lamang ang isang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon.

Ang paghahangad ng mga tao sa pagpasok sa buhay ay batay sa mga salita ng Diyos; nasabi na noong una na ang lahat ay naisasakatuparan dahil sa Kanyang mga salita, ngunit walang sinuman ang nakakita sa mga realidad. Kung sa yugtong ito ka pumasok sa karanasan ikaw ay ganap na magiging malinaw—ito ay pagtatayo ng isang mabuting saligan para sa mga pagsubok sa hinaharap, at maging anuman ang sasabihin ng Diyos, kailangan mo lamang pumasok sa Kanyang mga salita. Kapag sinabi ng Diyos na sisimulan Niyang kastiguhin ang mga tao, tanggapin mo ang Kanyang pagkastigo. Kapag hiniling ng Diyos na mamatay ang mga tao, tanggapin mo ang pagsubok na iyon. Kapag ikaw ay laging nabubuhay sa loob ng Kanyang pinakabagong mga pagbigkas, sa huli gagawin kang perpekto ng mga salita ng Diyos. Habang lalo kang pumapasok sa mga salita ng Diyos, lalong mas magiging mabilis na ikaw ay magiging perpekto. Bakit Ako paulit-ulit na nakikisama at hinihiling sa inyo na intindihin at pumasok kayo sa mga salita ng Diyos? Sa pamamagitan lamang ng pagtutuon sa paghahangad mo tungo sa mga salita ng Diyos at sa pagdanas sa mga ito at pagpasok sa realidad ng mga nito na magkakaroon ng pagkakataon ang Banal na Espiritu na gumawa sa iyo. Kaya kayong lahat ay mga kalahok sa bawat pamamamaraan ng gawain ng Diyos, at hindi alintana kung ang inyong pagdurusa ay masyadong mabigat o magaan sa katapusan, kayong lahat ay magkakaroon ng isang ala-ala. Upang matamo ang inyong pangwakas na pagka-perpekto, kailangan ninyong pumasok sa lahat ng mga salita ng Diyos. Sapagkat para gawing perpekto ng Banal na Espiritu ang mga tao, hindi Siya gumagawa nang pang-isahan. Kinakailangan Niya ang pakikipagtulungan ng mga tao; Kailangan Niya ang bawat isa na sasadyaing makipagtulungan sa Kanya. Maging anuman ang sinasabi ng Diyos, pumasok ka lamang sa Kanyang mga salita—ito ay higit na kapaki-pakinabang para sa inyong mga buhay. Ang lahat ay para sa kapakanan ng inyong pagbabago sa disposisyon. Kapag ikaw ay pumasok sa mga salita ng Diyos, ang iyong puso ay aantigin ng Diyos, at iyong mauunawaan ang lahat ng gustong matamo ng Diyos sa hakbang na ito ng gawain, at magkakaroon ka ng kalooban na tamuhin ito. Sa mga panahon ng pagkastigo, pinaniniwalaan ng ilang mga tao na ito ang paraan ng gawain at hindi naniwala sa mga salita ng Diyos. Bilang resulta, hindi sila sumailalim sa pagpipino at sila ay lumabas sa mga panahon ng pagkastigo na hindi nagkamit nang anuman at nakaintindi nang anuman. May mga ilan na tunay na pumasok sa mga salitang ito nang wala kahit isang pilas ng pag-aalinlangan; sinasabi nila na ang mga salita ng Diyos ay tunay at di-nagkakamali at na ang mga tao ay dapat na kastiguhin. Nahihirapan sila sa loob nito ng ilang panahon at binitawan ang kanilang kinabukasan at kapalaran, at sa sandaling nakawala sila mula sa gayon ang kanilang disposisyon ay nagbago nang husto, at nagkaroon sila nang mas malalim na pagkaunawa sa Diyos. Yaong mga nagsilabas mula sa kalagitnaan ng pagkastigo ay nararamdamang lahat ang kagandahan ng Diyos, at nalalaman nila na ang hakbang ng gawain ng Diyos na iyon ay ang Kanyang dakilang pag-ibig na dumarating sa gitna ng sangkatauhan, na ito ang paglupig at ang pagliligtas ng pag-ibig ng Diyos. At sinasabi din nila na ang mga saloobin ng Diyos ay palaging mabuti, at ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa tao ay pag-ibig, hindi pagkasuklam. Yaong mga hindi naniniwala sa mga salita ng Diyos o naglalagay ng kahalagahan sa mga ito ay hindi sumailalim sa pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, at ang resulta ay hindi sila sinasamahan ng Banal na Espiritu, at walang anumang bagay silang nakakamit. Sa kanilang mga pumasok sa mga panahon ng pagkastigo, bagamat sila ay sumailalim sa pagpipino, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob nila sa isang lihim na paraan, at ang kinalabasan ay naranasan nila ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ang ilang mga tao ay parang masyadong positibo mula sa labas. Sila ay palaging masaya, ngunit hindi pa sila nakapasok sa gayong kalagayan ng pagpipino ng mga salita ng Diyos at hindi nagbago kailanman, na siyang kahihinatnan ng hindi paniniwala sa mga salita ng Diyos. Kung hindi mo paniniwalaan ang Kanyang mga salita ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay nagpapakita sa kanilang lahat na naniniwala sa Kanyang mga salita; matatamo nilang mga naniniwala at nakakaunawa sa Kanyang mga salita ang Kanyang pag-ibig!

Pumasok sa kalagayan ng mga salita ng Diyos, magtuon sa paggawa nito sa isang aktibong paraan, at hanapin kung ano ang dapat na isagawa; sa paggawa lamang nito na magkakaroon ka ng isang pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Sa pamamagitan lamang ng ganitong paraan na maaari kang gawing perpekto ng Diyos, at ang mga tao lamang na ginawang perpekto sa gayong paraan ang maaaring makiayon sa Kanyang kalooban. Upang matanggap ang bagong liwanag, kailangan mong mabuhay sa loob ng Kanyang mga salita. Kung ikaw ay minsan lamang inantig ng Banal na Espiritu, yaon ay hindi sapat kailanman—kailangan mong maging mas marubdob. Yaong mga minsan lamang naantig ay nagising lamang ang kanilang sigasig sa loob at sila ay naging handa na maghangad, ngunit hindi nila mapanatili ang gayon nang matagalan, at kailangan nilang palaging natatanggap ang pag-antig ng Banal na Espiritu. Napakarami na ang mga pagkakataon na binanggit Ko na umaasa Ako na maantig ng Espiritu ng Diyos ang mga espiritu ng mga tao, na kung maaari ay maghangad sila ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at habang naghahangad sila na maantig ng Diyos nauunawaan nila ang kanilang sariling mga kakulangan, at sa proseso ng pagdanas sa Kanyang mga salita, itatakwil nila ang maruruming bagay sa kanilang mga sarili (pansariling pagkamatuwid, pagiging arogante, at kanilang sariling mga paniwala, at iba pa.) Huwag maniniwala na ang maagap lamang na pagtanggap sa bagong liwanag ay sapat na—dapat mo ring itakwil ang mga bagay mula sa negatibong mga aspeto. Kailangan ninyo na hindi lamang pumasok mula sa positibong mga aspeto, ngunit kailangan ding alisin sa inyong mga sarili ang maruruming bagay sa negatibong mga aspeto. Dapat lagi mong siyasatin ang iyong sarili at alinmang maruruming bagay ang umiiiral pa rin sa loob mo. Ang mga relihiyosong paniwala ng mga tao, mga layunin, mga pag-asa, pansariling pagkamatuwid, at ang pagiging arogante ay mga bagay na maruming lahat. Ihambing mo ang iyong sarili sa lahat ng mga salitang pagbubunyag ng Diyos, at tingnan mo mula sa iyong sarili ang anumang relihiyosong mga paniwala na maaaring pinanghahawakan mo. Kapag tunay mong kinikilala ang mga ito saka mo lamang maitatakwil ang mga ito. Sinasabi ng ilang mga tao na sa kasalukuyan ay sapat nang sundin lamang ang liwanag ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu at wala ng iba pang bagay ang kinakailangang sundin. Paano mo maitatapon kung gayon ang iyong relihiyosong mga paniwala kapag umahon ang mga ito? Iniisip mo ba na ganoon lamang kadaling sundin ang mga salita ng Diyos? Sa iyong totoong buhay, mayroon pa ring relihiyosong mga bagay ang maaaring makagambala, at kapag bumangon ang mga bagay na ito, maaari nilang gambalain ang iyong kakayahan na tanggapin ang mga bagong bagay. Lahat ng mga ito ay mga suliranin na talagang umiiral. Kung hahangarin mo lamang ang mismong mga salita ng Banal na Espiritu hindi mo mapaluluguran ang kalooban ng Diyos. Habang hinahangad mo ang kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu, dapat mong makilala kung aling mga paniwala at mga mithiin ang pinanghahawakan mo pa rin, kung anong partikular na pantaong makasariling pagkamatuwid ang naroroon, at kung aling mga pag-uugali ang masuwayin sa Diyos. At pagkatapos mong makilala ang lahat ng mga bagay na ito, dapat mo silang itakwil. Ang iyong pagtalikod sa iyong nakaraang mga pagkilos at mga pag-uugali ay para sa kapakanang lahat ng pagsunod sa kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu. Para sa pagbabago sa disposisyon, sa kabilang dako, ito ay natatamo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at sa kabilang banda, kinakailangan nito na makipagtulungan ang mga tao. Iyon ay, ang gawain ng Diyos at ang pagsasagawa ng mga tao ay kapwa napakahalaga.

Sa iyong hinaharap na paglilingkod, paano mo mapaluluguran ang kalooban ng Diyos?

Isang maselang punto ay ang paghahangad sa pagpasok sa buhay, paghahangad sa isang pagbabago sa disposisyon, at ang paghahangad sa mas marubdob na pagpasok sa katotohanan—ito ang landas tungo sa pagtatamo ng pagperpekto at pagkamit ng Diyos. Lahat kayo ay makatatanggap ng komisyon ng Diyos, kaya ano iyon? Ito ay mahalaga sa susunod na hakbang ng gawain, na magiging higit na dakilang gawain na ipatutupad sa lahat ng bahagi ng buong daigdig. Kaya dapat kayo ngayong maghangad ng isang pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay upang kayo ay tunay na maging katibayan ng pagtatamo ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa hinaharap, at maging mga uliran para sa Kanyang gawain sa hinaharap. Ang paghahangad sa kasalukuyan ay pagtatatag lahat ng isang saligan para sa gawain sa hinaharap; ito ay para gamitin kang kasangkapan ng Diyos at upang magawa mong sumaksi para sa Kanya. Kung ito ang pakay ng iyong paghahangad, makakamit mo ang presensya ng Banal na Espiritu. Habang mas mataas ang layunin ng iyong paghahangad, lalong mas nagiging possible para sa iyo na gawing perpekto. Habang lalo mong hinahangad ang katotohanan, lalong mas gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Habang mas madami ang lakas na taglay mo para sa paghahangad, lalong mas marami kang makakamit. Ginagawang perpekto ng Banal na Espiritu ang mga tao batay sa kanilang panloob na kalagayan. Sinasabi ng ilang mga tao na sila ay hindi nakahandang gawing kasangkapan ng Diyos o Kanyang gawing perpekto, na magiging mabuti kung sila ay mayroong kapayapaan sa kanilang laman, at hindi makararanas ng anumang mga kapahamakan. Ang ilang mga tao ay hindi nakahandang pumasok sa kaharian, ngunit nakahandang bumaba sa kalaliman, at tutuparin din sa iyo ng Diyos ang gayon. Maging anuman ang iyong hahangarin ang siyang tutuparin ng Diyos. Kaya ano ang iyong kasalukuyang hinahangad? Hinahangad mo bang maging perpekto? Ang iyo bang kasalukuyang mga pagkilos at mga pag-uugali ay para sa kapakanan ng pagpeperpekto ng Diyos, sa pagkakamit Niya? Kailangan mong palaging sukatin ang iyong sarili sa ganitong paraan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kapag itinuon mo ang iyong puso sa paghahangad ng iisang layunin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos. Ito ang landas ng Banal na Espiritu. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay nakakamit sa pamamagitan ng paghahangad ng mga tao. Habang lalo kang nasasabik na gawing perpekto at kamtin ng Diyos, lalong mas gagawa ang Banal na Espiritu sa loob mo. Habang lalo kang hindi naghahangad, at habang lalo kang nagiging negatibo at sumusuko, lalong mas nagkukulang ng mga pagkakataon ang Banal na Espiritu na gumawa. Unti-unti kang iiwanang mag-isa ng Banal na Espiritu. Nakahanda ka bang gawing perpekto ng Diyos? Nakahanda ka bang kamtin ng Diyos? Nakahanda ka bang gawing kasangkapan ng Diyos? Dapat ninyong hangarin na gawin ang lahat para sa kapakanan ng pagperpekto, pagkamit, at pagkasangkapan ng Diyos, pinahihintulutan ang lahat ng bagay sa daigdig na makitang mabunyag ang mga pagkilos ng Diyos sa inyo. Sa gitna ng lahat ng mga bagay, kayo ang panginoon ng mga ito, at sa gitna ng lahat na naroroon, hahayaan ninyong kamtin ng Diyos ang Kanyang patotoo at ang Kanyang kaluwalhatian dahil sa inyo—ipinakikita nito na kayo ang pinaka-pinagpalang salinlahi!

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo

 I Kaninong mga salita ang pinakamatamis, at pinalakas ang aking espiritu?